Direktoryo ng Mapagkukunan sa COVID-19
Tumawag sa 2-1-1 para kumausap sa isang operator tungkol sa mga programa at serbisyo para matulungan ang mga pamilya sa Santa Clara County.
- Upang humanap ng impormasyon sa pagbabakuna, testing sites, o free at-home tests: Bisitahin ang Mga Bakuna, Pagsusuri, at Paggamot sa COVID-19 webpage o tumawag sa (408) 970-2000.
- Kumuha ng bagong vaccine card o kopya ng vaccine record: Mayroong ilang mga pagpipilian para sa inyo para palitan ang inyong CDC COVID-19 vaccination card.
- Mag- access ng paggamot sa COVID-19: Matuto kung paano at saan makapag-access ng paggamot sa COVID-19.
Kung ikaw ay walang healthcare provider, tumawag sa Patient Access Department ng County sa 1 (866) 967-4677.
Para sa iba pang mga katanungan sa Public Health Department, repasuhin ang Public Health Department Directory.
Businesses: Para sa anumang mga katanungan tungkol sa inyong negosyo o lugar ng trabaho na nagpapatakbo sa Santa Clara County bisitahin ang page ng Mga Negosyo at Lugar ng Trabaho.
Mga Paaralan: Para sa mga katanungan na may kaugnayan sa mga paaralan, kabilang ang childcare, daycare, kindergarten, at K-12, bisitahin ang COVID-19 at mga Paaralan/Childcare page o tumawag sa Santa Clara County Office of Education Hotline sa (408) 453-6819.
Ang Programa sa Pagsuporta sa Pagbubukod at Pagkwarantina ng County ng Santa Clara ay nagbibigay ng isang motel room at tatlong pagkain bawat araw para sa mga kaso ng COVID-19 na walang tahanan at hindi nakatira sa isang congregate shelter.
Kung nasuri kayong positibo para sa COVID-19 at nangangailangan ng tulong sa hotel, mangyaring tumawag sa:
Lunes - Biyernes 8 a.m. - 5 p.m. 1 (408) 278-6420 |
Sabado - Linggo 9 a.m. - 6 p.m. 1 (669) 369-1309 |
Mag-iwan ng voicemail sa wika na inyong pinakakumportable na sinasalita.
Kung tatawag pagkatapos ng oras ng trabaho, mangyaring mag-iwan ng mensahe at tatawagan namin kayo sa susunod na araw.
Mapagkukunan sa Komunidad
General Assistance o General Relief ProgramAng General Assistance o General Relief Program ay idinisenyo para magbigay ng cash assistance at mga employment services para sa mga adult sa Santa Clara County na walang dependent na mga bata na walang ibang paraan ng suporta.
|
CalWIN MyBenefits CalWIN ay tumutulong para sa medikal, pagkain, at tulong sa pera.
|
Emergency Assistance NetworkAng Santa Clara County Emergency Assistance Network ay nagbibigay ng iba’t ibang kritikal na mapagkukunan para sa mga kwalipikadong low-income na sambahayan upang maiwasan ang kawalan ng tirahan at pagkagutom. Lahat ng mga ahensiya sa flyer ay maaaring tumulong sa mga residente ng Santa Clara, hindi na sila limitado ng zip code. Impormasyon sa programa na ibinibigay: | English | Spanish | Vietnamese | Chinese |Tagalog | |
Sacred Heart Community ServiceAng Sacred Heart Community Service ay mayroong pondo para sa low-income na mga residente sa Santa Clara County na nangangailangan ng emerhensiyang tulong sa pinansiyal. Tinutulungan ang mga residente ng Santa Clara County sa mga hindi nabayarang renta, mga emergency security deposits, mortgages, at marami pang iba.
|
Homelessness Prevention SystemAng Homelessness Prevention System ay tumutulong sa mga low-income na pamilya o mga indibidwal na nasa panganib ng pagkawala ng tirahan. Kabilang ang mga serbisyo: pansamantalang tulong sa pinansiyal, legal support, case management, at iba pang mga serbisyo.
|
Office of Supportive Housing Coordinated Entry systemKung ikaw ay walang tirahan, bisitahin ang alinman sa mga access points ng Santa Clara County upang kumpletuhin ang VI-SPDAT assessment, kung saan ito ang unang hakbang upang makakuha ng tirahan. |
Eviction Help CenterAng Eviction Help Center ay nagbibigay ng tulong sa mga nangungupahan at landlords na may kasamang proseso ng aplikasyon para sa tulong sa renta mula sa Estado ng California lalo na ang Santa Clara County Homelessness Prevention System.
|
Meals on WheelsUpang mag-apply para sa Meals on Wheels, dapat ikaw ay residente ng Santa Clara County na nasa bahay at nahihirapang kumuha ng sariling pagkain dahil sa medikal na kondisyon o pagbubukod.
|
Second Harvest Food BankAng Second Harvest Food Bank ay nagbibigay ng bilang ng libreng mapagkukunan ng pagkain kabilang ang Free Food Locator, CalFresh assistance, at nutrition education.
|
CalFreshAng CalFresh ay ang food stamps program ng California na nagbibigay sa mga kwalipikadong aplikante ng Electronic Benefit Transfer (EBT) card.
|
Senior Nutrition ProgramAng County of Santa Clara’s Senior Nutrition Program ay nakipag-ugnayan sa mga lungsod at mga community-based na organisasyon upang magbigay ng mga pagkain at mapagkukunan. Ang mga serbisyo ay available sa mga lugar na kagaya ng mga community centers at senior housing na mga komunidad.
