Mga Madalas na Katanungan sa Kautusan ng Pampublikong Pangkalusugan

Huling update ng nilalaman: 10/18/2022

Setyembre 12, 2022 na Kautusan sa Pampublikong Pangkalusugan

    Oo. Bagama’t mariing inirerekomenda ng Opisyal ng Pangkalusugan na ang mga tao ay manatiling nakamaskara sa lahat ng oras sa mga lugar na mataas ang panganib, ang Kautusan ay pinapayagan ang mga tao na tanggalin ang kanilang mga panakip sa mukha habang sila ay aktibong kumakain o umiinom. 
    Hindi ipinagbabawal ng Kautusan ang paggamit ng mga breakroom upang kumain, ngunit ang Opisyal ng Pangkalusugan ay mahigpit na nagrerekomenda na ang mga pasilidad ay maglagay ng mga protocol upang ipagbawal o limitahan ang pagtitipon sa mga breakroom o anumang iba pang panloob na espasyo upang kumain, dahil ang malaking pagkahawa ay naobserbahan sa mga breakroom sa nakaraan.

    Access at functional na mga pangangailangan

      Oo. Walang binago ang Kautusan ng Opisyal ng Pangkalusugan sa mga kinakailangan ng ADA, at ang ADA ay nananatiling may bisa sa buong county. Ang mga negosyo at pampublikong entidad ay dapat sumunod sa kanilang karaniwang mga obligasyon sa ADA, kahit na gumagawa sila ng mga pagbabago sa kanilang mga pasilidad bilang resulta ng COVID-19 na pandemya. Bumisita dito para sa karagdagang impormasyon sa mga kinakailangan ng ADA para sa mga negosyo.

      Oo. Ang mga drive-up na lokasyon ng pagpapasuri ay maaaring mapaunlakan ang mga wheelchair van at iba pang inangkop na sasakyan. Tandaan na ang mga drive-up na lokasyon ng pagpapasuri ay karaniwang humihiling sa iyo na manatili sa loob ng inyong sasakyan habang pinapangasiwaan niyo ang inyong sariling pagsusuri.

      Oo. Mapupuntahan ang mga lokasyon ng pagpapasuri at pagbabakuna para sa mga taong may mga kapansanan at mga may iba pang access o functional na pangangailangan, at ang mga tauhan sa lugar ay available upang tulungan ang sinumang maaaring mangailangan ng tulong.

      Mangyaring tingnan ang website ng pagpapasuri ng County at ang flowchart na ito para sa mga tagubilin kung paano magagamit ang transportasyon papunta sa isang lokasyon ng pagpapasuri. Katulad nito, mangyaring bisitahin ang Website ng bakuna sa COVID-19 ng County para sa impormasyon tungkol sa kung paano makakuha ng libreng transportasyon mula sa bahay sa inyong appointment ng pagbabakuna. Kung mayroon pa kayong mga karagdagang katanungan, mangyaring makipag-ugnay sa Access at Functional Needs Coordinator ng County sa  [email protected].

      Ang County ay nagsasagawa ng maraming hakbang upang matiyak na ang kanilang komunikasyon ay magagamit ng bawat miyembro ng komunidad. Ang buong website sa COVID-19 ng Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan ay ganap na naisalin sa limang magkakaibang wika (Ingles, Espanyol, Intsik, Vietnamese, at Tagalog), at kasama ang paggamit ng Alt Text sa mga napost. Maaari ring gamitin ng publiko ang 711 para sa Serbisyo sa Pagdinig at Speech Relay na Serbisyo. Regular na nagsasagawa ang County ng mga online na pagtatanghal upang magbahagi ng mahalagang impormasyon sa isang format na nakabatay sa video, at ang mga pagtatanghal ng video ay may kasamang real-time na pagsasalin na ASL. Dinisenyo din ng County ang mga palatandaan, flyers, at poster na kasama ang mga grapiko na may impormasyon sa tabi ng text upang matiyak na ang mga ito ay naiintindihan ng lahat hangga't maaari.

      Oo. Kung mayroon kayong access o functional na pangangailangan at nangangailangan ng mga materyales sa COVID-19 ng County sa isang magagamit na format, mangyaring makipag-ugnay sa Access and Functional Needs Coordinator sa [email protected] para sa tulong.

      Hindi. Ang mga negosyo ay hindi dapat mangailangan sa inyo na magpakita ng sulat ng doktor kapag naipaliwanag ninyo na hindi kayo maaaring magsuot ng isang panakip sa mukha para sa mga medikal o nauugnay sa kapansanan na kadahilanan. Mangyaring tingnan ang Patnubay para sa Paggamit ng mga Panakip sa Mukha ng Estado para sa karagdagang impormasyon.

