Ang Estado ay Nag-anunsyo ng Pagtanggal ng Panrehiyon na Kautusan na Manatili sa Bahay, Pagbabalik ng Santa Clara County sa Purple na Antas

PARA SA AGARANG PAGPAPALABAS
Enero 25, 2021   

Ang Panlabas na Kainan, Serbisyong Pangangalagang Pansarili, at mga Professional, Collegiate, at Adult at Youth Sports ay Makapagpatuloy na may mga Kinakailangang Pagbabago; ang Mahigpit na Ipinapatupad na Pagkuwarantina sa Pagbiyahe ay Nananatiling Ipinapatupad

Santa Clara County, CA – Ngayong umaga, ang Estado ng California ay nag-anunsyo ng pagtanggal ng kaniyang Panrehiyon na Kautusan na Manatili sa Bahay sa lahat ng rehiyon sa buong estado, kabilang ang Bay Area.  Epektibo ngayong araw, ang Santa Clara County ay bumalik sa Purple na Antas ng Plano para sa Ligtas na Ekonomiya ng Estado, na may ilang mga karagdagang lokal na paghihigpit na nananatiling ipinapatupad. Ang panlabas na kainan ay makapagpatuloy ngayong araw, pati na rin ang mga serbisyong pangangalagang pansarili at mga professional, collegiate, at adult at youth sports. Ang mahigpit na ipinapatupad na pagkuwarantina sa pagbiyahe ay nananatiling ipinapatupad, nangangailangan ng 10 na araw na pagkuwarantina sa karamihan sa mga taong bumiyahe sa county mula sa layo na higit sa 150 na milya. Gaya ng dati, ang mga negosyo at indibidwal ay dapat sumunod sa parehong mga Kautusan ng Opisyal ng Pangkalusugan ng Estado at ng County, at kung may pagsalungat sa pagitan ng dalawa, ang mas mahigpit na mga panuntunan ang dapat sundin. 

“Ang Santa Clara County ay patuloy na nakakaranas nang masyadong mataas na antas ng pagkalat ng COVID-19,” sabi ni Dr. Sara Cody, Opisyal ng Pangkalusugan at Direktor ng Pampublikong Pangkalusugan ng County ng Santa Clara. “Ang ating pinasamang askyon hanggang sa ngayon ay nakapagligtas ng maraming buhay at nakatulong sa pagprotekta mula sa pagbagsak ng ating healthcare system. Hinihikayat ko ang lahat ng mga residente na manatiling mapagbantay, sumuot ng maskara sa anumang oras na ikaw ay umalis sa inyong bahay, panatilihin ang distansya nang hindi bababa sa 6 na talampakan mula sa sinuman na nasa labas ng inyong sambahayan, at magpabakuna kung oras mo na.” 

Sa ibaba ang buod ng mga pagbabago na epektibo sa Enero 25, 2021: Ang mga binagong mahigpit na ipinapatupad na direktiba sa bawat isa ay ipapalabas sa website ng County ngayong araw. 

  • Ang panlabas na kainan ay makapagpatuloy, napapailalim sa Mahigpit na Ipinapatupad na Direktiba sa Kainan. Ang panloob na kainan ay nananatiling pinagbabawal. Ang mga bars, pagawaan ng beer, distilleries, at pubs ay makapaghain lamang ng alkohol sa labas at kasama lamang sa transaksyon ng pagkain. 
  • Ang mga serbisyong pangangalagang pansarili ay makapagpatuloy sa loob at sa labas, napapailalim sa Mahigpit na Ipinapatupad na Direktiba sa mga Serbisyong Pangangalagang Pansarili. 
  • Ang mga professional at collegiate sports ay makapagpatuloy, napapailalim sa naupdate na Mahigpit na Ipinapatupad na Direktiba para sa mga Collegiate at Professional Sports. 
  • Ang mga aktibidad ng adult recreational sports ay makapagpatuloy na napapailalim sa naupdate na Mahigpit na Ipinapatupad na Direktiba sa mga Pagtitipon, kabilang ang mga partikular na panuntunan sa Seksyon 9 ng Direktibang iyon. 
  • Ang mga sports ng kabataan ay makapagpatuloy na napapailalim sa patnubay ng Estado na naaangkop sa mga aktibidad na iyon, pati na rin ang Mahigpit na Ipinapatupad na Direktiba sa mga Program na Nagsisilbi sa mga Bata at Kabataan ng County. 
  • Karamihan sa mga negosyo na pinapayagan na makapagbukas ng panloob na operasyon sa publiko ay dapat maglimita ng kapasidad ng kanilang ipinapagamit na espasyo sa publiko sa 20%. Ang Mahigpit na Ipinapatupad na Direktiba sa mga Limitasyon sa Kapasidad ng County ay naupdate para ipakita ang mga kasalukuyang pagbubukas at pagsasara. 
  • Ang mga panlabas na pagtitipon na may hanggang sa tatlong sambahayan ay pinapayagan sa ngayon sa anumang layunin. Ang mga mas malaking panlabas na pagtitipon na may hanggang sa 200 katao ay pinapayagan lamang para sa mga pampulitika, panrelihiyon o pangseremonya na layunin, o kung hindi man partikular na pinapayagan ng Estado. Ang mga panloob na pagtitipon ng anumang uri ay nananatiling pinagbabawal. Lahat ng mga pinapayagan na pagtitipon ay dapat sumunod sa inupdate na Mahigpit na Ipinapatupad na Direktiba sa mga Pagtitipon ng County. 
  • Ang Mahigpit na Ipinapatupad na Direktiba sa Pagbiyahe ng County, na nangangailangan sa karamihan sa mga tao na nagbiyahe sa county na mula sa layo na higit sa 150 na milya na magkuwarantina ng 10 na araw sa kanilang pagdating, ay may bisa pa rin. 
  • Ang Mahigpit na Ipinapatupad na Direktiba sa Lodging Facilities ng County ay may bisa pa rin. Ang lodging facilities ay hindi makapagbigay ng lodging services para sa mga hindi mahalagang layunin, gaya ng turismo o mga panlibangan na layunin. Ang mga hindi mahalagang pagbiyahe ay dapat na iwasan, lalo na dahil sa mga bagong variant ng COVID-19 na kumakalat sa buong mundo at sa Estados Unidos. 