|
Sacred Heart Community ServicesAng Sacred Heart Community Services ay nagbibigay ng 3-araw na suplay ng mga groceries at naghahanda ng pagkain sa mga taong walang tirahan.
|
SCC Resource at Referral ProgramAng SCC Resource and Referral Program ay tumutulong sa mga pamilya na mag-access ng childcare na makakatugon sa kanilang mga partikular na pangangailangan. Hanapin ang Childcare Portal o magsumite ng kahilingan upang matawagan ng isang childcare provider.
|
First 5 Family Resource CentersAng Family Resource Centers ay maaaring magbigay sa mga pamilya ng:
|
Patient Access DepartmentAng Patient Access Department ay tumutulong sa mga residente ng Santa Clara County na makakuha ng libre o reduced-cost healthcare services at/o gamot na batay sa kanilang sahod.
|
Medi-CalAng Medi-Cal ay ang bersiyon ng California sa pederal na Medicaid health coverage program. Ang programang ito ay para sa mga residente ng California na mayroong low income at mga mapagkukunan. |
Medi-NurseAng Medi-Nurse ay isang libreng nurse advice line na inyong matatawagan kung kayo ay walang insurance o mayroong Medi-Cal ngunit walang regular na doktor. Ang mga tatawag ay direktang makikipag-usap sa isang health professional tungkol sa mga sintomas, makakakuha ng payo tungkol sa panggagamot sa inyong lugar, at matuto tungkol sa kung paano mag-apply para sa health insurance.
|
Community Health PartnershipAng Community Health Partnership health centers at clinics ay nagbibigay ng accessible, abot-kaya, at mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan na may kakayahang pangkultura para sa low-income at kulang sa serbisyong medikal na mga populasyon.
|
Better Health PharmacyAng Better Health Pharmacy ay tumatanggap ng mga hindi nagamit, hindi pa nabubuksan, at hindi pa expired na mga gamot mula sa lisensiyadong healthcare facilities, at ibinibigay ang mga gamot ng libre sa mga pasyenteng may wastong reseta. Patuloy na nagbabago ang mga imbentaryo kaya tumawag nang maaga upang tingnan kung mayroon silang mga gamot na inyong kailangan.
|
Sourcewise Health Insurance Counseling and Advocacy ProgramAng Sourcewise ay nagbibigay ng access sa one-on-one counseling para sa mga Medicare beneficiaries, kanilang mga pamilya, at kanilang mga caregiver upang maunawaan ang mga benepisyo at healthcare na pagpipilian sa Medicare.
|
The Bill Wilson Here4You Call CenterAng Bill Wilson Here4You Call Center ay nagbibigay ng mga referral sa programang pansamantalang pabahay para sa mga taong nangangailangan ng matitirhan. Ang hotline ay maaaring mkatulong ng tugmang emergency shelters, makakatulong na mapanatili ang kasalukuyang tinitirhan, o gumawa ng referrals at mga nauugnay na iba pang mapagkukunan sa komunidad.
|
Mental Health Services Call CenterAng Mental Health Services Call Center ay isang 24/7 na telephone service na kumokonekta sa mga tumatawag sa mga referrals upang tugunan ang mga behavioral health na pangangailangan. Kabilang dito ang referral sa isang county mental health o substance use treatment program, o isang community-based organization.
|
Suicide and Crisis HotlineAng Suicide and Crisis Hotline ay isang toll-free, kumpidensiyal na suicide prevention hotline.
|
Uplift Family Services' Mobile Crisis TeamAng Uplift Family Services' Mobile Crisis Team ay nagbibigay ng 24-na oras na intervention para sa mga bata at kabataan sa komunidad na mayroong matinding psychological crisis.
|
Behavioral Health Urgent CareAng Behavioral Health Urgent Care ay isang walk-in outpatient clinic para sa mga residente ng Santa Clara County na nakakaranas ng behavioral health crisis at nangangailangan ng tulong. Nagbibigay ng screening, assessment, crisis intervention, referral at short-term treatment para sa mga kabataan at mga adult.
|
Immigration Legal Services of Catholic Charities of Santa Clara CountyAng Immigration and Legal Services ay nagbibigay ng malawakang hanay ng immigration counseling at representasyon sa mga imigrante at kanilang mga pamilya.
|
County of Santa Clara Office of Labor Standards Enforcement Ang Office of Labor Standards Enforcement ay maaaring magbigay ng impormasyon sa mga benepisyo para sa mga manggagawang naapektuhan ng COVID-19. Tawagan ang Opisina upang malaman kung ikaw ay kwalipikado para sa isang programa na maaaring sumaklaw sa isang bahagi ng iyong nawalang sahod dahil sa COVID-19.
|
Law Foundation of Silicon ValleyAng Law Foundation’s Housing Program ay nagbibigay ng mga libreng legal advice at representasyon tungkol sa mga bagay na may kaugnayan sa pabahay para sa mga low-income na pamilya at mga indibidwal sa Santa Clara County.
|
Legal Aid at Work
|
Mga Mabilis na Link
COVID-19 HomeMga Bakuna, Pagsusuri, at Paggamot para sa COVID-19Data at mga Ulat sa COVID-19Patnubay sa Pagbubukod at Pagkuwarantina sa Bahay Directory ng Mapagkukunan sa COVID-19Library ng Flyer at Poster sa COVID-19Impormasyon para sa Healthcare Provider Mga Madalas na Katanungan sa Kautusan ng Pampublikong Pangkalusugan Mag subscribe sa Aming Public Health Newsletter