Memorandum

PETSA: Setyembre 22, 2020

SA: Mga Healthcare Provider, Mga Negosyo, Paaralan, Pasilidad, at Lahat ng mga Residente

MULA SA: Sara H. Cody, MD Opisyal ng Pangkalusugan
George S. Han, MD, MPH Deputy Health Officer

PAKSA: Nai-update na Patnubay ng Pagbubukod para sa COVID-19

Ina-update ng Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan ng County ng Santa Clara ang gabay nito para sa pagbubukod ng mga indibidwal na may COVID-19 upang maging katulad sa patnubay mula sa Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan ng California at sa Mga Sentro ng Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit (CDC). Ginagamit ang pagbubukod upang paghiwalayin ang mga taong nakakahawa sa COVID-19 mula sa mga taong hindi nahawaan.

Nalalapat ang na-update na patnubay ng pagbubukod na ito sa lahat ng mga taong nasuri na may COVID-19, kabilang ang kabuuang publiko, mga estudyante, mahalagang manggagawa, tagapagbigay ng healthcare, at mga indibidwal na nakatira o nagtatrabaho sa mga congregate na setting (hal. mga kulungan, shelters, mga pasilidad ng long-term care, at mga dormitoryo).

Patnubay ng Pagbubukod sa COVID-19

Mga taong nasuring positibo sa COVID-19 at nagkaroon ng mga sintomas ay maaaring maghinto ng pagbubukod kapag:

  • Hindi bababa sa 10 araw* na ang lumipas mula nang nagsimula ang mga sintomas; AT
  • Hindi bababa sa 24 na oras ang lumipas mula sa paggaling ng lagnat nang hindi gumamit ng mga gamot na nagpapabawas ng lagnat; AT
  • Gumaling na ang iba pang mga sintomas

 Mga taong nasuring positibo sa COVID-19 at walang mga sintomas ay maaaring maghinto ng pagbubukod kapag:

  • Hindi bababa sa 10 araw* na ang lumipas mula nang makolekta ang unang positibong pagsusuri 

*Ang petsa ng pagsimula ng sintomas (o ang petsa ng pagsusuri kung walang sintomas) ay itinuturing na Araw 0. Tandaan na ang mga indibidwal na may matinding sakit (hal., kinakailangan ng masidhing pangangalaga) o na madaling magkasakit o may masyadong mahinang immune system (severely immunocompromised) ay maaaring kailangan magpalawig ng pagbubukod ng hanggang sa 20 araw pagkatapos nagsimula ang sintomas. 

Lupon ng mga Superbisor: Mike Wasserman, Cindy Chavez, Dave Cortese, Susan Ellenberg, S. Joseph Simitian

Executive ng County: Jeffrey V. Smith​​

©2023 County of Santa Clara. All rights reserved.