Ang County ng Santa Clara ay nagpalabas ng Binagong Kautusan ng Pagbabawas ng Panganib na Papayag sa Pagpapatuloy ng mga Karagdagang Negosyo at Aktibidad Kapag Lumipat ang County sa Orange na Antas

PARA SA AGARANG PAGLABAS
Oktubre 5, 2020
 

Santa Clara County, CA - Ngayon, ang Opisyal ng Pampublikong Pangkalusugan ng County ng Santa Clara ay nagpalabas ng isang Binagong Kautusan ng Pagbabawas ng Panganib, na magkakabisa kapag lumipat ang County sa Antas 3 ng Estado (ang Orange na Antas). Sa ilalim ng Binagong Kautusan ng Pagbabawas ng Panganib, ang lahat ng mga negosyo sa County ay papayagan na magpatakbo hangga't pinapayagan sila na magpatakbo ng kautusan ng Estado, kabilang ang panloob na kainan at panloob na mga pagtitipon.

Dahil na pinapayagan ang isang aktibidad, ito ay hindi nangangahulugang ligtas. Ang COVID-19 ay patuloy na nagbibigay ng malubhang panganib sa ating mga residente. Ito ang dahilan kung bakit hinihikayat namin ang lahat ng mga residente na maging maingat, manatili sa bahay hangga't maaari, bawasan ang pakikipagsalamuha sa sinumang nasa labas ng kanilang sambahayan, panatilihin ang pagdistansya sa ibang tao, magsuot ng panakip sa mukha, at ilipat ang mga aktibidad sa labas hangga’t maaari.

"Napakahalaga na tayong lahat ay magpatuloy na magsagawa ng mga pag-iingat na nagresulta sa bilang ng ating COVID-19 na tumungo sa tamang direksyon," sabi ni Dr. Sara Cody, Opisyal ng Pangkalusugan at Direktor ng Pampublikong Pangkalusugan para sa County ng Santa Clara. "Dahil na magagawa niyo ang isang bagay ay hindi nangangahulugang na dapat niyo gawin ito. Ang seryosong pagsunod ng publiko, parehong mga negosyo at mga residente, sa pagsuot ng mga panakip sa mukha, sa pagpapasuri, at pagpapanatili ng pagdistansya sa ibang tao at pagpapasuri ay ang mga bagay na makakatulong sa atin na sumulong sa susunod na antas sa plano sa COVID-19 ng estado."

Pinahihintulutan ng Binagong Kautusan ng Pagbabawas ng Panganib ang higit na pagkakapare-pareho sa balangkas ng Orange na Antas ng Estado. Maliban kung ipinahiwatig sa kautusan, ang lahat ng mga negosyo at aktibidad sa County ay pinapayagan na magpatuloy hanggang sa pinapayagan sa ilalim ng Orange na antas. Ang mga sumusunod na negosyo at aktibidad ay pinapayagan na magpatuloy ng:

  • Mga panlabas na pagtitipon ng hanggang sa 200 na katao at panloob na mga pagtitipon ng hanggang sa 25% na kapasidad o 100 na katao, alinman ang mas kaunti.
  • Panloob na kainan hanggang sa 25% na kapasidad o 100 na katao, alinman ang mas kaunti.
  • Upang matiyak ang pagkakapareho sa Orange na Antas ng Estado, ang Opisyal ng Pangkalusugan ay maglalabas ng karagdagang mga pagbabago sa iba’t ibang mga direktiba bago lumipat ang County sa Orange na Antas.

Ang karagdagang impormasyon sa kautusan ay makikita sa Buod ng Executive at Binagong Kautusan ng Pagbabawas ng Panganib.

"Ngayon na ang oras para ang ating komunidad ay sama-samang magtulungan upang gumana ang bagong kautusang ito na ligtas para ang ating mga residente ay manatiling malusog," sabi ni Cindy Chavez, pangulo ng Lupon ng mga Superbisor ng Santa Clara County. "Ang ating komunidad ay nagsakripisyo nang lubos at naging mapagpasensya at ngayon ay inaasahan natin ang matagumpay na pagbabalik ng mga aktibidad na pinapayagan sa ilalim ng bagong kautusan. Itong mga aktibidad ay mananatiling bukas lamang kung bawat isa ay responsable para sa pagsuot ng maskara at sa pagdistansya sa ibang tao upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus."

Ang Santa Clara County ay kasalukuyang nasa Pulang Antas ng Estado ng California (Antas 2). Kung magpapatuloy ang mga kasalukuyang trend, maaaring italaga ng Estado ang County sa mas di-gaanong mahigpit na Orange na Antas simula sa ika-13 ng Oktubre. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa balangkas ng Estado, bisitahin ang covid19.ca.gov. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa lokal na kautusan ng pampublikong pangkalusugan at mga direktiba, mangyaring bisitahin ang www.sccgov.org/coronavirus.

# # #

Sundan ang aming Twitter para sa mga update: @HealthySCC
Website ng County ng Santa Clara: http://www.sccgov.org/coronavirus
Facebook ng Pampublikong Pangkalusugan: https://www.facebook.com/sccpublichealth

Category

News Releases (Tagalog)

Topic

©2024 County of Santa Clara. All rights reserved.