COVID-19 at mga Paaralan/Childcare
Huling update ng nilalaman: 1/18/23
Simula noong Enero 1, 2023, ang mga employer sa non-healthcare na lugar ay hindi na kinakailangan na mag-ulat ng COVID-19 outbreak sa Public Health Department.
Para sa higit pang impormasyon sa mga kinakailangan na nauugnay sa COVID-19 para sa mga negosyo at employer sa mga non-healthcare setting, sumangguni sa Cal/OSHA COVID-19 Guidance and Resources.
Impormasyon sa Bakuna sa COVID-19
Para sa pinakabagong impormasyon kung saan mababakunahan ang mga batang 6 na buwan at pataas o kung paano mag-iskedyul ng appointment, mangyaring bisitahin ang sccfreevax.org. Ito ang opisyal na mapagkukunan ng County para sa impormasyong nauugnay sa bakuna at madalas ito ina-update.
Ang impormasyon sa Patnubay sa pagbabakuna at planong pagbibigay prayoridad sa COVID-19 ng estado ng California ay mababasa din.
Portal ng Paaralan para sa Pagsubaybay ng Pagsiklab
SCCOE PORTAL NG MGA INAALALA SA COVID-19
Mga Kagamitan ng Itinalaga sa COVID-19
Kabilang sa Mga Programa sa Edukasyon ay ang Childcare, Mga Preschool, TK-12, Mas Mataas na Edukasyon at Iba Pang Mga Programang Naglilingkod sa Mga Bata at Kabataan
Welcome, mga partner sa programa sa edukasyon. Ang County Office of Education at County Public Health Department ay patuloy na nakikipagtulungan sa mga paaralan at childcare na mga programa upang mapanatili ang ligtas at mahusay na kapaligiran para sa personal na pagtuturo, childcare, at programa.
COVID-19 Decision Tree para sa TK-12 at Childcare (Na-update 11/15/22 - | Ingles | Espanyol | Vietnamese |)
Sumangguni sa mga sumusunod na mapagkukunan sa COVID-19 para sa mga childcare provider at mga programa:
- FDA guidance kung kailan magpasuring muli para sa COVID-19
- California Department of Public Health (CDPH) Patnubay para sa mga Child Care Provider at mga Programa
- California Department of Social Services COVID-19 FAQs para sa mga Lisensyadong Pasilidad ng Childcare at mga Provider
- COVID-19 Decision Tree para sa TK-12 at Childcare (Na-update 11/15/22 - | Ingles | Espanyol | Vietnamese |)
Ang pagsiklab ng COVID-19 ay kung saan hindi bababa sa tatlong pinanghihinalaan, malamang, o kumpirmadong mga kaso ng COVID-19 na naiulat sa loob ng 14-na araw ng panahon sa mga tao na kung saan nakakonekta ang epidemya sa lugar, at hindi kinikilalang nakipagsalamuha ng malapitan sa bawat isa sa anumang iba pang kaso ng imbestigasyon.
Mag-ulat sa inyong Regional Licensing Office
Mag-ulat ng isahang kaso, pagkalantad, at pagsiklab sa inyong Regional Licensing Office.
- Hanapin kung saang Regional Licensing Office kayo kinakailangang mag-ulat. Depende sa inyong zip code, kailangan mong mag-ulat sa regional office sa San Jose o sa Oakland.
- Ipaalam sa inyong Regional Licensing Office kaagad ang kaso o pagkalantad sa pamamagitan ng pag-email o pagtawag sa normal na oras ng negosyo.
Sumangguni sa sumusunod na mga mapagkukunan para sa kasalukuyang patnubay sa COVID-19 para sa TK-12:
- State of California Safe Schools for All Hub, kabilang:
- Sulat sa Pagbalik sa Paaralan (Na-update 11/17/22 - | Ingles | Intsik | Espanyol | Vietnamese | Tagalog |)
- COVID-19 Decision Tree para sa TK-12 at Childcare (Na-update 11/15/22 - | Ingles | Espanyol | Vietnamese |)
Ang bawat paaralan/distrito ng paaralan ay mayroong isang Designee sa COVID-19, ang itinalagang tao bilang isang koneksyon sa komunikasyon sa pagitan ng mga paaralan at ng Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan. Mangyaring bisitahin ang Pahina ng Mga Kagamitan ng Designee sa COVID-19 para sa lahat ng mapagkukunan na kailangan ng mga Designee sa COVID-19 sa kanilang suporta sa pagtugon sa COVID-19 sa mga paaralan.
