Ang County ng Santa Clara ay Nag-anunsyo ng Pagsusumite ng Plano sa Bakuna sa Estado ng California, Mga Paglilinaw sa Mahigpit na Pagkuwarantina Pagkatapos Bumiyahe sa Gitna ng Lalong Pagtaas ng mga Na-oospital

PARA SA AGARANG PAGPALABAS
Disyembre 2, 2020

Santa Clara County, CA – Ang County ng Santa Clara ay nag-anunsyo ngayon ng plano sa bakuna na nagdedetalye ng pangangasiwa sa bakuna, pakikipag-ugnayan sa komunidad at pamamahagi ng mga bakuna sa COVID-19 na nakalaan sa County na mula sa Estado ng California. Ang lahat ng county sa California ay kinakailangan na magsumite ng plano sa pagpapabakuna sa COVID-19.

“Kami ay nagtatrabaho kasama ang mga partner sa pagplano at paghanda para sa pamamahagi ng bakuna, bilang bahagi ng aming commitment sa kalusugan at kaligtasan ng komunidad,” sabi ni Dr. Sara Cody, Opisyal ng Pangkalusugan ng County ng Santa Clara at Direktor ng Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan.

Ang paunang bilang ng mga magagamit na bakuna ay limitado. Katulad ng ibang county, ang County ng Santa Clara ay susunod sa sistema ng buong bansa na nagsasabi na ang mga unang pagpapabakuna ay para sa mga manggagawa sa health care sa mga front line na nasa pinakamataas na panganib na mahawaan ng COVID-19. Ang kinakailangan na prayoridad na iyon sa bakuna ay itinakda ng pederal na gobyerno, na may kasamang karagdagang patnubay na mula sa gobyerno ng Estado.

Ang nakalaan na bakuna sa County na mula sa Estado ay may dalawang bahagi:

  • Ang County ay makakatanggap ng ilang dose na direkta na mula sa mga manufacturer para sa pagpapabakuna sa mga ospital at lokasyon na pinapatakbo ng County.
  • Ang ilang mga multi-county healthcare provider, tulad ng Kaiser, ay makakatanggap ng mga dose ng bakuna na direkta na mula sa mga manufacturer na naaayon sa kautusan ng Estado. Ang mga unang bakuna ay malamang magsasangkot ng mga kumplikadong logistic, tulad ng ultra-cold storage, at ang mga naaprubahang lokasyon lamang ng Estado at County na may kapasidad na mangasiwa ng mga kumplikadong logistic ay makakatanggap ng mga bakuna na iyon.

Update sa mga Naospital

Dahil sa mataas na bilang ng mga kaso at na-oospital, ang County ay patuloy na nag-aalala sa pagpapanatili ng kapasidad ng ospital, lalo na ang inaasahang pagtaas ng mga kaso pagkatapos ng Thanksgiving holiday. Ang pinagsama-samang limang ospital na karaniwan na nagsisilbi sa silangan at kanlurang bahagi ng County ay mayroong mas kaunti sa isang dosena na magagamit na ICU, at 44 na ICU beds lamang ang magagamit sa buong county.

Mayroong 287 na pasyente na may COVID-19 na naospital sa county mula Disyembre 1, 2020, kabilang ang kabuuang 1,955 na mga naospital na pasyente, na pumupuno ng 88% ng kabuuang kapasidad ng bilang nga mga kama sa ospital sa County. Dahil sa pagtaas ng bilang ng mga pasyente na may COVID-19 na tinatanggap sa ospital bawat araw, ang mga bilang na ito ay inaasahan na patuloy na tataas.

Mga Paglilinaw sa Mahigpit na Pagkuwarantina Pagkatapos Bumiyahe

Ang lahat ng mga pagbiyahe ay patuloy na mariing hindi hinihikayat, at ang mga panuntunan para sa mahigpit na pagkuwarantina ng 14 na araw para sa mga bumabalik na manlalakbay ay mananatiling ipinapatupad. Ang panganib ng pagkalat ng COVID-19 ay tumataas sa pagbiyahe ng mga tao patungo at palabas sa Santa Clara County at ang pakikipagsalamuha sa mga tao na mula sa ibang sambahayan at sa ibang mga komunidad, lalo na ang pagbiyahe sa mga rehiyon na mataas ang pagkalat ng COVID-19. Ang Direktibang ito ay nalalapat sa lahat ng pagbiyahe patungo sa Santa Clara County, residente man o hindi residente.

Ang Mahigpit na Ipinapatupad na Direktiba sa Pagbiyahe ay binago Disyembre 2 upang linawin na:

  • Ang licensed healthcare professionals, na tinukoy ng Kautusan, at ang lahat ng tao na nagtatrabaho sa mga acute care na ospital, ay hindi kailangang magkuwarantina pagkatapos dumating upang matiyak ang sapat na bilang ng kawani.
  • Ang mga tao na bumiyahe lamang para sa layunin na gumawa ng mahalagang tungkulin sa gobyerno ay hindi kailangang magkuwarantina pagkatapos dumating.
  • Ang mga sumusunod na tao ay kinakailangan na magkuwarantina, ngunit maaaring umalis sa kanilang bahay o sa lugar kung saan sila nagkukuwarantina para lamang magtrabaho:
    • Mga empleyado ng gobyerno na gumagawa ng mahalagang tungkulin sa gobyerno, maliban kung ang entidad ng gobyerno ay magkaroon ng hindi sapat na bilang ng mga kawani para magawa ang mahalagang tungkulin.
    • Mga mahalagang manggagawa na bumibyahe lamang para sa layunin na gumawa ng mahalaga at kritikal na trabaho sa imprastraktura, maliban kung ang employer ay nagtukoy na siya ay magkaroon ng hindi sapat na bilang ng mga kawani para magawa ang trabaho.
  • Ang mga tao na bumibyahe lamang sa Santa Clara County at hindi mananatili sa magdamag ay HINDI kailangan magkuwarantina. Kabilang dito ang mga tao na, halimbawa, may layover sa SJC.
  • Ang mga tao na bumibiyahe patungo sa Santa Clara County para tumanggap ng mga serbisyo mula sa pasilidad ng healthcare ay kinakailangan magkuwarantina ngunit makakalabas sa pagkuwarantina para makatanggap ng mga serbisyo na iyon.
  • Ang mga tao ay makakalabas sa pagkuwarantina para sumunod sa isang utos ng korte o para pumunta sa isang korte o administratibong paglilitis.

Ang impormasyon at patnubay sa pagkuwarantina at mga mapagkukunan para sa tulong sa pagkuwarantina ay makikita sa: https://covid19.sccgov.org/contact-tracing#guidance.

Ang County ay naghihikayat sa lahat ng mga residente na magpatuloy na gawin ang kanilang bahagi para mabawasan ang pagkalat sa pamamagitan ng pagsuot ng mga maskara, pagpapanatili ng pagdistansya sa ibang tao, at pag-iwas sa pakikipagsalamuha sa mga taong nasa labas ng kanilang sambahayan.

# # #

Sundin ang aming Twitter para sa mga update: @HealthySCC
Website ng County ng Santa Clara: http://www.sccgov.org/coronavirus
Facebook ng Pampublikong Pangkalusugan: https://www.facebook.com/sccpublichealth

Category

News Releases (Tagalog)

Topic

©2024 County of Santa Clara. All rights reserved.