Ang mga Opisyal ng Pangkalusugan sa Bay Area ay Kumilos para Maipatupad ang Bagong Pangrehiyon na Kautusan na Manatili sa Bahay ng Estado, Hindi na Naghintay na Umabot sa Krisis ang mga Lokal na Ospital para Kumilos

PARA SA AGARANG PAGPAPALABAS
Disyembre 4, 2020

Kahapon, si Gobernador Newsom ay nag-anunsyo na ang lahat ng sektor maliban sa retail at mga mahalagang operasyon ay isasara sa mga rehiyon ng Estado kung saan mas mababa sa 15 na porsyento ng ICU bed ang magagamit sa ilalim ng bagong Pangrehiyon na Kautusan na Manatili sa Bahay. Bagaman ang mga opisyal ng pangkalusugan sa lahat ng Bay Area ay nasisiyahan na makita ang pagkilos ng Estado dahil sa mabilis na pagtaas ng bilang ng mga na-oospital sa buong estado, karamihan ay naniniwala na mas agresibong askyon ang kailangan sa Bay Area para mapabagal ang pagtaas ng bilang at pigilan ang paghirap ng ating mga lokal na ospital. Sa halip na maghintay hanggang umabot sa kritikal na antas ang bilang ng magagamit na kama sa Intensive Care Unit (ICU) at pag-antala ng pagsasara na hindi maiiwasan, ang mga Opisyal ng Pangkalusugan sa mga County ng Alameda, Contra Costa, Marin, San Francisco, at Santa Clara pati na ang Lungsod ng Berkeley ay nagsama-samang nag-aanunsyo na sila ay magpapatupad ng Pangrehiyon na Kautusan na Manatili sa Bahay ng Estado ngayon.

“Aabutin ng ilang linggo ang mga bagong paghihigpit upang mapabagal ang pagtaas ng bilang ng mga na-oospital at ang paghihintay hanggang 15 na porsyento na lang ang magagamit na mga kama sa ICU ay masyadong nang huli,” sabi ng Opisyal ng Pangkalusugan ng San Francisco na si Dr. Tomàs Aragon. “Marami sa mga lubhang naapektuhan na mga bahagi ng ating rehiyon ay mayroon nang mas kaunti sa 15 na porsyento na magagamit na kama ng ICU, at ngayon na ang oras para kumilos.”

“Kami ay nakakakita ng pagdami ng mga kaso ng COVID-19 at mga na-oospital dito sa Contra Costa County at sa buong rehiyon,” sabi ng Opisyal ng Pangkalusugan ng Contra Costa County na si Dr. Christopher Farnitano. “Ang bilang ng mga pasyente na naospital na may COVID-19 sa ating county ay dumoble sa huling dalawang linggo lamang, at tayo ay nanganganib na malampasan natin ang kapasidad ng ospital sa huling bahagi ng buwan na ito kung ang kasalukuyang trend ay magpapatuloy.”

“Kami ay hindi hihintay hanggang pagkatapos natin tumalon sa bangin para humila ng emergency brake,” sabi ng Opisyal ng Pangkalusugan ng Santa Clara County na si Dr. Sara Cody. “Naiintindihan naming na ang mga pagsasara sa ilalim ng kautusan ng Estado ay magkakaroon ng makabuluhang epekto sa ating mga lokal na negosyo. Gayunpaman, kung tayo ay mabilis na kumilos, tayo ay parehong makapagligtas ng mga buhay at makapagbawas ng bilang ng oras na ang mga paghihigpit na ito ay nananatiling ipinapatupad, na nagbibigay daan sa mga negosyo at aktibidad na makapagbukas muli sa lalong madaling panahon.”

“Ang pagtaas ng bilang ng mga na-oospital sa buong rehiyon ay hindi lang nagbabanta sa mga miyembro ng ating komunidad na may malubhang COVID-19, ngunit sa lahat na nangangailangan ng pangangalaga dahil sa atake sa puso, stroke, aksidente, o iba pang mga kritikal na pangangailangan sa kalusugan,” sabi ng Opisyal ng Pangkalusugan ng Alameda County na si Dr. Nicholas Moss. “Sa magkasamang pagkilos natin ngayon, tayo ay magkakaroon ng pinakamabuluhang epekto sa pagtaas ng bilang at makapagligtas ng mas maraming buhay.”

“Bawat isa sa atin ay maaaring lumaban sa pagkalat,” sabi ni Dr. Lisa B. Hernandez, Opisyal ng Pangkalusugan ng Lungsod ng Berkeley. “Panatilihing ligtas ang inyong pamilya sa pag-iwas sa kahit na mga maliliit na pagtitipon na nasa labas ng inyong sambahayan at ang hindi pagbiyahe. Hindi namin gusto na ang mga pagtitipon sa holiday at ang pagbiyahe ay lilikha ng pagdami ng mga kaso na lalong madagdagan ang pagkalat na nakikita na natin.”

“Bagaman ang Marin ay may magandang resulta kung ikukumpara sa ibang mga county sa ating rehiyon sa loob ng huling ilang linggo, alam namin na iilang oras lang ang lilipas bago tataas ang bilang ng mga kaso at na-oospital na magpapahirap din sa mga ospital natin,” sabi ng Opisyal ng Pangkalusugan ng Marin County na si Dr. Matthew Willis. “Tayo ay dapat kumilos ngayon, at dapat magkasamang kumilos para matiyak na ang lahat ng mga ospital sa Bay Area ay may kapasidad na kanilang kailangan upang mag-alaga sa ating mga residente.”

Alinsunod sa balangkas ng Estado, ang anim na hurisdiksiyon ay nagtatrabaho upang matiyak na ang lahat ng sektor ay mayroong hindi bababa sa 48 na oras na abiso ng mga pagsasara. Karamihan sa mga Opisyal ng Pangkalusugan sa Bay Area ay magpapatupad ng Pangrehiyon na Kautusan na Manatili sa Bahay ng Estado sa Linggo, Disyembre 6, 2020. Sa Alameda County, ito ay naiskedyul na magkakabisa sa Lunes, Disyembre 7, 2020, at ang kautusan ng Marin County ay magkakabisa sa Martes, Disyembre 8. Ang mga bagong paghihigpit ay mananatiling ipinapatupad hanggang Enero 4, 2021.

Ang mga pagsasara at paghihigpit ng sektor sa aktibidad sa ilalim ng Pangrehiyon na Kautusan na Manatili sa Bahay ng Estado ay inilalarawan dito.

# # #

Sundan ang aming Twitter para sa mga update:  @HealthySCC
Website ng County ng Santa Clara: http://www.sccgov.org/coronavirus
Facebook ng Pampublikong Pangkalusugan: https://www.facebook.com/sccpublichealth​

Category

News Releases (Tagalog)

Topic

©2024 County of Santa Clara. All rights reserved.