Mga Patnubay sa COVID-19

Huling update ng nilalaman: 8/30/23

    Kung nasuri kayong positibo sa COVID-19 o nakakaranas ng mga sintomas, gamitin ang aming COVID-19 Guidelines Flowcharts upang malaman kung ano ang gagawin:

    COVID-19 Guidelines Flowcharts Ingles | Intsik Espanyol | Vietnamese | Tagalog |

    Paglalarawan: Ang mga flowchart na ito ay nagbibigay ng mga pangunahing tagubilin sa pagbubukod at pagsusuri para sa masa. Kung nasuri kayong positibo sa COVID-19, nalantad, o may mga sintomas, gamitin ang mga flowchart na ito upang alamin kung ano ang gagawin. 

    Home Isolation & Quarantine Flowchart - Isolation - Tagalog

    Figure 1. Nagpositibo ako sa COVID-19, ano ang gagawin ko?

    I Am A Confirmed Close Contact to Someone - TL

    Figure 2. Nalantad ako sa isang taong may COVID-19, ano ang gagawin ko?

    Home Isolation & Quarantine Flowchart - Symptoms Tagalog

    Figure 3. Mayroon akong mga sintomas ng COVID-19, ano ang gagawin ko?

    1. Ang patnubay sa itaas ay nakahanay sa mga Alituntunin ng California Department of Public Health.
    2. Sa lugar ng trabaho, ang mga employer ay napapailalim sa Cal/OSHA COVID-19 Prevention Non-Emergency Regulations o sa ilang lugar ng trabaho ang Cal/OSHA Aerosol Transmissible Diseases (ATD) Standard, at dapat sumangguni sa mga regulasyong iyon para sa mga karagdagang naaangkop na kinakailangan.
    3. Ang patnubay sa itaas ay nalalapat din sa mga nakatira at nagtatrabaho sa mga congregate shelter. Ang Public Health Department ay mahigpit na hinihikayat ang mga pasilidad na ito na sumangguni sa Patnubay sa Pamamahala ng COVID-19 sa mga Lugar ng Serbisyo sa mga Walang Tahanan ng CDC at Pinakamahusay na Kasanayan para sa Bentilasyon ng mga Lugar sa Pagbubukod sa mga Homeless Shelter ng CDPH para sa mga karagdagang pamamaraan sa pagpapagaan.
    4. Ang patnubay na ito ay HINDI nalalapat sa mga healthcare providerso pasyente/residente sa anumang uri ng healthcare facility. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Mga Mapagkukunan sa COVID-19 para sa mga Providers.

     

    Mga Alituntunin sa COVID-19

      • Bumukod at manatili sa bahay nang hindi bababa sa 5 araw.
      • Ang pagbubukod ay maaaring tapusin pagkatapos ng Araw 5 kung ang mga sintomas ay wala na o banayad at bumubuti at ikaw ay walang lagnat ng 24 na oras (nang hindi gumagamit ng gamot na pampababa sa lagnat).1
      • Kung ang lagnat ay naroroon sa ika-5 araw, ang pagbubukod ay dapat ipagpatuloy hanggang 24 na oras pagkatapos mawala ang lagnat.
      • Kung ang mga sintomas, maliban sa lagnat, ay hindi nawawala sa ika-5 araw, magpatuloy na bumukod hanggang sa bumuti ang mga sintomas o hanggang pagkatapos ng ika-10 araw.
      • Magsuot ng maayos na maskara sa paligid ng iba sa kabuuang 10 araw1, lalo na sa mga panloob na lugar.

      Kumuha kaagad ng medikal na tulong kung nagsimula kang mas makaramdam ng sakit, lalo na kung nahihirapan kang huminga, patuloy na pananakit ng dibdib, nagsisimulang mataranta, hindi manatiling gising, o magkaroon ng maasul na labi o mukha.

      Sundin ang mga alituntuning ito kahit na ikaw ay nabakunahan, mayroon nang COVID-19, at/o wala kang mga sintomas. Kung hindi mo magawang bumukod nang ligtas sa bahay, tumawag sa 2-1-1 para sa impormasyon sa pabahay, pagkain, o iba pang mga serbisyo ng suporta.