Ang mga pangunahing panuntunan ay nananatiling may bisa at nalalapat sa lahat ng mga negosyo: 

  • Telework: Lahat ng mga negosyo ay dapat magpatuloy na mangailangan sa mga manggagawa na gawin ang kanilang trabaho mula sa bahay hangga’t maaari. Ang mga manggagawa ay makapunta lamang sa trabaho para makumpleto ang mga tungkulin sa trabaho na hindi nila makumpleto mula sa bahay. 
  • Mga kinakailangan sa Protokol ng Pagdistansya sa Ibang Tao: Lahat ng mga negosyo ay dapat magkumpleto at magsumite ng Binagong Protokol ng Pagdistansya sa Ibang Tao para sa bawat isa sa kanilang pasilidad sa website ng County sa COVID19Prepared.org. Ang mga Protokol ng Pagdistansya sa Ibang Tao na isinumite bago ang Oktubre 11, 2020 ay wala nang bisa. Ang mga Binagong Protokol ng Pagdistansya sa Ibang Tao ay dapat punan gamit ang naupdate na template para sa Protokol ng Pagdistansya sa Ibang Tao sa COVID19Prepared.org
  • Pag-uulat ng positibong kaso:  Lahat ng mga negosyo (at mga entidad ng gobyerno) ay ligal na kinakailangan na mag-ulat sa Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan sa loob ng 4 na oras kung nalaman nila na sinuman sa kanilang mga manggagawa ay nakumpirmang positibo sa COVID-19. Dapat din nilang tiyakin na ang mga manggagawa ay mag-alerto sa kanila kung sila ay nasuring positibo. 
  • Limitasyon sa Kapasidad at Pagsusukat: Lahat ng mga negosyo ay dapat sumunod sa naaangkop na mga limitasyon sa kapasidad. Lahat ng mga negsoyo (maliban sa mga acute care na ospital) na may mga panloob na pasilidad na bukas sa publiko ay dapat magtatag ng “sistema sa pagsusukat” upang matiyak na ang nalalapat na mga limitasyon sa kapasidad ay hindi nalalampasan, halimbawa, paglalagay ng isang empleyado sa pasukan ng pasilidad upang masubaybayan ang bilang ng mga tao na pumapasok at lumalabas. 
  • Pagsasara ng mga Panloob na Breakroom: Lahat ng mga negosyo (maliban sa mga acute care na ospital) ay dapat maglimita ng paggamit ng mga emplyado ng mga panloob na breakrooms sa lugar ng trabaho tulad ng inilarawan sa seksyon 3 ng Mahigpit na Ipinapatupad na Direktiba sa mga Limitasyon sa Kapasidad

Para sa mga updates at impormasyon, ang publiko ay maaaring bumisita sa website ng county. Ang impormasyon hinggil sa pagpapasuri para sa COVID-19 ay makikita sa www.sccfreetest.org, at ang impormasyon tungkol sa kwalipikasyon at pamamahagi ng bakuna ay makikita sa www.sccfreevax.org​.  

# # #

Sundan ang aming Twitter para sa mga update:  @HealthySCC
Website ng County ng Santa Clara: http://www.sccgov.org/coronavirus
Facebook ng Pampublikong Pangkalusugan: https://www.facebook.com/sccpublichealth​

Category

Newsletters (Tagalog)

Topic

©2024 County of Santa Clara. All rights reserved.