Ang County ng Santa Clara ay Nagpalabas ng Bagong COVID-19 Vaccine Dashboard

PARA SA AGARANG PAGPALABAS
Enero 15, 2021

Santa Clara County, CA – Ngayong araw, ang County ng Santa Clara ay nag-publish ng bagong online dashboard para masubaybayan ang bilang ng mga natanggap na dosis ng bakuna at mga nagamit na bakuna ng mga vaccine provider sa Santa Clara County. Ang dashboard ay patuloy na babaguhin at papalawakin habang ang County ay nakakakuha ng mas tiyak na data mula sa mga providers. Ilan sa mga data ay nawawala pa rin, dahil sa hindi pag-ulat nito o dahil sa direktang pagtanggap ng provider ng suplay mula sa pederal na gobyerno at samakatuwid ay hindi napapailalim sa kinakailangan sa pag-uulat. Ang dashboard ay nagbibigay ng buod ng impormasyon sa publiko para mas maintindahan ang pamamahagi ng mga bakuna para sa COVID-19 sa ating komunidad.

Ang bagong dashboard ay makikita sa https://covid19.sccgov.org/dashboard-ng-bakuna-para-sa-covid-19, at ang impormasyon sa dashboard ay ia-update araw-araw. Ang mga healthcare systems sa buong county ay patuloy na nagpapalawak ng kapasidad at tumitiyak na ang mga kwalipikadong indibidwal ay mabilis na tumatanggap ng mga bakuna. Ang mga bagong karagamento ng bakuna ay dumadating bawat linggo at itatala sa dashboard kapag natanggap ang kanilang resibo.

Ang website ng County sa sccfreevax.org ay ang opisyal na mapagkukunan para sa impormasyon na may kaugnayan sa bakuna sa Santa Clara County, at ito ay regular na ina-update upang ipakita kung aling mga miyembro ng komunidad ang kasalukuyang kwalipikado na makatanggap ng bakuna, gayundin kung paano ang mga indibidwal na iyon ay makapag-iskedyul ng mga appointments. 

# # #

Sundan ang aming Twitter para sa mga update:  @HealthySCC 
Website ng County ng Santa Clara: http://www.sccgov.org/coronavirus 
Facebook ng Pampublikong Pangkalusugan: https://www.facebook.com/sccpublichealth

Category

News Releases (Tagalog)

Topic

©2024 County of Santa Clara. All rights reserved.