Ang State of California’s Safe Schools for All Parent Page ay kabilang ang mga mapagkukunan sa pagsusuri, bakuna at ligtas na maskara, at childcare, at impormasyon sa Multisystem Inflammatory Syndrome in Children (MIS-C).
Paano Tumugon sa Kaso o Pagsiklab
Kapag may mga kaso, nakasalamuha ng malapitan, o pagsiklab ay natukoy, sumangguni sa mga sumusunod:
- COVID-19 Decision Tree para sa TK-12 at Childcare (Na-update 11/15/22 - | Ingles | Espanyol | Vietnamese |)
- Sumangguni sa pinakahuling patnubay mula sa CDPH para sa pangunahing mga rekomendasyon para sa inyong TK-12 na paaralan.
- Para sa mga kaso sa paaralan o mga empleyado sa pang-edukasyonal na programa, ang mga employer ay DAPAT sumunod sa mga kinakailangan na binalangkas sa Cal/OSHA’s Emergency Temporary Standards. Ang mga employer ay maaaring kumonsulta sa Cal/OSHA FAQs para sa karagdagang patnubay.
- Kung mayroong karagdagang mga katanungan tungkol sa pagsiklab o pag-uulat, mangyaring mag-email sa [email protected].
Mga Kinakailangan sa Pag-uulat sa COVID-19 sa mga Paaralan ng TK-12
Ang mga paaralan ay dapat abisuhan kaagad ang Public Health Department kung mayroong hindi bababa sa 5% ng kanilang populasyon sa paaralan—kabilang ang mga estudyante at kawani—ay nag-ulat ng pinaghihinalaan o kumpirmado sa COVID-19 ng mahigit sa 14-na araw ng panahon.
Sa oras na natukoy ng mga paaralan na 5% ng kanilang populasyon ng paaralan ay may bagong pinaghihinalaan o bagong kumpirmado sa COVID-19 ng mahigit na 14-na araw na panahon, dapat sila ay:
- Mag-ulat ng kumpirmadong kaso via SPOT
- Mag-ulat ng pinaghihinalaang kaso via Microsoft Form
Ang mga paaralan ay dapat na abisuhan ang Public Health muli kung ang porsiyento ay lumagpas sa 10%, 15%, 20% at alinmang karagdagan na maramihan sa 5 O kung ang porsiyento ay bumaba sa 5% at muling tumama sa 5%.
Hinihikayat ang mga paaralan na gamitin ang Designee Reporting Calendar upang subaybayan ang porsiyento ng bagong pinaghihinalaan o bagong kumpirmadong kaso sa kanilang populasyon sa paaralan sa mahigit na 14 na araw.
- Panoorin ang 5-minuto na tutorial kung paano gamitin ang Designee Reporting Calendar.
Paano mag-ulat ng mga Kaso
Kung WALA kayong umiiral na SPOT account na nakakonekta sa lokasyon kung saan kayo nag-uulat, magsumite ng SPOT Intake Form upang mag-ulat ng kaso ng impormasyon.
Kung kayo ay mayroong umiiral na SPOT account na nakakonekta sa inyong lokasyon kung saan kayo nag-uulat, maaari kayong mag-ulat ng kaso ng impormasyon sa pamamagitan ng pag-log in sa SPOT at direktang mag-ulat ng mga kaso sa Location Account. Mangyaring i-click ang “Existing Users” upang mag-log in at pumunta sa seksiyon na “Report Cases and Contacts” ng SPOT upang magsumite ng bagong kaso ng impormasyon para sa nararapat na lokasyon mula sa drop-down list.
Ang mga kinakailangan ng County sa pag-uulat ay hindi magiging ganap na makamit hangga’t maisumite ang impormasyon ng kaso para sa lahat ng positibong indibidwal na sangkot sa pinanghihinalaang pagsiklab.
Mga Mapagkukunan para sa Pag-uulat sa SPOT
- Para sa detalyadong mga tagubilin sa pagsusumite sa SPOT, tingnan ang SPOT School Help and Training Material.
- Para sa teknikal na tulong sa pagsusumite ng SPOT Intake Forms (hal., paglog-in o tulong sa password), mangyaring kontakin ang SPOT Help Desk sa [email protected] o (916) 520-1619.
- Kung mayroong mga karagdagang katanungan tungkol sa pag-uulat, mangyaring mag-email sa [email protected].