      1 Magsuot ng maskara hanggang sa ika-10 araw. Pagkatapos tapusin ang pagbubukod, maaari mong alisin ang iyong maskara nang mas maaga kaysa sa Day 10 kung negatibo ang iyong pagsusuri nang dalawang beses, na may hindi bababa sa isang araw sa pagitan ng mga pagsusuri.

      Timeline para sa pagbubukod sa COVID-19

      Nakipagsalamuha ng Malapitan

      • Sabihan ang mga tao na iyong nakasalamuha ng malapitan na maaaring nalantad sila sa COVID-19 (tingnan ang FAQ na “Kailan itinuturing ang isang tao na ''nalantad" sa COVID-19?” sa ibaba).
      • Ang pagkakaroon ng kamalayan sa isang pagkakalantad sa COVID-19 ay magbibigay-daan sa iyong mga nakasalamuha ng malapitan na masuri, subaybayan ang mga sintomas, at mas maprotektahan ang kanilang pamilya at mga mahal sa buhay.

      Magpasuri kaagad – bisitahin ang webpage na Mga Bakuna sa COVID-19, Pagsusuri, at Paggamot upang humanap ng libreng testing site na malapit sa iyo. Habang hinihintay mo ang resulta ng iyong pagsusuri para sa COVID-19, manatili sa tahanan hanggang sa ikaw ay gumaling at hindi makakahawa ng sakit sa iba. Subaybayan ang mga sintomas ng mabuti at kumuha ng pangangalagang medikal kung mas lumala ang iyong pakiramdam, lalo na kung ikaw ay nasa mas mataas na panganib ng malubhang karamdaman. Bilang karagdagan:

      • Manatili sa tahanan, at umiwas sa iba
      • Matulog sa hiwalay na silid at gumamit ng hiwalay na banyo, kung maaari
      • Magsuot ng maskara habang nasa paligid ng iba, kahit sa tahanan
      • Linisin nang madalas ang mga kabahaging ibabaw

      Kung ikaw ay nasuring positibo para sa COVID-19, sundin ang mga patnubay sa pagbubukod sa itaas.

      Kung ikaw ay nasuring negatibo para sa COVID-19, ikaw ay maaaring bumalik sa mga normal na aktibidad sa sandaling wala kang lagnat ng 24 na oras (na walang ginagamit na gamot sa lagnat) at ang iba pang sintomas ay banayad at gumiginhawa. Isaalang-alang ang pagpapatuloy ng pagbubukod at muling pagsusuri sa loob ng 1-2 araw kung negatibo ang iyong pagsusuri sa antigen test, lalo na kung ang iyong unang pagsusuri ay sa loob ng 1-2 araw pagkatapos magsimula ang mga sintomas. Kung magkaroon ng mga bagong sintomas, magbukod at magpasuring muli.

      • Magpasuri sa loob ng 3-5 araw pagkatapos ng huling pagkakalantad.
      • Kung magkaroon ng mga sintomas, magpasuri at manatili sa bahay.
      • Kung positibo ang resulta ng pagsusuri, sundin ang mga rekomendasyon sa pagbubukod.
      • Ang Patnubay ng Pagmamaskara ng California Department of Public Health (CDPH) ay mahigpit na inirerekomenda ang pagsusuot ng maayos na maskara sa paligid ng iba sa kabuuang 10 araw, lalo na sa mga panloob na lugar at kapag malapit sa mga nasa mas mataas na panganib para sa malubhang sakit na COVID-19.

        Paalala: 
        Dapat isaalang-alang ng mga nalantad na tao ang pagsusuri sa lalong madaling panahon upang matukoy ang katayuan ng impeksyon at sundin ang lahat ng rekomendasyon sa pagbubukod sa itaas kung positibo ang pagsusuri.

        Kung nasuri kang negatibo sa isang antigen test, isaalang-alang ang pagsusuri muli pagkalipas ng 48 oras, pagkatapos ay muling magpasuri ng 48 oras pagkatapos ng pangalawang negatibong pagsusuri.

