Ang mga Lider ng County ay Naghihikayat ng Pagbabantay, Striktong Pagsunod sa mga Kautusan sa Pangkalusugan sa Gitna ng mga Bagong Pagtaas ng Bilang ng mga Kaso at mga Na-oospital sa Santa Clara County

PARA SA AGARANG PAGPALABAS

Nobyembre 25, 2020

Santa Clara County, CA – Ang mga lider sa Santa Clara County ay naghihikayat sa mga miyembro ng publiko na sumunod sa mga kautusan sa pangkalusugan ng lokal at Estado at gumawa ng matinding pag-iingat habang patuloy na nakikita ng County ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 at tala ng mga na-oospital. 

“Sa pagtungo natin sa holiday season, ang paraan para mapakita sa pamilya, mga kaibigan at mga kapwa residente sa Santa Clara County na ikaw ay may malasakit sa kanila ay ang hindi paggawa ng mga malalaking pagtitipon na kasama sila na madaling makapagpakalat ng virus,” sabi ni Cindy Chavez, Presidente ng Lupon ng mga Superbisor ng Santa Clara County. “Tayo ay umaabot na sa tipping point ng bilang ng COVID-19 at kailangan natin na magbago ng landas ngayon.”

Ang mga magagamit na Intensive Care Unit beds sa county, kabilang ang Santa Clara Valley Medical Center at mga pribadong healthcare provider, ngayon ay may bilang lamang na 68. Kahapon, noong Nobyembre 24, ang County ay nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng bagong indibidwal na kaso sa isang araw na may 512 na naiulat na mga kaso at nakakita ng pinakamataas na bilang ng mga naospital dahil sa COVID-19 na 197 na mga pasyente.

“Ang kakayahan ng ating mga ospital para mag-alaga ng mga pinakakritikal na mga pasyente ay kritikal na inaalala kapag kinakaharap ang COVID-19,” sabi ni Dr. Marty Fenstersheib, COVID-19 Testing Officer ng County ng Santa Clara. “Kung mas pinoprotektahan natin ang ating sarili at ating pamilya mula sa COVID-19, mas malamang na hindi natin mapupuno ang mga kama sa ospital.”

Sa pagsisimula ng holiday shopping season dahil sa Thanksgiving week, ang County ay gumagamit ng mga karagdagang mapagkukunan upang matiyak na ang mga tindahan ay sumusunod sa kasalukuyang mga patnubay ng purple na antas ng Estado. Sa kasalukuyan, dapat limitahan ng mga grocery store ang kanilang kapasidad sa 50% at dapat limitahan ng mga tindahan ng damit at retail (kabilang ang mga mall) ang kanilang kapasidad sa 25%. Ang Santa Clara County Fire Department, na may tradisyunal na tungkulin sa pagpapatupad ng mga isyu sa kapasidad para sa mga kodigo sa apoy, ay magbibigay ng mas kinakailangang suporta sa mga pagsisikap ng Business Compliance Unit.

“Ang mga negosyo ay may ligal, etikal at moral na obligasyon sa pagprotekta ng kanilang mga empleyado at ng publiko,” sabi ni Michael Balliet, Direktor ng Community and Business Engagement ng County ng Santa Clara.

Ang media session ay makikita sa pahina ng Facebook ng Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan ng County ng Santa Clara sa: https://www.facebook.com/sccpublichealth

Follow our Twitter for updates:  @HealthySCC

Public Health Facebook:  www.facebook.com/sccpublichealth

Public Health Website:  www.sccgov.org/coronavirus​​​

Category

News Releases (Tagalog)

Topic

©2024 County of Santa Clara. All rights reserved.