Mga Portal ng Paaralan para sa Pagsubaybay ng Pagsiklab (SPOT)
TANDAAN: Bawat estratehiya ay sinusundan ng parenthetical na nagsasaad kung naaangkop ito sa TK-12 na mga paaralan, programa sa childcare, o pareho.
Kinakailangan ba ang mga maskara sa mukha? (TK-12; Childcare Programs)
Ang mga paaralan at programa sa childcare ay maaaring pumili ng kinakailangang panakip sa mukha kung nasa panloob at/o panlabas na lugar.
Ang County of Santa Clara Health Officer at California Department of Public Health ay mahigpit na inirerekomenda sa lahat na magsuot ng maskara sa mukha kung nasa panloob na lugar.
TANDAAN: Bagama’t ang Estado ng California ay hindi na nangangailangan ng pagmaskara sa mga paaralan o pasilidad ng childcare, ang maskara ay kinakailangan pa rin na gamitin, at ibinibigay, sa ilang mga partikular na sitwasyon ng Patnubay sa Paggamit ng Panakip sa Mukha ng Estado ng California, Kautusan sa Pangkalusugan na Nangangailangan ng Paggamit ng Panakip sa Mukha sa Lugar na Mataas ang Panganib ng County, at Emergency Temporary Standards ng Cal/OSHA.
Nakatutulong ba ang mga portable air purifiers sa pagbabawas ng panganib sa pagkalat ng COVID-19? (TK-12; Childcare Programs)
Ang mga portable air purifiers ay makapagbigay ng karagdagang proteksyon mula sa pagkakalantad sa COVID-19, depende sa uri ng ginamit na filter (mataas na kahusayan sa pagsasala) at bilang ng clean air delivery rate (CADR). Maaaring kailanganin ang maramihang aparato sa bawat silid-aralan. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang mga rekomendasyon ng CDPH para sa COVID-19 at Pagpapahusay sa Panloob na Kalidad ng Hangin sa mga Paaralan.
Ang mga kawani na nagpapanatili sa pasilidad ay maaari ding suriin ang dokumento ng CDPH na teknikal na mga konsiderasyon para sa bentilasyon at pagsasala.
Sa anong antas ng AQI dapat ilipat sa loob ang mga aktibidad na mas mahaba at hindi aktibo (gaya ng pangmatagalang pagtuturo)? (TK-12; Childcare Programs)
Ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at Environmental Protection Agency (EPA) ay inirerekomenda na ang mga hindi pangkaraniwang sensitibong tao ay kinukonsidera ang pagbawas ng matagalan o mabigat na pagsisikap kung ang Air Quality Index (AQI) ay nasa pagitan ng 51-100 at lahat ng mga bata at kabataan ay magbabawas ng matagalan o mabigat na pagsisikap kung ang AQI ay mas mataas sa 100. Gayunpaman, walang tiyak na mga alituntunin para sa AQI na panimula para sa paglipat ng aktibidad na hindi aktibo (gaya ng panlabas na edukasyong pagtuturo) sa panloob na lugar.
Inirerekomenda namin ang paglilipat ng mga aktibidad ng mas matagal at hindi aktibo (hal., pangmatagalang panlabas na eduksyong pagtuturo) sa panloob kung ang AQI ay 101 o mas mataas. Ang mga bintana at pintuan ay dapat nananatiling nakasarado kung ang AQI ay 101 o mas mataas.
Sa anong antas ng AQI dapat ilipat sa loob ang mga maikling panahon na panlabas na aktibidad? (TK-12; Childcare Programs)
Ang CDC at EPA ay inirerekomenda na ang mga hindi pangkaraniwang sensitibong tao ay kinukonsidera ang pagbawas ng matagalan o mabigat na pagsisikap kung ang AQI ay nasa pagitan ng 51-100 at lahat ng mga bata at kabataan ay magbabawas ng matagalan o mabigat na pagsisikap kung ang AQI ay mas mataas sa 100.
Inirerekomenda namin ang pagkansela, muling pag-iskedyul, o paglipat ng lahat ng mga aktibidad sa panloob na lugar (aktibo at hindi, gaano man katagal) kung ang AQI ay 151 o mas mataas. Ang mga bintana at pintuan ay dapat nananatiling nakasarado kung ang AQI ay 101 o mas mataas.
