Ang County ng Santa Clara ay Lumipat sa Pulang Antas (Antas 2) sa Bagong Plano ng Estado sa COVID-19

PARA SA AGARANG PAGLABAS

Septyembre 8, 2020

Mga Karagdagang Negosyo, Mga Aktibidad ay Papayagan na Magpatuloy Sa Ilalim ng mga Regulasyon ng Estado at County 

Santa Clara County, CA - Inihayag ngayon ng Estado ng California na ang Santa Clara County ay inilipat mula sa Purple na Antas (Antas 1) patungo sa Pulang Antas (Antas 2) sa bagong plano ng Estado sa COVID-19, na epektibo kaagad. Ang mga county na nakatalaga sa Pulang Antas ay nakakaranas pa rin ng "substansyal na pagkalat" ng COVID-19. Gayunpaman, pinahihintulutan ng plano ng Estado ang mga county na lumipat mula sa Purple patungo sa Pulang Antas upang mabuksan muli ang mga panloob na operasyon sa ilang karagdagang mga negosyo at payagan ang ilang mga aktibidad na magpatuloy, hangga’t mahigpit na sinusunod ang mga protokol at pamamaraan ng proteksiyon. 

Ang mga sumusunod na negosyo at aktibidad ay pinapayagan sa ngayon na muling magpatuloy sa ilalim ng plano ng Estado pati na rin sa Kautusan sa Pagbawas sa Panganib ng County. Ang mga negosyo at aktibidad ay dapat na sumusunod sa lahat ng mga mandatoryong direktiba na partikular sa industriya na itinakda ng County at Estado, kasama na ang pagkakaroon ng Protokol ng Pagdistansya sa Ibang Tao na naka-file at nakadisplay. 

  • Mga Paaralan: Ang mga paaralan ng K-12 ay maaaring buksan pagkatapos na nasa Pulang Antas ang County sa loob ng 14 na araw. Ang lahat ng mga paaralan ay dapat sumunod sa mandatoryang patnubay na itinakda ng County ng Santa Clara at ang Estado ng California  
  • Mga serbisyong pangangalagang pansarili: pinapayagan na magbukas sa loob na may mga pagbabago 
  • Mga museo, zoo, aquarium: pinapayagan na magbukas sa loob na may 25% na makapasidad 
  • Mga gym at fitness center: pinapayagan na magbukas sa loob na may 10% na kapasidad 
  • Mga shopping mall: pinapayagan na magbukas sa loob na may 50% na kapasidad (dating nagbukas sa 25% na kapasidad) 

Mga hair salon at barbershop ay pinayagan na magbukas sa loob na mas may mababang kapasidad mula noong Agosto 31. Ang panloob na kainan, mga panloob na sinehan, at mga panloob na pagtitipon ay mananatiling ipinagbabawal sa Santa Clara County sa ilalim ng lokal na Kautusan sa Pagbawas sa Panganib. Ang iba pang mga aktibidad na pinayagan ng County ngunit ipinagbawal ng Estado ay maaari na ngayong magpatuloy. Ang mas mahigpit na kautusan sa Estado o lokal ay ang laging nagkokontrol.  

"Masaya kami sa palatandaang ito ng pag-unlad sa paglaban sa COVID-19, ngunit pinapaalalahanan namin ang aming mga residente na ang lahat ng mga lokal na kinakailangan gaya ng bilang ng mga tao na maaaring pumasok sa isang pasilidad, ang mga kinakailangan na panakip sa mukha, at ang mga protokol sa pagdistansya sa ibang tao ay mananatiling may bisa," Sinabi ni James R. Williams, Tagapayo ng County para sa County ng Santa Clara. "Kritikal na ang mga negosyo at aktibidad na nagbukas muli sa ngayon ay sumunod sa mga direktiba ng pampublikong pangkalusugan upang mapanatili natin ang pag-unlad ng ating komunidad sa pagpabawas ng pagkalat ng COVID-19."  

Ang Santa Clara County ay orihinal na inilagay sa pinakamahigpit na Purple na Antas kasama ang karamihan sa iba pang mga county nang lumipat ang Estado mula sa sistema ng listahan ng pagsubaybay patungo sa kasalukuyang plano na may kodigong-kulay na mga antas noong Agosto 28. Ang paglipat sa Pulang Antas ay batay sa pang-araw-araw na bilang ng mga kaso at positibong pagsusuri. Ang plano ng Estado ay nagbibigay ng pagpuri sa mga county sa kanilang bilang ng mga kaso kung marami ang kanilang nasuring tao kaysa sa average ng estado. Gamit ang pagkalkula na ito, ang mataas na bilang ng mga pagsusuring isinagawa sa ating lugar ay nagbigay sa Santa Clara County ng isang makabuluhang pagpuri, na pinayagan ang County na lumipat sa Pulang Antas. 

Kung magpapatuloy ang pagbuti ng mga sukatang ito, magiging karapat-dapat ang County na sumulong sa plano sa isang hindi gaanong mahigpit na antas pagkatapos ng tatlong linggo. Kung lumala ang mga sukatang ito, ang County ay babalik sa isang mas mahigpit na antas sa dalawang linggo mula sa ngayon. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa plano ng Estado, bisitahin ang covid19.ca.gov. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa lokal na kautusan ng pampublikong pangkalusugan at mga direktiba, pakibisita sa www.sccgov.org/coronavirus

Ang Pangulo ng Lupon ng mga Superbisor na si Cindy Chavez ([email protected]) at ang Superbisor na si Joe Simitian ([email protected]) ay maaaring sumagot ng mga katanungan tungkol sa mahalagang tungkulin na ginampanan ng pagsusuri sa pagpahintulot sa County na lumipat sa Pulang Antas ng Panganib ng Estado.  

###

Sundin ang aming Twitter para sa mga update: @HealthySCC 
Website ng County ng Santa Clara: http://www.sccgov.org/coronavirus 
Facebook ng Pampublikong Pangkalusugan: https://www.facebook.com/sccpublichealth  ​

​​

Category

News Releases (Tagalog)

Topic

©2024 County of Santa Clara. All rights reserved.