Ang Pansamantalang Pagtigil sa Paggamit ng Lot41L20A ng Moderna COVID-19 na Bakuna Alinsunod sa Direksyon mula sa Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan ng California (CDPH)

PARA SA AGARANG PAGPALABAS
Enero 18, 2021

Ang mga Opisyal ng County ay Mahigpit na Nakikipagtulugan sa CDPH para tukuyin ang mga Susunod na Hakbang

Santa Clara County, CA - Kagabi, ang Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan ng California (CDPH) ay nagpalabas ng pahayag “na nagrerekomenda sa mga providers na pansamantalang tigilin ang paggamit ng lot 41L20A ng Moderna COVID-19 na bakuna dahil sa mga posibleng allergic reactions na napapailalim sa imbestigasyon.” Higit sa 330,000 na mga dosis mula sa lot na ito ay ipinamahagi sa buong estado, kabilang ang 21,800 na mga dosis na inalaan sa Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan ng County ng Santa Clara para ipamamahagi sa mga lokal na vaccine providers. Sa kaalaman ng County, walang dosis mula sa lot ng bakunang ito ay ginamit sa sinuman sa Santa Clara County.

Ayon sa CDPH, may “mas mataas kaysa sa karaniwang” bilang ng mga potensyal na allergic reactions ang naiulat sa partikular na lot na ito ng Modern na bakuna, na may “mas kaunti kaysa sa 10 na indibidwal” ang kinailangan ng medikal na atensyon sa loob ng 24 na oras. Ang mga reactions ay napapailalim sa imbestigasyon ng CDC, FDA, Moderna, at ng estado. Ang rekomendasyon ng estado sa pansamantalang pagpigil sa paggamit ng bakuna na mula sa lot na ito ay ginawa “mula sa labis na kasaganahan ng pag-iingat.” Ang mga vaccine providers ay kinailangan na mag-ulat ng anumang masamang reaskyon sa pederal na gobyerno sa pamamagitan ng Vaccine Adverse Event Reporting System (VAERS). Ang County ay walang alam na anumang hindi pangkaraniwang antas ng mga masamang reaskyon sa mga pagbabakuna para sa COVID-19 sa Santa Clara County, subalit ay pansamantalang nagpatigil ng paggamit ng partikular na lot ng bakunang ito alinsunod sa rekomendasyon ng estado habang tayo ay naghahanap para mas lalong matuto. Tulad ng ipinaliwanag ng CDPH, “bagaman walang bakuna o medikal na pamamaraan ay walang panganib, ang panganib ng seryosong masamang reaskyon ay pinakamaliit.”

Ang mga opisyal ng County ay nag-abiso sa mga providers na nakatanggap ng mga dosis mula sa lot na ito, partikular na ang Santa Clara Valley Medical Center, Stanford Health Care, at El Camino Health. Ang County ay mahigpit na nakikipagtulungan sa CDPH habang ang sitwasyon ay nagbabago at mag-aabiso sa mga naapektuhang vaccine providers at sa publiko sa lalong madaling panahon kung mayroon na higit pang magagamit na impormasyon.

# # #

Sundan ang aming Twitter para sa mga update:  @HealthySCC 
Website ng County ng Santa Clara: http://www.sccgov.org/coronavirus 
Facebook ng Pampublikong Pangkalusugan: https://www.facebook.com/sccpublichealth

Category

News Releases (Tagalog)

Topic

©2024 County of Santa Clara. All rights reserved.