PAGPAPAWALANG-BISA NG AGOSTO 2, 2021 NA KAUTUSAN SA PANGKALUSUGAN NA NANGANGAILANGAN NG PAGGAMIT NG MGA PANAKIP SA MUKHA NG LAHAT NG TAO SA MGA PANLOOB NA LUGAR
Ang patnubay na ito ay wala nang bisa at para sa makasaysayan na layunin lamang.
PETSA NG KAUTUSAN: Pebrero 28, 2022
SA ILALIM NG AWTORIDAD NG KODIGO SA KALUSUGAN AT KALIGTASAN NG CALIFORNIA SEKSYON 101040, 101085, AT 120175, AT KODIGONG ORDINANSA NG SANTA CLARA COUNTY SEKSYON A18-33, INIUTOS NG OPISYAL NG PANGKALUSUGAN ("OPISYAL NG PANGKALUSUGAN") NG COUNTY NG SANTA CLARA:
- Pagpapawalang-bisa. Ang Agosto 2, 2021 na Kautusan ng Opisyal ng Pangkalusugan na Nangangailangan ng Paggamit ng mga Panakip sa Mukha ng Lahat ng Tao sa mga Panloob na Lugar ("Agosto 2, 2021 na Kautusan sa Panakip sa Mukha") ay pinapawalang-bisa, epektibo sa 12:01 am ng Marso 2, 2022. Para sa kalinawan, ang iba pang mga Kautusan sa Pangkalusugan na nauugnay sa COVID-19 na kasalukuyang epektibo pa rin ay hindi pinapawalang-bisa o binabago ng Kautusan na ito.
- Matinding Rekomendasyon sa Pagpapatuloy ng Pangkalahatang Paggamit ng mga Panakip sa Mukha sa mga Panloob na Lugar. Kahit na ang pagpapawalang-bisa ng Agosto 2, 2021 na Kautusan sa Panakip sa Mukha, ang Opisyal ng Pangkalusugan ay mariing nagrerekomenda na ang lahat ng tao ay magpatuloy sa pagsuot ng mga panakip sa mukha kapag nasa mga panloob na lugar, alinsunod sa mga kinakailangan at rekomendasyon ng Agosto 2, 2021 na Kautusan sa Panakip sa Mukha. Ang Opisyal ng Pangkalusugan ay lalong nagrerekomenda na ang lahat ng mga negsoyo at entidad ng gobyerno ay patuloy na nangangailangan ng paggamit ng mga panakip sa mukha sa mga panloob na lugar.
- Obligasyon na Sundin ang mga Kautusan at Regulasyon ng Estado. Para sa kalinawan, lahat ng indibidwal at entidad ay dapat magpatuloy sa pagsunod sa mga kautusan ng Opisyal ng Pangkalusugan ng Estado, sa anumang mahigpit na ipinapatupad na patnubay na inilabas ng Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan ng California, sa anumang mahigpit na ipinapatupad na kautusan ng Gobernador o ahensya ng Estado (tulad ng Cal/OSHA), o anumang iba pang mahigpit na ipinapatupad na probisyon ng batas ng Estado.
- Ang Pagpapabakuna Ay ang Pinakamahusay na Paraan para Mabawasan ang Panganib. Ang Pagpapabakuna at ang pagpapa-booster laban sa COVID-19 ay ang pinakamahusay na paraan para maprotektahan ang mga nabakunahang tao mula sa impeksiyon, pagkakaospital, o pagkamatay mula sa COVID-19, pati na rin para mapigilan na mapahamak ang iba sa pamamagitan ng pagpapabawas ng panganib ng pagkakahawa sa COVID-19. Samakatuwid, ang lahat ng kwalipikadong tao ay mariing hinihikayat na magpabakuna at magpa-booster laban sa COVID-19 sa lalong madaling panahon.
- Epektibong Petsa. Ang Kautusang ito ay epektibo sa 12:01 am ng Marso 2, 2022.
- Mga Kopya. Ang mga kopya ng Kautusang ito ay dapat kaagad na: (1) maging available sa County Government Center sa 70 W. Hedding Street, San José, California; (2) mailagay sa COVID-19 website ng Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan ng County (covid19.sccgov.org); at (3) maibigay sa sinumang miyembro ng publiko na humihiling ng isang kopya ng Kautusang ito.
- Pagkakahiwalay. Kung mapawalang bisa ang anumang probisyon ng Kautusang ito o ang aplikasyon nito sa sinumang tao o pangyayari, ang natitirang Kautusan, kasama ang aplikasyon ng naturang bahagi o probisyon sa ibang mga tao o pangyayari, ay hindi maaapektuhan at magpapatuloy na may bisa. Hanggang dito, ang mga probisyon ng Kautusang ito ay maaaring maihiwalay.
Mga Mabilis na Link
COVID-19 HomeBakuna sa COVID-19 Mga Lokasyon ng Pagpapasuri sa COVID-19Data at mga Ulat sa COVID-19Patnubay sa Pagbubukod at Pagkuwarantina sa BahayMga Negosyo at Lugar ng TrabahoCOVID-19 at Mga Paaralan/Childcare Directory ng Mapagkukunan sa COVID-19Library ng Flyer at Poster sa COVID-19Impormasyon para sa Healthcare Provider Mga Madalas na Katanungan sa Kautusan ng Pampublikong Pangkalusugan Mag subscribe sa Aming Public Health Newsletter