Ang County ng Santa Clara ay Nag-uulat ng Makabuluhang Pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa mga Lokasyon na May Maraming Tao, Kabilang ang mga Homeless Shelter at mga Pasilidad ng Long-Term Care

​​​​​PARA SA AGARANG PAGPALABAS
Disyembre 3, 2020 

Santa Clara County, CA – Sa pagdami ng pagkalat ng COVID-19 sa ating komunidad, nakikita ng mga Opisyal ng County ng Santa Clara ang nakakabahalang pagdami ng mga kaso sa mga lokasyon na may maraming tao, kabilang ang mga homeless shelter at mga pasilidad ng long-term care. Ang mga pagdami na ito ay hindi magandang indikasyon ng mabilis at dumudobleng pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa ating komunidad, umabot sa ating mga mahihinang residente. Ang mataas na paglaganap ng COVID-19 sa komunidad ay nangangahulugan na kahit mayroong mga pag-iingat at regular na pagsubaybay ng pagpapasuri sa mga pasilidad na may maraming tao, mayroong makabuluhang pagtaas ng panganib ng impeksiyon ng COVID-19 na dadating sa pasilidad na mula sa komunidad.

 “Ang mga pagsiklab na ito ay isang hindi magandang paalala na ang pagdami ng pagkalat ng COVID-19 sa komunidad ay nagbabanta sa ating mga pinakamahinang komunidad,” sabi ni Dr. George Han, Deputy Health Officer ng County ng Santa Clara. “Sa pagdami ng mga kaso at pagdami ng mga na-oospital, ito ay magsisilbing isang pampagising sa bawat isa sa atin na gumawa ng lahat ng hakbang hangga’t maaari upang mabawasan ang pagkalat ng COVID-19.”

Mula Marso, mayroong iilang mga kaso ng COVID-19 sa mga populasyon na walang matirhan, ngunit sa huling bahagi ng Nobyembre, ang mga positibong kaso ay nagsimulang lumitaw, kasabay ng lalong pagdami ng pagkalat sa komunidad. Sa Boccardo Reception Center (BRC), isang emergency shelter sa San Jose para sa mga walang matirhan na indibidwal, 20 na positibong kaso ang naiulat noong ika-23 ng Nobyembre, 26 na positibong kaso ang naiulat noong ika-29 ng Nobyembre, at 14 na positibong kaso ang naiulat noong ika-2 ng Disyembre. Sa 60 na kabuuang kaso sa BRC, ang 4 ay mga kawani at ang iba ay mga kliyente. Sa South Hall, isa pang homeless shelter sa San Jose, dalawang positibong kaso ang naiulat noong ika-18 ng Nobyembre, dalawang positibong kaso ang naiulat noong ika-30 ng Nobyembre, at tatlong positibong kaso ang naiulat noong ika-2 ng Disyembre, Sa pitong kabuuang kaso sa South Hall, isa ay miyembro ng kawani at ang iba ay mga kliyente. Ang madalas na pagpapasuri ay patuloy na ginagawa sa parehong lokasyon at ang mga resulta ay patuloy na inuulat.

Ang mga pagtanggap sa shelter ay kaagad na sinususpende, at walang bagong kliyente ang sinangguni sa mga shelter pagkatapos natanggap ang mga resulta ng mga naunang positibong pagsusuri. Ang lahat ng mga indibidwal na nasuring positibo ay tinawagan ng mga kawani ng COVID-19 Shelter Hotline at nilagay sa mga silid sa hotel para sa pagbubukod habang sila ay nasa panahon ng kanilang pagbubukod. Sa BRC, ang mga opisyal ng County ay gumawa ng mga karagdagang hakbang sa pag-iingat sa paglalagay ng karamihan sa mga kliyente, kahit na ang mga nasuring positibo sa COVID-19, sa mga silid ng hotel.

Ang County ay aktibong nakikipagtulungan sa mga partner sa komunidad at sa mga nagpapatakbo ng shelter para maipatupad ang mga pamamaraan sa kaligtasan, kabilang ang pagbabawal ng mga pagtitipon sa mga shelter, kabilang sa panahon ng pagkain at paglibang, pagpapahusay ng bentilasyon, pagpapatupad ng pagsuot ng maskara sa lahat ng oras, pagbigay-alam sa mga residente ng antas ng pagsiklab, at kung hindi man, ang paggawa ng mga hakbang upang mapigilan ang mga residente sa paglapit sa ibang mga tao lalo na kapag nasa labas.

Ang kasalukuyang pagdami ng mga kaso sa mga lokasyon na may maraming tao ay kinabibilangan din ng mga pasilidad ng long-term care. It ay inaasahan dahil sa laganap na pagdami ng COVID-19 sa komunidad. Simula ng pagsimula ng pandemya, ang County ay aktibong nag-imbestiga at nagtugon sa lahat ng mga inaalala tungkol sa mga posibleng kaso ng COVID-19 sa mga pasilidad ng long-term care, kabilang ang mga pasilidad ng lisensyadong skilled nursing, assisted living, independent living, at board and care sa county. Mayroong mga imbestigasyon patungo sa mga pagsiklab, kabilang ang dalawang malaking pagsiklab sa mga pasilidad sa San Jose. Isang pasilidad ay nagkaroon ng 151 na kabuuang positibong kaso noong ika-2 ng Disyembre, kabilang ang 81 sa mga residente at 70 sa mga kawani. Ang iban pang pasilidad ay nagkaroon ng 86 na kabuuang positibong kaso, 66 ay mga residente at 20 ay mga kawani noong ika-2 ng Disyembre.

Ang county ay may mga natatanging pangkat na dedikado sa pag-iimbestiga ng mga pagsiklab at nagbibigay ng patnubay at suporta sa mga naapektuhang pasilidad. Kabilang dito ang tulong sa pagpapasuri at pagpapadali ng paghingi ng tulong para masuportahan ang bilang ng mga kawani. Dahil sa masyadong mahinang katayuan ng kalusugan ng mga residente na ito, ang County ay naglalaan ng malawak na mapagkukunan sa pagkontrol ng mga pagsiklab na ito, ngunit ito ay hindi sapat kung walang matinding pagsisikap ng bawat miyembro ng komunidad na gumawa ng kanilang bahagi sa pagbabawas ng pagkalat sa pamamagitan ng pagsuot ng mga maskara, pagpapanatili ng pagdistansya sa ibang tao, at pag-iwas sa pakikipagsalamuha sa mga taong nasa labas ng kanilang sambahayan.

# # #

Sundan ang aming Twitter para sa mga update:  @HealthySCC 
Facebook ng Pampublikong Pangkalusugan: https://www.facebook.com/sccpublichealth
Website ng County ng Santa Clara: covid19.sccgov.org/home-tl

Category

News Releases (Tagalog)

Topic

©2024 County of Santa Clara. All rights reserved.