Recovery

Mas lalong matuto tungkol sa iba’t ibang serbisyo ng County at mga mapagkukunan na available sa mga miyembro ng komunidad, manggagawa, at mga negosyo habang lilipat tayo ng ating pang-emergency na pagtugon sa COVID-19. Ang pahinang ito ay para sa mga naghahanap ng tulong sa pagbangon muli mula sa epekto ng pandemyang COVID-19, at ina-update kung may mga bagong oportunidad. Mangyaring regular na tingnan muli para sa bagong impormasyon habang ang County ng Santa Clara ay umuusad mula sa pandemya.

Dashboard ng Pagsubaybay ng Gastos

Ang mga dashboard ng pagsubaybay ng gastos ay nagpapakita ng mga gastusin na natamo ng County ng Santa Clara bilang resulta ng pandemyang COVID-19. Ito ay nagbibigay ng bukas at nakikitang pagbilang ng mga gastusin ng County sa COVID-19.

Ang apat na dashboard ay ipinipresenta bilang mga sumusunod:

  • Gastos ayon sa Araw
  • Gastos ayon sa Ahensiya/Departamento ng County
  • Gatos ayon sa Vendor
  • Gastos ayon sa Kategoriya

Mga Tala ng Data:

Ang unang dalawang dashboard ay nagpapakita ng gastos ng mga ahensiya ng County at mga klasipikasyon ng gastos na kilala bilang “Object 1” at “Object 2.” Ang Object 1 ay kumakatawan ng mga sahod at benepisyo na ibinayad sa mga empleyado ng County na gumugol ng oras sa mga aktibidad na nauugnay sa COVID-19, kabilang ang mga pansamantalang manggagawa at overtime. Ang Object 2 ay nagpapakita ng mga gastos ng serbisyo, supply, contractor, kagamitan, at iba pang mga bagay na nauugnay sa mga programa at aktbidad sa COVID-19. Ang Gastos ayon sa Vendor na dashboard ay naglilista ng gastusin para sa Serbisyo at supply lamang ng ‘Object 2’. Ang gastos ayon sa Kategoriya na dashboard ay nag-uuri ng gastusin ayon sa mga kategoriya at sub-kategoriya sa COVID-19.

Ang impormasyon ay idadagdag sa mga dashboard kung natanggap at inilalarawan sa ibaba:

  • Ang mga gastos sa payroll ay idadagdag kada dalawang linggo pagkatapos mabuo ang kada dalawang linggo na payroll ng County.
  • Ang Object 2 na mga gastos para sa mga ospital at klinika ng County ay ina-update kada linggo na may eksemsyon ng mga gastos ng parmasya at gamot na ina-update kada buwan.
  • Ang Object 2 para sa mga gastos para sa natitirang bahagi ng County ay ina-update araw-araw.

Tandaan na maaaring mayroong malaking oras ng pagkaantala sa oras na ang bagay ay naorder at inilagay sa mga accounting system ng County, at sa mga petsa na ipinapakita ng dashboard kapag ang bagay ay inilagay sa mga accounting system ng County at hindi ang petsa na ang bagay ay aktwal na nabili o natanggap.

Dashboard ng Pagsubaybay ng Kita

Ang mga dashboard ng pagsubaybay ng kita ay nagbabalangkas ng mga grant ng pederal at estado na natanggap ng County ng Santa Clara para sa pagtugon sa pandemyang COVID-19 at pagbangon muli ng ekonomiya. Ang mga dashboard ay nagbibigay ng bukas at nakikitang pagbilang ng COVID-19 state grant ng County at mga kita ng pederal mula sa iba’t ibang pinagmumulan ng pagpopondo. Ang mga dashboard ng kita ay hindi maaaring direktang ikumpara sa dashboard ng gastos sa Covid-19 dahil sa mga kinakailangan sa oras at kwalipikasyon.

Ang dalawang dashboard ay ipinipresenta bilang mga sumusunod:

  • Kita sa COVID-19 ayon sa Funding Source Group
  • Kita sa COVID-19 ayon sa Departamento ng COunty

Bilang karagdagan sa mga dashboard sa itaas, ang detalye ng data at paglalarawan ng pinagkunan ng grant ay nakalista sa data at notes tab ng dashboard.

©2023 County of Santa Clara. All rights reserved.