Novel Coronavirus (COVID-19)
Update: Marso 7, 2022
Ayon sa Kautusan ng Opisyal ng Pangkalusugan ng Santa Clara County, ang inyong healthcare provider ay KINAKAILANGAN NA MAGBIGAY SA INYO NG PAGSUSURI SA COVID-19. Basahin ang buong Kautusan dito.
Ang Opisyal ng Pangkalusugan ng County ng Santa Clara ay nagpalabas ng kautusan sa pangkalusugan na nangangailangan ng up-to-date na pagbabakuna sa COVID-19 (ibig sabihin, parehong ganap na nabakunahan at nagka-booster laban sa COVID-19 kung kwalipikado para sa isang booster) para sa mga manggagawa sa ilang mga lugar na may mas mataas na panganib. Mangyaring sumangguni sa dokumento ng Kautusan para sa karagdagang detalye.
Naupdate at Nabagong Kautusan ng Opisyal ng Pangkalusugan ng County ng Santa Clara na Nangangailangan ng Up-to-Date na Pagbabakuna sa COVID-19 ng Tauhan sa mga Lugar na may Mas Mataas na Panganib - Marso 7, 2022
Lahat ng COVID-19 dashboard ng County ay lumipat sa paggamit ng U.S. Census Bureau American Community Survey (ACS) 5-Year Estimates population estimates. Ang population estimates na ito ay mas tumpak na nagpapakita ng populasyon ng ating county at mga demograpiko batay sa naunang 2020 census data. Dati, ang mga dashboard natin ay gumamit ng County Population Projection ng State Department of Finance batay sa Lahi/Etnisidad at Edad.
Ang mga County ay nakakaranas ng pansamantalang pagbabagu-bago ng natanggap na data ng pagbabakuna mula sa Estado ng California dahil sa proseso ng muling pagkakasundo ng data na kinasasangkutan ng pagsasama-sama ng mga sistema ng data ng pagbabakuna ng Estado. Ang proseso ng muling pagkakasundo ng data at mga nauugnay na pagbabagu-bago sa pagbabakuna ng county ay inaasahan na malulutas sa Mayo 2022.
**Ang data sa mga pagkamatay ay maa-update tuwing Biyernes
Iba pang istatiska sa COVID-19 ay matatagpuan sa Mga Data at Ulat sa COVID-19.
Ang bilang ng mga namatay ay maaaring pansamantalang may mababang bilang habang iniimbestigahan pa ang mga pagkamatay.
Mga Mahalagang Update
NAUPDATE AT NABAGONG KAUTUSAN NG OPISYAL NG PANGKALUSUGAN NG COUNTY NG SANTA CLARA NA NANGANGAILANGAN NG UP-TO-DATE NA PAGBABAKUNA SA COVID-19 NG TAUHAN SA MGA LUGAR NA MAY MAS MATAAS NA PANGANIB
Inilabas Marso 7, 2022
PAGPAPAWALANG-BISA NG AGOSTO 2, 2021 NA KAUTUSAN SA PANGKALUSUGAN NA NANGANGAILANGAN NG PAGGAMIT NG MGA PANAKIP SA MUKHA NG LAHAT NG TAO SA MGA PANLOOB NA LUGAR
Inilabas Pebrero 28, 2022
Kautusan sa Kinakailangang Pagsusuri ng mga Pasilidad ng Healthcare
Inilabas Enero 31, 2022
Mga Inilabas na Balita
Mga Mabilis na Link
Bakuna sa COVID-19 Mga Lokasyon ng Pagpapasuri sa COVID-19 Directory ng Mapagkukunan sa COVID-19 Data ng Bakuna sa COVID-19 COVID-19 at Mga Paaralan/Edukasyon Patnubay sa Pagbubukod at Pagkuwarantina sa Bahay Mga Madalas na Katanungan at Magtanong Impormasyon para sa Healthcare Provider Form ng Pag-ulat ng Kaso ng Provider Library ng Flyer at Poster sa COVID-19 Impormasyon sa Moratoryo ng Pagpapaalis American Rescue Plan Mag subscribe sa Aming Public Health Newsletter Magbahagi ng Inaalala