Ang County ng Santa Clara ay Nag-aalok na Ngayon ng Appointment sa Bivalent COVID-19 Booster para sa mga Batang nasa Edad na 5-11

PARA SA AGARANG PAGPAPALABAS
Oktubre 17, 2022

Nasa 12% ang Lahat ng Kwalipikadong Residente ang Nabigyan ng Bivalent na Pagbabakuna 

SANTA CLARA COUNTY, Calif. – Ang County ng Santa Clara ay nag-umpisa ng tumanggap ng mga appointment sa bivalent COVID-19 booster para sa mga batang nasa edad na 5-11 sa kanilang malawakang lokasyon ng pagbabakuna at mga lokal na klinika. 

Ayon sa CDC, ang mga bata ay makakakuha na ng bagong Omicron-specific booster sa lalong madaling panahon na dalawang buwan pagkatapos ng pagkumpleto sa inisyal na serye ng COVID-19 o pagkatanggap ng kanilang pinakahuling COVID-19 booster.

Pinapaalalahanan rin ang publiko na tingnan ang kanilang lokal na healthcare provider o parmasya para sa isang appointment. Sa mga walang primary healthcare provider o sinumang may kahirapan sa paghahanap ng appointment ay maaaring bumisita sa www.sccfreevax.org.

Ang mga opisyal ng Pampublikong Pangkalusugan ay hinihikayat ang lahat ng 5 taong gulang at pataas na tumanggap ng updated bivalent COVID-19 booster, na karaniwang tinatawag bilang Omicron booster. Sa kasalukuyan, nasa mababang 12% ng kwalipikadong mga residente ng County ang nakatanggap ng updated booster.

“Ang mga impeksiyon sa COVID-19 ay tumaas sa nakaraang dalawang taglamig, at lahat tayo ay kailangang maging handa para sa taglamig din ngayon,” sabi ni Dr. Sara Cody, Health Officer at Director of Public Health para sa County ng Santa Clara. “Inirerekomenda namin ang lahat na kwalipikado sa bivalent booster na kumuha sa lalong madaling panahon. Ito ang una at pinakamahalagang layer ng proteksiyon laban sa COVID-19.” 

Ang mga bivalent na bakuna ay nagbibigay ng mas malaking antas ng proteksiyon laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagtutok sa orihinal na katangian ng novel coronavirus lalo na ang kasalukuyang dominant Omicron BA.5 variant. Ang bawat antas ng depensa ay maaaring patunay na mahalaga dahil ang mga ibang Omicron variants ay mabilis na kumakalat sa ibang bahagi ng United States. Bukod dito, ang administrasyon ni Biden ay kasalukuyang pinalawig ang emerhensiyang pampublikong pangkalusugan sa COVID-19 sakaling magkaroon ng pagsilakbo sa taglamig. 

Importanteng tandaan na ang pagiging epektibo ng bakuna ay humihina sa paglipas ng panahon at ang pagiging up-to-date sa mga pagbabakuna ay kabilang ang pagkuha ng bagong bivalent booster.

“Kasalukuyang napakadaling gumawa ng appointment at panatilihin na protektado ka at ng inyong pamilya hangga’t maaari ngayong parating ang holiday season,” sabi ni Dr. Jennifer Tong, Associate Chief Medical Officer para sa Santa Clara Valley Medical Center. 

Lahat ng residente ng California na nagtatrabaho para sa mga kumpanya na mayroong hindi bababa sa 26 na katao ay kwalipikado para sa paid sick leave upang tumanggap ng pagbabakuna para sa kanilang sarili o para sa miyembro ng pamilya.  Ang pang-estadong programa na ito ay available hanggang sa katapusan ng 2022.

# # #

TUNGKOL SA COUNTY NG SANTA CLARA, CALIFORNIA 
Ang gobyerno ng County ng Santa Clara ay naglilingkod sa mga magkakaiba, multi-kultural na populasyon ng 1.9 na milyong residente ng Santa Clara County, California, na mas matao kaysa sa 14 na estado ng U.S. Ang County ay nagbibigay ng mahahalagang mga serbisyo sa mga residente nito, kabilang ang proteksiyon sa pampublikong pangkalusugan, pangangalaga sa kapaligiran, mga medikal na serbisyo mula sa County of Santa Clara Health System, mga serbisyong proteksiyon sa mga bata at adult, mga solusyon at pag-iwas sa kawalan ng tirahan, kalsada, serbisyo sa parke, aklatan, pagtugon sa emerhensiya sa sakuna, proteksiyon ng mga komunidad ng minorya at mga nasa ilalim ng pagbabanta, pag-access sa isang patas na sistema ng hustisyang pangkrimen, at marami pang ibang pampublikong benepisyo.


Sundan ang aming Twitter para sa mga update: @HealthySCC
Website ng County ng Santa Clara: http://www.sccgov.org/coronavirus
Public Health Facebook: https://www.facebook.com/sccpublichealth

Category

News Releases (Tagalog)

Topic

©2023 County of Santa Clara. All rights reserved.