        Ang pag-alam na ang isa ay maagang nahawaan ay nagbibigay-daan sa mas maagang pag-access sa mga opsiyon sa paggamot, lalo na para sa mga maaaring nasa panganib para sa malubhang karamdaman, at maagang pag-abiso ng mga taong nalantad (“nakasalamuha ng malapitan”) na maaari ring makinabang sa pamamagitan ng pag-alam kung sila ay nahawahan.

      Mga Madalas na Katanungan

        Kung nakatanggap ka ng text mula sa numero ng telepono na 233-93 na may link sa survey, ito ang County of Santa Clara Public Health Department na nakikipag-ugnayan sa iyo upang magtanong tungkol sa iyong nararamdaman at magbigay ng impormasyon tungkol sa paggamot sa COVID-19 at iba pang mapagkukunan. Ligtas na mag-click sa link sa text message na ito.

        Ang iyong pagkapribado ay napakahalaga sa amin, at anumang impormasyon na iyong ibibigay ay gagamitin lamang ng Public Health Department upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng ating komunidad. Hindi kailanman hihilingin sa iyo ang iyong social security number, impormasyon sa pananalapi, o katayuan sa imigrasyon.

        Nasa ibaba ang mga screenshot kung ano ang magiging hitsura ng text message at survey:

        CA Connected Screenshots

        Paglalarawan: Ipinapakita ng mga larawang ito ang text message at survey na iyong matatanggap mula sa County ng Santa Clara Public Health Department.

        Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang video na ito mula sa CDPH.

        Ang isang tao na nagpositibo sa pagsusuri sa COVID-19 at may mga sintomas ay itinuturing na nakakahawa mula 2 araw bago nag-umpisa ang mga sintomas hanggang sa hindi bababa sa 5 araw pagkatapos ng pagsisimula ng sintomas KUNG 24 na oras ang lumipas ng walang lagnat (ng hindi gumagamit ng gamot na pampababa ng lagnat) at bumubuti ang mga sintomas.

        Ang isang taong nagpositibo sa COVID-19 at walang mga sintomas ay itinuturing na nakakahawa mula 2 araw bago ang petsa ng kanilang unang positibong pagsusuri sa COVID-19 hanggang 5 araw pagkatapos nilang kumuha ng kanilang unang positibong pagsusuri sa COVID-19.

        Tingnan ang Patnubay sa Pagbubukod at Pagkwarantina ng CDPH para sa karagdagang impormasyon.

        Itinuturing na "nalantad" ang isang tao sa COVID-19 kung nagbahagi sila ng indoor airspace sa isang taong nakakahawa ng COVID-19 sa pinagsama-samang kabuuang 15 minuto o higit pa sa loob ng 24 na oras.

        Ang mga puwang na pinaghihiwalay ng mga dingding na mula sahig hanggang kisame (hal. mga opisina, silid, hintayan na lugar, banyo, o lugar ng pahinga o pagkain na pinaghihiwalay ng mga dingding na mula sahig hanggang kisame) ay dapat ituring na natatanging mga panloob na espasyo.

        Ang mga nalantad na tao, na tinatawag ding "nakasalamuha ng malapitan", ay kinabibilangan ng mga taong nagbahagi ng panloob na espasyo sa nahawaang tao sa loob ng tuluy-tuloy na 15 minuto o mas matagal pa, pati na rin ang mga taong nagbahagi ng panloob na espasyo sa kaso sa loob ng maraming maikling panahon na umaabot hanggang sa hindi bababa sa 15 minuto sa loob ng 24 na oras. Halimbawa, kung sa 2 araw bago ang taong nahawahan ay nagkaroon ng mga sintomas o nasuri na positibo, ang isang tao ay nagkaroon ng tatlong 5 minutong pakikipag-ugnayan sa taong nahawahan sa loob ng 24 na oras, ang taong iyon ay maituturing na nakasalamuha ng malapitan.

        Ang mga entidad tulad ng mga negosyo at pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan na nangangasiwa sa mga panloob na espasyo na higit sa 400,000 kubiko talampakan bawat palapag ay dapat isaalang-alang ang na-update na kahulugan ng nakipagsalamuha ng malapitan ng CDPH para sa malalaking espasyo sa panloob. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa Marso 3, 2023 Kautusan ng Opisyal ng Pampublikong Pangkalusugan ng Estado.