Sa anong antas ng AQI dapat ikunsidera ng mga paaralan ang pagsasara at paglilipat ng malayuang pagtuturo (remote)? (TK-12; Childcare Programs)
Walang naitalagang cut-off na antas para sa kalidad ng hangin para sa pagpapaalis at pagsasara ng paaralan. Walang malinaw na ebidensiya na ang mga bata ay mas ligtas mula sa mahinang kalidad ng hangin sa tahanan kaysa sa paaralan. Ang mga magulang ng mga estudyante na mayroong mas matagal na oras ng paglalakbay mula at papunta sa paaralan, kung saan mas malawak ang kanilang pagkakalantad, ay maaaring ikunsidera ang alternatibong paraan para sa transportasyon o panatilihin ang kanilang anak sa tahanan kahit na nananatiling bukas ang paaralan.
Dalawang mahalagang mekanismo para sa pagbabawas ng panganib sa pagkalat ng sakit na COVID-19 sa mga paaralan ay ang pagsagawa ng pagtuturong pang-edukasyon sa labas at pagbukas ng mga pintuan at bintana kapag nasa loob. Kung dapat manatili sa loob ang mga estudyante na may mga bintana at pintuan na sarado dahil sa masamang kalidad ng hangin, kung gayon ang iba pang mga pamamaraan upang mabawasan ang panganib ng pagkalat ng COVID-19 ay lalong nagiging mahalaga kabilang ang mekanikal na bentilasyon at pagsasala, portable na mga pansala ng hangin, at mga pagmamaskara.
Mayroon bang mga rekomendasyon para sa pagbabawas ng pagkakalantad sa hindi malusog na hangin sa panahon ng pagsundo/paghatid (hal., pagsusuri sa kalusugan bago dumating)? (TK-12; Childcare Programs)
Kung ang AQI ay 101 o mas mataas, ang mga pagsusuri sa kalusugan (kung ginawa sa campus) ay dapat isagawa sa pagdating sa silid-aralan/gusali kaysa sa paghihintay ng mga estudyante at kawani sa labas para sa pagsusuri. Maaari ding isaalang-alang ng mga paaralan ang pagsasagawa ng pagsusuri sa kalusugan bago dumating sa campus.
Saan ako higit pang matututo tungkol sa Air Quality Index? (TK-12; Childcare Programs)
- Patnubay para sa mga Paaralan sa Kalidad ng Hangin at Panlabas na Aktibidad (mula sa EPA, CDC, sa website ng Air Now)
- Air Quality Index: Patnubay sa Kalidad ng Hangin at Inyong Kalusugan (mula sa EPA, sa website ng Air Now)
Ano ang kailangang malaman ng mga employer at kawani tungkol sa pagbubukod sa COVID-19? (TK-12; Childcare Programs)
Ang mga kawani sa paaralan o mga programa sa mga bata at kabataan ay dapat sumunod sa pagbubukod at pagkwarantina na patnubay ng CDPH na Patnubay sa COVID-19 para sa masa.
Kailangan pa bang magkwarantina ang mga estudyante/kabataan kung nalantad sila sa iba na mayroong COVID-19? (TK-12; Childcare Programs)
Ang mga nalantad na estudyante ay dapat sumunod sa Patnubay sa COVID-19 para sa masa at maaaring magpatuloy na pumasok sa paaralan at mga extracurricular na aktibidad maliban kung nakakaranas sila ng mga sintomas o positibo sa COVID-19.
Dapat din silang masuri ng 3-5 araw pagkatapos ng kanilang huling pagkakalantad at magsuot ng mahusay ang kasya na maskara sa paligid ng iba ng 10 araw.
Kung ang aking anak ay may sipon ngunit walang iba pang mga sintomas ng COVID-19, dapat ba siyang manatili sa tahanan mula sa paaralan? (TK-12)
Kung ang pagsusuri ay available, inirerekomenda na magpasuri sa simula ng sipon.
Maraming mga bata sa paaralan ang magkakaroon ng mga sintomas ng sipon sa buong taon ng pag-aaral dahil sa hanay ng mga kondisyon. Hindi malabong makaranas ng sipon ang isang bata bilang natatanging sintomas ng COVID-19, at ang pagpigil sa mga bata na may sipon lamang mula sa pagpunta sa paaralan ay maaaring humantong sa mga hindi kinakailangang mga pagliban sa paaralan. Kung ang isang bata ay may sipon ngunit walang iba pang mga sintomas ng COVID-19, makatuwiran na payagan ang bata na manatili sa paaralan, sa kondisyon na ang bata ay hindi magkaroon ng anumang iba pang mga sintomas ng COVID-19.
