Mga Employer: Ngayon na ba ang Tamang Oras Upang Mangangailangan ng Pagbabakuna sa Inyong Mga Empleyado o Kustomer?
Bilang isang employer, makakatulong kayong mapanatiling ligtas ang inyong mga empleyado, kustomer, at bisita sa inyong lugar ng trabaho. Ang layunin ng toolkit na ito ay upang:
- Suportahan ang mga employer na nais na mangailangan ng pagbabakuna sa mga manggagawa o mga kustomer
- Ipaalam sa mga employer tungkol sa umiiral na mga kinakailangan sa pagbabakuna na maaaring mailapat sa kanilang organisasyon
Rekomendasyon: Ang Opisyal ng Pangkalusugan para sa County ng Santa Clara ay nananawagan sa lahat ng mga negosyo at entidad ng gobyerno sa County na "magpatupad ng mga mandatoryang kinakailangan sa pagbabakuna para sa lahat ng mga tauhan, napapailalim lamang sa limitadong mga pagbubukod na hinihiling ng batas." Ang County ng Santa Clara bilang isang employer ay sumunod sa rekomendasyon ng Opisyal ng Pangkalusugan.
Sinusuportahan din namin ang mga negosyo na nangangailangan na ang sinumang pumapasok sa kanilang negosyo ay ganap na nabakunahan. Maaaring kabilang ito ang mga kustomer o bisita. Maraming mga lokal na negosyo, kabilang ang mga bar at mga restawran, na pinagtibay ang ganitong uri ng kinakailangan sa pagbabakuna.
Sa ibaba makikita ninyo ang mga link na maaaring magiging kapaki-pakinabang para sa paglikha ng patakaran sa pagbabakuna para sa inyong sariling lugar ng trabaho. Dapat kayong makipagtulungan sa inyong ligal na tagapayo upang matugunan ang anumang mga katanungan sa pagtatrabaho at kumpirmahing kasalukuyan at tumpak ang impormasyon sa ibaba. Ang County ay hindi maaaring magbigay sa inyo ng ligal na payo tungkol sa impormasyon sa ibaba o sa anumang iba pang mga bagay sa trabaho na nauugnay sa COVID-19 sa lugar ng trabaho.
Mga Halimbawa na Patakaran sa Lugar ng Trabaho na Nangangailangan ng Pagbabakuna
- Marami sa mga pinakamalaking korporasyon sa bansa tulad ng Google ay humihiling na mabakunahan ang kanilang tauhan laban sa COVID-19. Ang US Chamber of Commerce din ay nagbibigay ng patnubay sa lahat ng mga maliliit na negosyo na maaari nilang iatas ang pagbabakuna para sa kanilang mga empleyado at sinusubaybayan ang pinakamahusay na mga pamamaraan sa mga negosyo tungkol sa mga paglulunsad ng bakuna. Sa lokal, ang Konseho ng Bay Area, isang organisasyong pang-negosyo, ay nag-eendorso ng pribadong sektor ng mga kinakailangan sa pagbabakuna.
- Ang iba pang mga pampublikong organisasyon ay may katulad na mga kinakailangan:
- Patakaran ng UC sa Panghuling Pagbabakuna sa COVID-19
- Patakaran sa Pagbabakuna ng White House para sa mga Pederal na Empleyado at Kontratista
- Patakaran sa Pagbabakuna ng Departamento ng Hustisya ng U.S. para sa mga Empleyado, Kontratista, at Bisita
- Patakaran sa Pagbabakuna ng Pinag-isang Distrito ng mga Paaralan ng Los Angeles (pahina 7)
- Mga asosasyon na nonprofit tulad ng Konseho ng mga Nonprofit ng Silicon Valley ay nag-rerekomenda din na ang mga employer ay nangangailangan ng pagbabakuna ng empleyado. Maraming mga employer ang gumagawa nito, kabilang ang Health Trust at Health Right 360.
Karagdagang mga Mapagkukunan
- Maaaring isaalang-alang ng mga employer ang pag-aalok sa mga empleyado ng mga insentibo upang mabakunahan (hal., mga maliliit na mga gift card), pag-aatas sa edukasyon sa pagbabakuna, at pag-post ng impormasyon tungkol sa kung paano at saan magpapabakuna.