      Kung ang isang kostumer ay hindi makapagsuot ng panakip sa mukha dahil sa medikal o nauugnay sa kapansanan na kadahilanan, ang mga retailer ay hindi maaaring tumanggi sa pagpasok ng kostumer na iyon dahil lamang hindi sila nakasuot ng panakip sa mukha. Ngunit mahigpit na hinihikayat ang mga retailer na mag-alok ng mga akomodasyon sa mga kostumer na ito upang ma-access nila ang mga serbisyo ng retailer na hindi pumapasok sa pasilidad ng negosyo. Ang mga akomodasyon ay maaaring magsama ng mga bagay tulad ng pag-aalok ng mga serbisyong pangdelivery, o pagtanggap ng mga shopping list ng mga kostumer sa telepono o sa curbside at dalhin ang mga bagay sa kostumer na nasa labas para hindi sila kailangang pumasok sa tindahan.

      Ang mga serbisyong pang-delivery na inaalok ng mga tingi at tindahan ng grocery ay mahusay na mga opsyon para tulungan ang mga taong hindi kumportable na personal na mamili. Mayroon ding mga libreng mapagkukunan tulad ng helpinghands.community, isang non-profit na organisasyon na nakabatay sa komunidad na nagbibigay ng serbisyong pang-delivery at iba pang mga serbisyo na pangsuporta.

      Ang mga panakip sa mukha ay isang mahalagang kagamitan para sa pagpigil ng pagkalat ng COVID-19, lalo na para sa mga hindi pa ganap na nabakunahan, at ang sinumang may kakayahang magsuot ng panakip sa mukha na ligtas ay dapat gawin ito kapag kinakailangan ng Patnubay ng Estado para sa Paggamit ng Panakip sa Mukha. Gayunpaman, kung saan kinakailangan ang mga panakip sa mukha, may mga pagbubukod para sa mga taong may medikal na kondisyon, kondisyon sa kalusugan ng kaisipan, o kapansanan na pumipigil sa kanila na magsuot ng panakip sa mukha (kasama na ang mga taong hindi makakatanggal ng panakip sa mukha nang walang tulong), at para sa mga taong may kapansanan sa pandinig o nakikipag-usap sa isang taong may kapansanan sa pandinig.

      Ang mga sumusunod na mapagkukunan ay magagamit ng mga taong may mga katanungan na may kaugnayan sa access at functional na mga pangangailangan:

      • Para sa tulong sa paghanap o pag-access sa mga mapagkukunan ng komunidad, makipag-ugnayan sa Silicon Valley Independent Living Center, 211.org, o sa San Andreas Regional Center.
      • Para sa mga paksang nauugnay sa mga matatanda (tulad ng In-Home Supportive Services o Senior Nutrition Services), makipag-ugnayan sa Department of Aging and Adult Services ng County.
      • Para sa mga paksang may kaugnayan sa mga pasilidad ng long term care, makipag-ugnayan sa Department of Aging Ombudsman ng California sa 1-800-231-4024.
      • Para sa mga paksang nauugnay sa SNAP, Medi-Cal, o iba pang mga benepisyo, mangyaring makipag-ugnayan sa Department of Employment and Benefit Services ng County.
      • Upang iulat ang isang negosyo na nagpapatakbo na lumabag sa ADA, mangyaring makipag-ugnayan sa lungsod kung saan matatagpuan ang negosyo.

      Mahalaga ang paghahanda sa emergency para sa lahat, at mas lalong mahalaga para sa mga taong may access at functional na mga pangangailangan na maaaring mangailangan ng karagdagang mga paghahanda upang manatiling ligtas sa panahon ng emergency. Ang lahat ng mga residente ng County ay hinihikayat na mag-sign up para sa mga abiso, na isang libre at madaling paraan upang makakuha ng mga alertong pang-emegency na direktang ipinapadala sa inyong cell phone o mobile device, landline, o email. Maaari kayong mag-sign up para sa mga abiso ng AlertSCC dito. Bilang karagdagan, ang website ng Opisina ng Emergency Management ng County ay may mga mapagkukunan upang matulungan ang lahat ng mga residente ng County na magdisenyo ng isang plano para sa kaligtasan sa kalamidad para sa kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay. Ang mga sumusunod ay mga mas partikular na patnubay sa paghahanda para sa mga taong may access at functional na mga pangangailangan:

      ©2023 County of Santa Clara. All rights reserved.