Kailan makakabalik sa paaralan ang estudyante kung mayroong sintomas ito? (TK-12)
Bago bumalik sa paaralan, ang estudyante na mayroong mga sintomas ng COVID-19 ay dapat na magkaroon ng alinman:
- Isang negatibong pagsusuri sa COVID-19: Kung ang estudyante ay nasuring negatibo, maaari silang bumalik sa paaralan kung hindi bababa 24 na oras ang nakalipas bago ang resolusyon ng anumang lagnat (na walang iniinom na gamot para sa lagnat) at iba pang mga sintomas ay bumuti. Ang negatibong pagsusuri ay dapat maibigay sa paaralan, at ang sulat ng doktor ay kinakailangan.
- O ang isang medikal na sulat na nagdedetalye ng alternatibong pagpapaliwanag ng mga sintomas. Ang isang sulat ng doktor* ay balido lamang sa pagbabalik sa paaralan kung:
- Ang mga sintomas ng estudyante ay pareho sa mga dokumentado na malalang kondisyon (hal., asthma, allergies, o diabetes);
- O tinukoy ng healthcare provider, sa pamamagitan ng isang medikal na pagsisiyasat sa isang tao, na mayroong alternatibo, ipinapahiwatig ang diagnosis (hal., Strep throat o hand foot and mouth disease) na nagpapaliwanag ng mga naranasang sintomas.
- O 10 araw ang nakalipas mula ng nag-uumpisa ang mga sintomas, ang mga sintomas ay bumuti, at ang estudyante ay walang lagnat `ng 24 na oras ng walang iniinom na gamot para sa lagnat.
*Para sa sulat ng doktor para maging balido ang dokumentasyon sa mga sitwasyon sa itaas, ang doktor ay dapat magbigay ng nakasulat na pagpapaliwanag na nagsasaad ng lahat ng mga sumusunod: sertipikasyon na ang medikal na pagsisiyasat ay nakumpleto; isang alternatibong pagpapaliwanag sa mga sintomas; at isang pahayag na ang pagsusuri sa COVID-19 ay hindi ipinapahiwatig.
Kailan makakabalik sa paaralan o childcare ang isang kaso o nakasalamuha ng malapitan? (TK-12; Childcare Programs)
Ang mga indibidwal na positibong nasuri para sa, o nalantad sa, COVID-19 ay maaaring bumalik sa paaralan kung nakakamit nila ang pamantayan ng CDPH na nakadetalye sa Patnubay sa COVID-19 para sa masa. Ang mga nahawaan o nalantad na mga estudyante ay dapat, at nahawaan at nalantad na mga empleyado ay kailangan, magsuot ng mahusay ang kasya na maskara sa paligid ng iba para sa kabuuang 10 araw.
Ang mga indibidwal na tumangging magpasuri at/o magpasiyasat ay dapat magamot bilang isang kaso ng COVID-19 at makakabalik batay sa karaniwang pamantayan sa pagbubukod ng 10 araw pagkatapos ng mga sintomas ay nagsimula at 24 na oras pagkatapos mawala ang lagnat at mapabuti ang iba pang mga sintomas.
Ang mga FDA-authorized antigen home tests ay inirerekomenda para sa pagsusuri para makabalik sa paaralan o mga lugar ng childcare pagkatapos ng pagkakalantad sa COVID-19 o habang nagbubukod.
Ang mga bata na wala pang 2 taong gulang na mayroong impeksiyon sa COVID-19 ay dapat masuring negatibo upang ihinto ang pagbubukod pagkatapos ng Day 51.
1Sinasabi ng CDPH na ang pagsusuri ay hindi kinakailangan para sa mga batang wala pang 2 taong gulang upang makabalik sa childcare pagkatapos ng pagbubukod ng 5 Araw, ngunit ang Santa Clara County ay nangangailangan ng pagsusuri para sa mga batang wala pang 2 taong gulang para makabalik mula sa pagbubukod. Ito lang ang natatanging lugar kung saan naiiba ang patnubay ng Santa Clara County mula sa kasalukuyang Patnubay para sa mga Programa at mga Child Care Providers ng CDPH.