        Ang ilang mga tao ay nasa mas mataas na panganib para sa malubhang sakit na COVID-19 kaysa sa iba. Sa partikular, ang mga mas nakatatanda, mga taong immunocompromised, at mga taong may pinagbabatayan na mga kondisyong pangkalusugan ay mas malamang na magkaroon ng mas malubhang sintomas at nangangailangan ng higit pang pangangalagang medikal, lalo na kung hindi sila nabakunahan.

        Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang webpage ng CDC na Mga Salik na Nakakaapekto sa Iyong Panganib na Magkasakit mula sa COVID-19.

        Upang matuto pa tungkol sa COVID-19, bisitahin ang COVID-19 Homepage ng CDC o ang COVID-19 Resources webpage ng CDPH.

        Mga Patnubay para sa mga Negosyo at Lugar ng Trabaho

        Ang mga negosyo sa Santa Clara County ay responsable sa paggawa ng mga hakbang upang protektahan ang kalusugan ng kanilang mga manggagawa at kustomer. Lahat ng mga negosyo at lugar ng trabaho sa Santa Clara County ay napapailalim sa mga kinakailangan sa Cal/OSHA COVID-19 Prevention Non-Emergency Regulations, o sa mga lugar ng trabaho ang Cal/OSHA Aerosol Transmissible Diseases (ATD) Standard, at dapat sumangguni sa mga regulasyong iyon para sa mga naaangkop na kinakailangan.

        Ang mga panakip sa mukha ay dapat isuot sa ilang partikular na oras at sa ilang partikular na lugar na gaya ng kinakailangan ng Kautusang Pangkalusugan na Nangangailangan ng Paggamit ng Panakip sa Mukha sa mga Mataas ang Panganib na Lugar ng County at Cal/OSHA.

        Ang patnubay na ito ay HINDI nalalapat sa mga negosyo at mga employer sa mga healthcare setting.

        Para sa mga impormasyon sa mga kinakailangan na nauugnay sa COVID-19 para sa mga healthcare facilities, sumangguni sa Mga Mapagkukunan sa COVID-19 para sa mga Providers.

         

          Tingnan ang Cal/OSHA COVID-19 Prevention Non-Emergency Regulations at nauugnay na FAQs para sa karagdagang impormasyon sa mga kinakailangan ng mga employer na nauugnay sa pagsusuri sa COVID-19, pagkalantad, at pagbubukod.

          Kung sakaling nagpositibo sa pagsusuri ang isang manggagawa para sa COVID-19, dapat sundin ng mga employer ang mga kinakailangan na nakabalangkas sa Cal/OSHA COVID-19 Prevention Non-Emergency Regulations o, kung naaangkop, ang Cal/OSHA Aerosol Transmissible Diseases (ATD) Standard.

          Ang mga employer ay dapat ding sumangguni sa webpage ng California Department of Public Health (CDPH) na Pagtugon sa COVID-19 sa Lugar ng Trabaho para sa mga Employer para sa karagdagang patnubay.

          Hindi hinihikayat ng County ng Santa Clara ang mga employer na humiling ng medical note mula sa doktor o healthcare provider para sa clearance upang makabalik sa trabaho pagkatapos magkaroon ng COVID-19 ang isang manggagawa.

          Dapat sundin ng mga negosyo at mga employer sa non-healthcare na lugar ang mga kinakailangan ng Cal/OSHA, kabilang ang mga kinakailangan sa pag-ulat ng COVID-19 outbreaks sa Cal/OSHA. Para sa mga karagdagang impormasyon, sumangguni sa Cal/OSHA COVID-19 Prevention Non-Emergency Regulations at nauugnay na FAQs.

          Karamihan sa mga non-healthcare na negosyo ay hindi na inaatas ng batas na mag-ulat ng mga kaso ng COVID-19 o outbreak sa mga kawani sa Public Health Department. Gayunpaman, ang mga negosyo ay maaaring kusang-loob na mag-ulat ng malalaking outbreak ng 20 o higit pang mga kaso sa pamamagitan ng pagtawag sa Communicable Disease Prevention and Control Program ng Public Health Department sa (408) 885-4214.