- Departamento ng Makatarungang Pagtatrabaho at Pabahay sa California Impormasyon sa Pagtatrabaho sa COVID-19
- Cal/OSHA Mga FAQ sa mga Bakuna sa COVID-19
- Mga Sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit Toolkit ng Bakuna sa COVID-19 para sa Lugar ng Trabaho: Impormasyon para sa mga Employer at Mga Empleyado
- Komisyon sa Pagkakapantay-pantay na Pagkakataon sa Trabaho ng US ay Nagpalabas ng mga Nai-update na Teknikal na Tulong sa COVID-19
Ang mga Umiiral na Kinakailangan sa Pagbabakuna at Pagsusuri Ay Maaaring Nalalapat Na sa Inyong Lugar ng Trabaho
Pinapanatili pa rin ng County ang kanilang ika-18 ng Mayo, 2021 na Kautusan ng Opisyal ng Pangkalusugan para sa mga negosyo na hindi pa nakakumpleto ng dalawang beses ng pagkakatibay ng katayuan sa pagbabakuna ng kanilang mga tauhan. Ang unang beses ng pagtiyak ay dapat kasama ang lahat ng tauhan, at ang ikalawang beses ay dapat isagawa sa 14 na araw pagkatapos ng unang beses at dapat isama ang mga hindi nagpahiwatig na sila ay ganap na nabakunahan sa unang beses. Kapag natapos na ng isang negosyo ang ikalawang beses ng katunayan para sa mga empleyado nito, ang Kautusan ng ika-18 ng Mayo ay hindi na nalalapat sa negosyong iyon.
Bukod sa ika-18 ng Mayo, 2021 na Kautusan ng Opisyal ng Pangkalusugan, Mga Pansamantalang Pamantayan na Pang-emerhensiya sa COVID-19 ng CAL/OSHA ay humihiling na idokumento ng mga employer ang katayuan sa pagbabakuna ng kanilang mga empleyado o tratuhin ang lahat ng mga empleyado bilang hindi pa nabakunahan.
Bilang paalala, ang pagtatanong sa isang empleyado o aplikante sa trabaho tungkol sa kanilang katayuan sa pagbabakuna ay hindi lumalabag sa HIPAA, at ang isang CDC COVID-19 Record Card ng Bakuna, Sistema ng talaang digital na bakuna sa California, o isang tala ng pagbabakuna mula sa isang doktor o iba pang medical provider ay patunay ng pagbabakuna. Kolektahin at itago ang impormasyon sa pagbabakuna ng empleyado tulad ng katulad na pribadong impormasyon ng empleyado.
Ang Lungsod ng San Jose ay nangangailangan na ang mga nagpapatakbo at mga host ng malalaking panloob na kaganapan na may higit sa 50 mga dumalo sa isang pasilidad na pagmamay-ari ng lungsod ay dapat tiyakin na ang lahat ng mga tauhan ay ganap na nabakunahan, na may ilang mga pagbubukod.
Ang ibang mga inaatas ng bakuna at pagsusuri ay maaaring mailapat sa inyong negosyo sa California, tulad ng sumusunod:
- Sentro para sa Medicare at Medicaid na mga Serbisyo pinondohan sa lugar ng healthcare
- Mga Tauhan sa Mga Pasilidad ng Healthcare
- Mga Tauhan sa Pasilidad ng Pangangalaga ng mga Adulto at mga Matatanda, mga Kanlungan ng Walang Tirahan, at Mga Pasilidad sa Kulungan
- Tauhan sa mga pampubliko at pribadong paaralan na naglilingkod sa mga estudyante sa transitional kindergarten hanggang sa grade 12
Mga Mabilis na Link
COVID-19 HomeBakuna sa COVID-19 Mga Lokasyon ng Pagpapasuri sa COVID-19Data at mga Ulat sa COVID-19Patnubay sa Pagbubukod at Pagkuwarantina sa BahayMga Negosyo at Lugar ng TrabahoCOVID-19 at Mga Paaralan/Childcare Directory ng Mapagkukunan sa COVID-19Library ng Flyer at Poster sa COVID-19Impormasyon para sa Healthcare Provider Mga Madalas na Katanungan sa Kautusan ng Pampublikong Pangkalusugan Mag subscribe sa Aming Public Health Newsletter