Ang mga Kaso ng COVID-19 sa Santa Clara County ay Umabot na sa 100,000, Halos Isang Taon Pagkatapos na ang Unang Kaso ay Nakumpirma; Nagpapatuloy ang Pagtaas ng Pagbabakuna Kahit na Limitado ang mga Suplay

PARA SA AGARANG PAGPAPALABAS
Enero 29, 2021

Santa Clara County, CA – Habang ang isang-taon na marka mula ng unang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Santa Clara County ay papalapit sa Linggo, isa na namang nakakalungkot na yugto ang nalampasan: kahapon, ang bilang ng mga kaso sa county ay umabot sa isandaang libong marka.

Ang nagpapatuloy na mga pagsisikap sa pagbabakuna ay nag-aalok ng pag-asa at mabilis na lumalawak kahit na nananatiling limitado ang mga suplay ng bakuna. Hanggang Enero 28, hindi bababa sa 185,535 na dosis ng bakuna ang nagamit sa Santa Clara County, kabilang ang 147,838 ng mga unang dosis at 37,697 ng mga pangalawang dosis.

Ang County at iba pang mga vaccine providers ay nakagawa ng makabuluhang pag-unlad sa pagbabakuna ng ating mga residente edad 75 at mas matanda, ang grupo na nahaharap sa pinakamataas na panganib ng malubhang sakit at ng pagkamatay mula sa COVID-19,” sabi ni Dr. Marty Fenstersheib, COVID-19 Testing and Vaccine Officer ng County ng Santa Clara. “Habang tayo ay umuusad sa proseso ng pagbabakuna, ang pagkakapantay-pantay ay nagpapatuloy sa pagiging pangunahing prayoridad at ang County ay tapat sa pagtitiyak ng access sa mga bakuna para sa ating mga pinakanaapektuhan na komunidad sa pamamagitan ng iba’t ibang estratehiya.”

Ang County Health System, na nagsisilbi sa maraming tao na may pinakamataas na pangangailangan, nasa pinakamataas na panganib na mga populasyon sa komunidad ay nagpapatuloy sa pagpalawak ng kanilang pagsisikap. Ang Countyay nakikipagpartner din sa mga organisasyon na batay sa komunidad para makakuha ng impormasyon, mga pagpapasuri, at pagbabakuna sa ating mga komunidad na lubos na naapektuhan. Ngayong linggo, ang ating partner na Gardner Health Services ay nagbukas ng unang drop-in na lokasyon sa pagbabakuna para sa mga manggagawa sa healthcare at sinumang edad 65 o mas matanda sa Mexican Heritage Plaza sa East San José.

Hanggang sa ngayon, ang mga healthcare providers sa County ay nakatanggap ng kabuuang 281, 578 na mga dosis. Mayroong mahigit sa 58,000 na mga appointments ang naiskedyul sa susunod na pitong araw. Ang mga suplay ng bakuna ay nananatili na ang pangunahing inaalala, kahit na ang County ay nagpapatuloy sa pagtaas ng kapasidad at nagtatatag ng kinakailangang imprastkatura para mabukanahan ang lahat ng mga residente edad 16 at mas matanda sa lalong madaling panahon. Ang County ay naghihintay din ng kalinawan at impormasyon mula sa Estado ng California pagkatapos ng anunsyo sa linggong ito ng pagbabago sa estratehiya sa “third-party administrator” para sa pamamahagi ng bakuna para sa COVID-19 sa buong estado, at pagbabago ng kaniyang pamantayan kung sino ang dapat na mababakunahan sa anong pagkakasunod-sunod. Sa kabila ng mga hamon na ito, ang mga vaccine providers ay nagpatuloy sa paggawa ng matatag na pag-unlad sa pagbabakuna ng mga residente.

“Ang Santa Clara County ay nagpapatuloy sa pangunguna sa pagbabakuna ng mga residente, kahit na may mga hamon sa supply at iba pang mga komplikasyon,” sabi ni Dr. Jennifer Tong, Associate Chief Medical Officer ng Santa Clara Valley Medical Center. “Ang ating County Health System at iba pang mga healthcare system partners ay mas lalong nagpahusay ng kanilang ginagawa sa pagtugon sa krisis, at ang ating imprastraktura sa paghahatid ng bakuna ay malakas.”

Ang County Health System ay nagpapatakbo ng tatlong lokasyon ng maramihang pagbabakuna at maraming lokasyon ng klinika, pati na rin ang mobile vaccine clinic na nakatuon sa mga pasilidad ng long-term care tulad ng nursing homes. Ang County ay patuloy na naghahanap ng mga bagong opsyon para sa lokasyon ng maramihang pagbabakuna at mga lokasyon na batay sa komunidad, karamihan ay nakikipagpartner sa ibang mga entidad.

Ang pagtitiyak sa pantay at mahusay na pamamahagi ng ligtas at epektibong mga bakuna para sa COVID-19 ay ang pinakamahalagang paraan sa paglaban ng pandemya, ngunit ito ay aabutin ng mahabang panahon para ang ating komunidad ay umabot sa sapat na antas ng proteksyon. “Ang lahat ay kailangan na magmaskara, magpanatili ng distansya, magpanatili sa pagpapasuri, at magpabakuna kapag oras mo na,” sabi ni Dr. Fentersheib. “Makipag-ugnayan sa inyong provider, tingnan kung ikaw ay kwalipikado, at mag-sign up para sa bakuna. Ang mga paraan na ito ang ating magagamit para malampasan ang pandemyang ito.”

# # #

Follow our Twitter for updates:  @HealthySCC
Public Health Facebook:  www.facebook.com/sccpublichealth
Public Health Website:  www.sccgov.org/coronavirus

Category

News Releases (Tagalog)

Topic

©2024 County of Santa Clara. All rights reserved.