          Sa panahon ng outbreak, maaaring kailanganin ang mga karagdagang layer ng proteksyon upang mahinto ang pagkahawa. Mahalagang kilalanin at masuri ang lahat ng potensyal na nalantad na mga indibidwal anuman ang kanilang katayuan sa pagbabakuna. Mahalaga rin na suriin ang mga panloob na plano sa pagtugon sa COVID-19, tukuyin ang mga patuloy na panganib sa COVID-19 sa lugar ng trabaho, at tukuyin kung anong mga karagdagang hakbang sa pagpapagaan ang maaaring kailanganin.

          Kung ang iyong negosyo ay nakakaranas ng outbreak at kailangan mo ng suporta sa pag-unawa sa patnubay sa COVID-19 o kung gusto mo ng karagdagang teknikal na tulong mula sa Public Health, mangyaring makipag-ugnayan sa [email protected].

          Patnubay para sa Sistema ng Bentilasyon at Air Filtration

          Bisitahin ang sccphd.org/saferair upang matutunan kung paano pahusayin ang panloob na hangin sa iyong negosyo o sumangguni sa mga karagdagang mapagkukunan sa ibaba.

           

          Karagdagang mga Patnubay at Mapagkukunan

          Mga Patnubay sa mga Paaralan at Childcare

            Ang outbreak ng COVID-19 ay tinukoy ng CDPH bilang hindi bababa sa tatlong pinaghihinalaan, malamang, o kumpirmadong kaso ng COVID-19 na iniulat sa loob ng 7-araw na yugto sa mga taong epidemiologically na nauugnay sa lugar at hindi kilala bilang nakasalamuha ng malapitan ng bawat isa sa anumang iba pang pagsisiyasat sa kaso.

            • Cal/OSHA COVID-19 Prevention Non-Emergency Regulations
            • Mag-ulat ng mga kaso ng COVID sa Public Health Department:
              • Ang mga paaralan ay dapat abisuhan kaagad ang Public Health Department kapag hindi bababa sa 5% ng populasyon ng kanilang paaralan—kabilang ang mga estudyante at kawani—ay nag-ulat ng pinaghihinalaan o kumpirmadong COVID-19 sa loob ng 14-na araw. 
              • Naiulat na kumpirmadong kaso via Shared Portal for Outbreak Tracking (SPOT).
              • Mag-ulat ng pinaghihinalaang mga kaso via Microsoft Form​.
              • Aabisuhang muli ng mga paaralan ang Public Health kung ang porsiyento ay lumampas sa 10%, 15%, 20% at anumang karagdagang multiple ng 5 O kung ang porsiyento ay bumaba sa ibaba ng 5% at pagkatapos ay umabot muli sa 5%.
            • Hinihikayat ang mga paaralan na gamitin ang Designee Reporting Calendar Spreadsheet 23-24 upang subaybayan ang porsiyento ng bagong pinaghihinalaan o bagong kumpirmadong kaso sa kanilang populasyon sa paaralan sa mahigit na 14 na araw.

             

            Paano Mag-ulat ng mga Kaso

            • Kung WALA kang umiiral na SPOT account na naka-link sa lokasyon kung saan ka nag-uulat, magsumite ng SPOT Intake Form upang mag-ulat ng impormasyon ng kaso.
            • Kung mayroon kang umiiral na SPOT account na naka-link sa lokasyon kung saan ka nag-uulat, maaari kang mag-ulat ng impormasyon sa pamamagitan ng pag-log in sa SPOT at direktang mag-ulat ng mga kaso sa Location Account. Mangyaring i-click ang “Existing Users” upang mag-log in at mag-navigate sa “Report Cases and Contacts” na seksiyon ng SPOT upang magsumite ng bagong impormasyon para sa naaangkop na lokasyon mula sa drop-down na listahan. 
            • Ang mga kinakailangan sa pag-uulat sa County ay hindi ganap na matutugunan hanggang sa magsumite ka ng impormasyon ng kaso para sa lahat ng positibong indibidwal na sangkot sa pinaghihinalaang outbreak.  

             

            Mga Mapagkukunan upang Mag-ulat sa SPOT 

             

            Shared Portal for Outbreak Tracking (SPOT)

            ©2023 County of Santa Clara. All rights reserved.