Ang mga Namatay sa COVID-19 ay lumampas 1,000 sa Santa Clara County

PARA SA AGARANG PAGPALABAS
Enero 14, 2021

Ang mga Opisyal ng County ay Nagpaalala sa Publiko na Manatiling Mapagbantay sa Panahon ng Kasalukuyang Pagtaas ng Bilang ng COVID-19

Santa Clara County, CA Ang Santa Clara County ay umabot sa nakakalungkot na yugto kahapon, nilampasan ang 1,000 na mga kamatayan na nauugnay sa COVID-19 sa gitna ng tuloy-tuloy na pagdami ng mga kaso, na-oospital, at mga namatay sa COVID-19.

“Kami ay nakikiramay sa lahat na nasa ating komunidad na nawalan ng mahal sa buhay dahil sa COVID-19,” sabi ni Dr. Sara Cody, Opisyal ng Pangkalusugan at Direktor ng Pampublikong Pangkalusugan ng County ng Santa Clara. “Ang isang libong kamatayan ay isang kalunos-lunos at nakakalungkot na yugto para sa ating komunidad. Kami ay nagdadalamhati sa bawat buhay na nawala, at ang aming layunin ay magpapatuloy sa pagligtas ng maraming buhay hangga’t maaari. Ang malupit na katotohanan ay patuloy na lubhang laganap ang COVID-19 sa ating county at sa buong estado. Kahit na tayo ay nagsakripisyo ng halos isang taon para labanan ang virus na ito, pigilan ang mga impeksyon, at pagbalik sa ating normal na buhay, tayo ay dapat mananatiling mapagbantay o tayo ay makakakita ng mas maraming kamatayan at mga malubhang hamon sa ating mga ospital at sa mga sistema ng healthcare.”

Hanggang kahapon, limang porsyento na lamang ng mga kama sa ICU ang magagamit sa county, na ang 47 na prosyento ng mga ginamit na kama ay ginagamit ng mga pasyenteng may COVID-19. Ang pagtaas ng bilang na ito ay nagpapahirap sa mga kawani ng ospital, pumipilit ng mga mahihirap na desisyon sa pangangasiwa ng pangangalaga, at humahantong sa ibang mas matagal na oras ng paghihintay para lang makapasok sa mga ospital.

Sa kabilang dako na may pag-asa, ang mga pagbabakuna para sa COVID-19 ay tuloy-tuloy na ginagawa, na ang mga sistema ng healthcare sa buong county ay mabilis na nagpapataas ng kapasidad. Ang mga nagbibigay ng pagbabakuna sa county ay nagbabakuna ng mga manggagawa sa healthcare na nasa Yugto 1A, at ang iba ay nagpalawak ng kwalipikasyon na magsasama ng mga indibidwal na may edad 75 o pataas. Gayunpaman, kahit na may pag-asang pagtaas ng bilang ng mga ipinamahaging bakuna, aabutin ng maraming buwan para umabot sa mataas na antas ng coverage at proteksyon sa buong komunidad. Ang mga indibidwal na aksyon ay mahalaga at makakatulong sa pagbago ng direksyon ng pandemya: pagdistansya sa ibang tao, pagpapatuloy na pagsuot ng mga maskara, at pagpapanatili sa bahay maliban sa mga mahalagang aktibidad ay ang ating pinakamahusay pa rin na mga paraan para malimitahan ang pagkalat ng virus.

Ang website ng County sa sccfreevax.org ay ang opisyal na mapagkukunan ng mga impormasyon na nauugnay sa bakuna sa Santa Clara County, at ito ay regular na ina-update upang ipakita kung sino sa mga miyembro ng komunidad ay kasalukuyang kwalipikado para makatanggap ng bakuna, pati na rin kung paano ang mga indibidwal na iyon ay makapag-iskedyul ng mga appointment.

# # #

Sundan ang aming Twitter para sa mga update:  @HealthySCC
Website ng County ng Santa Clara: http://www.sccgov.org/coronavirus
Facebook ng Pampublikong Pangkalusugan: https://www.facebook.com/sccpublichealth

Category

News Releases (Tagalog)

Topic

©2024 County of Santa Clara. All rights reserved.