Paano namin aabisuhan ang mga pamilya ng mga kaso ng COVID-19 sa paaralan o sa programa? (TK-12; Childcare programs)
Inirerekomenda ng CDPH ang mga paaralan na:
- Abisuhan ang mga estudyante na nalantad sa COVID-19 sa paaralan
- Abisuhan ang buong komunidad ng paaralan habang nasa panahon ng mataas na pagkakahawa ng komunidad sa COVID-19
Matinding inirerekomenda ng CDPH ang mga paaralan na gamitin (o simulant ang paglilipat) ang notification-based model na ibinigay ng Group Tracing Approach to Students Exposed to COVID-19 in a K-12 setting. Sa ganitong paraan, ang mga estudyante ay inaabisuhan sa kanilang pagkakalantad, pagsusuri pagkatapos ng 3-5 araw, at manatili sa paaralan maliban kung nakakaranas sila ng mga sintomas o nasuring positibo).
Tingnan ang Sample ng Group Tracing Notification Letter para sa mga Magulang/Tagapag-alaga ng mga Estudyanteng Nalantad sa COVID-19 sa Paaralan (na-update 3/14/22) dito: | Ingles | Espanyol | Vietnamese |
Dapat bang regular na magpasuri ang mga estudyante, guro, at iba pang kawani ng paaralan? (TK-12)
Ang Pangkalahatang-ideya ng Pagsusulit sa Paaralan ng CDPH ay nagbabalangkas sa mga rekomendasyon at suporta ng Estado ng California para sa pagsusuri ng mga mag-aaral, guro, at iba pang kawani ng paaralan. Bilang karagdagan sa pagpapasuri ng mga indibidwal na may mga sintomas at mga nakipagsalamuha nang malapitan, ang pagsubaybay ng pagsusuri ay maaaring makatulong sa pagpigil ng pagkalat ng COVID-19 sa kampus.
Tandaan na ang Patnubay sa COVID-19 ng Pampublikong Pangkalusugan para sa mga Paaralang K-12, 2022-2023 School Year ng CDPH, ang antigen tests ay inirerekomenda bilang pangunahing pagpipilian para matukoy ang COVID-19 sa mga paaralan, kumpara sa PCR tests.
Ang mga paaralan ay pinapayagan na maglabas ng personal na pagkilala ng impormasyon, kabilang dito ang impormasyon sa kalusugan, mula sa rekord ng edukasyon ng estudyante sa County Public Health Department kahit walang pahintulot ng mga magulang o ng estudyante? (TK-12)
Ang Family Educational Rights and Privacy Act (FERPA) ay isang pederal na batas na nagpoprotekta sa pagkapribado ng mga tala ng edukasyon ng estudyante, na sa pangkalahatan ay may kasamang lahat ng impormasyon ng estudyante na hinahawakan ng mga paaralan. Sa pangkalahatan, ang mga distrito ng paaralan at mga pampublikong paaralan (at iba pang mga paaralan na tumatanggap ng mga pondong pederal) ay dapat kumuha ng pahintulot mula sa isang magulang o tagapag-alaga bago isiwalat ang personal na makikilalang impormasyon mula sa mga tala ng edukasyon ng mga estudyante. Ngunit ang mga pagbubukod sa pangkalahatang panuntunan ng pahintulot ng FERPA ay nagpapahintulot sa mga paaralan na magbahagi ng ilang mga tala at impormasyon nang walang paunang pahintulot sa ilang mga pangyayari.
Ang U.S. Department of Education ay kinukumpirma na ang mga paaralan ay maaaring magbahagi ng impormasyon kahit walang pahintulot kung, may kaugnayan ito sa emergency gaya ng kasalukuyang pandemya sa COVID-19, pagbabahagi ng impormasyon sa mga pampublikong opisyal ng pangkalusugan ay kinakailangan upang protektahan ang kalusugan o kaligtasan ng estudyante o ibang mga indibidwal. Maaaring kabilang dito ang impormasyon kung saan ang estudyante ay nasuring positibo para sa COVID-19, mga kontak ng kanilang kasama sa bahay, at ang mga kontak na impormasyon ng kanilang mga magulang o tagapag-alaga.
Tingnan ang mga nakalipas na Kautusan ng Pampublikong Pangkalusugan ng County ng Santa Clara.
Mga Mabilis na Link
COVID-19 HomeBakuna sa COVID-19 Mga Lokasyon ng Pagpapasuri sa COVID-19Data at mga Ulat sa COVID-19Patnubay sa Pagbubukod at Pagkuwarantina sa BahayMga Negosyo at Lugar ng TrabahoCOVID-19 at Mga Paaralan/Childcare Directory ng Mapagkukunan sa COVID-19Library ng Flyer at Poster sa COVID-19Impormasyon para sa Healthcare Provider Mga Madalas na Katanungan sa Kautusan ng Pampublikong Pangkalusugan Mag subscribe sa Aming Public Health Newsletter