Ang County ng Santa Clara ay Nag-anunsyo ng Pagpapalawak ng Pagbabakuna para sa COVID-19 Simula Pebrero 28

PARA SA AGARANG PAGPALABAS
Pebrero 17, 2021

Ang mga manggagawa sa edukasyon at pangangalaga sa bata, serbisyong pang-emergency, at mga sektor sa pagkain at agrikultura ay makakapag-iskedyul na ng mga appointment sa pagpapabakuna

Santa Clara County, CA – Ang mga opisyal ng County ay nag-anunsyo ngayong araw na ang mga healthcare providers sa buong Santa Clara County ay magpapalawak ng access sa pagbabakuna para sa COVID-19 sa mga manggagawa sa edukasyon at pangangalaga sa bata, serbisyong pang-emergency, at mga industriya ng pagkain at agrikultura, simula Pebrero 28, 2021.

Sa paglawak ng access sa bakuna sa mga karagdagang grupo na ito, ang pagtutok ng pagsisikap sa pagbabakuna sa mga pinaka naapektuhang lugar sa komunidad at mga nakakatandang residente na nasa pinaka mapanganib na magkaroon ng malubhang sakit o ng pagkamatay mula sa COVID-19 ay mananatiling kritikal na pagtutuunan at bibigyan ng prayoridad. Ang pagpapalawak na ito sa access sa bakuna ay naplano habang ang Health System ng County ay patuloy na nagpapaigting ng kanilang imprastraktura sa bakuna, nagpapataas ng kapasidad sa parehong mga malalaking sentro ng pagbabakuna pati na rin ang mga maliliit na batay sa komunidad at mobile na mga lokasyon. Lahat ng mga pagsisikap na ito ay magpapatuloy na malilimitahan ng parehong suplay ng bakuna at ang nagbabago na mga plano sa pamamahagi ng bakuna mula sa Estado ng California.

“Sa pag-unlad natin patungo sa ating layunin sa pagbabakuna ng hindi bababa sa 85 na porsyento ng ating mga residente na may edad 16 at mas matanda ngayong tag-init, kami ay mas lalong nakatutok sa pagtitiyak ng pantay-pantay na access sa pagbabakuna para sa mga komunidad na lubos na naapektuhan ng COVID-19,” sabi ni Dr. Sara Cody, Health Officer at Direktor ng Public Health ng County ng Santa Clara.

Sa pagpapalawak ng access ng County sa mga mahalagang manggagawa, ito ay magpapalawak ng kaniyang multi-layered outreach at estratehiya sa pag-access, paglilipat ng mga bagong klinika sa mga komunidad na lubos na naapektuhan, pagbibigay ng mga drop-in at panggabi/Sabado at Linggo na opsyon, pagsasagawa ng matatag na pag-abot sa komunidad, at pag-aalok ng tulong sa mga residente sa pag-iiskedyul ng mga appointment sa pagbabakuna. Kabilang sa mga pagsisikap na ito ang mga pagpunta sa mga kabahayan, pagpunta sa mga negosyo na may mga kwalipikadong manggagawa, pagpunta sa mga organisasyon na batay sa komunidad sa mga lubos na naapektuhan na komunidad, at pagpakalat ng impormasyon sa pamamagitan ng maraming pamamaraan na nasa maraming wika. Ang Health System ng County ay kasalukuyang nag-iiskedyul ng halos 10,000 na mga appointment sa pagbabakuna sa mga lokasyon sa buong county araw-araw, bilang karagdagan sa ilang mga lokasyon ng pagbabakuna na nagpapatakbo ngayon sa parehong East San José at Gilroy na hindi nangangailangan ng appointment.

“Kami ay nakikipagtulungan kasama ang mga malalaking network ng mga mapagkakatiwalaang partners sa komunidad para matiyak na ang ating mga pinaka naapektuhang komunidad ay may access sa mga pagbabakuna,” sabi ni Rocio Luna, Deputy Director ng Public Health ng County ng Santa Clara.

Ang pagpapalawak ng access sa mga karagdagang grupo ay nangyari pagkatapos umabot ang Santa Clara County sa isang pangunahing yugto – mahigit sa kalahati ng mga residente ng county edad 75 at mas matanda ay nakatanggap ng hindi bababa sa isang dosis ng bakuna, at sa darating na pahanon kalahati ng mga edad 65 at mas matanda ay makakatanggap ng hindi baba sa isang dosis. Ang County ay naghihikayat sa mga nakakatandang residente na hindi pa nabakunahan na mag-iskedyul ng appointment ngayon.

Ang website ng County sa sccfreevax.org ay magsasama ng mga update at impormasyon, kabilang kung kalian ang mga bagong kwalipikadong tao ay makapagsimulang mag-iskedyul ng mga appointment sa pagpapabakuna.

Ang County ay naghihikayat sa lahat ng mga residente edad 65 at mas matanda at mga manggagawa sa healthcare na mag-iskedyul ng appointment sa pagbabakuna sa lalong madaling panahon. Ang mga residente na walang internet access o ang mga nangangailangan ng karagdagang tulong ay maaaring tumawag sa 211 para sa tulong na nasa maraming wika. Ang mga appointment ay madaling napupuno, ngunit ang mga bagong appointment ay regular na ilalabas depende sa suplay ng bakuna, at ang mga miyembro ng komunidad ay hinihikayat na regular na tingnan ito.

Ang County ay nagpapaalala sa mga residente na kahit na mas marami na sa mga residente ang nabakunahan, ang lahat ay kailangan na magpatuloy na gumawa ng mga napatunayang pamamaraan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19, tulad ng pagsusuot ng mga maskara at paggawa ng pisikal na pagdistansya.

# # #

Subaybayan ang aming Twitter para sa mga update:  @HealthySCC
Facebook ng Pampublikong Kalusugan:  www.facebook.com/sccpublichealth
Website ng County ng Santa Clara:  www.sccgov.org/coronavirus

Category

News Releases (Tagalog)

Topic

©2024 County of Santa Clara. All rights reserved.