Pinapawalang-Bisa ng mga Opisyal ng Pangkalusugan ng Santa Clara County ang mga Kautusan sa Pangkalusugan

PARA SA AGARANG PAGPAPALABAS
Setyembre 12, 2022

Mananatili ang mga Kinakailangan sa Panakip sa Mukha sa mga Mataas ang Panganib na Lugar; Hinihikayat ng mga Opisyal ng Pangkalusugan ang Pagpapatuloy sa Pagbabantay Laban sa COVID-19, kasama ang Pagbabakuna, Updated na Boosters, at Paggamit ng mga Panakip sa Mukha sa Panloob na Lugar

Santa Clara County, CA – Dahil sa malawakang pagpapatuloy na pagbabakuna at pagkakaroon ng pagsusuri sa COVID-19 sa ating komunidad, si Dr. Sara Cody, Health Officer at Director of Public Health para sa County ng Santa Clara, ay nag-anunsiyo ng pagpapawalang-bisa ng ilan sa natitirang mga lokal na kautusan sa pangkalusugan na nauugnay sa COVID-19.  

Ang natitirang kautusan sa pangkalusugan na ito ay tinutukan na mga hakbang na nangangailangan na ang (1) tauhan na nagtatrabaho sa mataas na panganib na mga lugar (kagaya ng healthcare, long-term care facilities, shelters, at mga bilangguan) ay dapat nabakunahan o aprubado sa iksemsyon; (2) malaking sistema ng healthcare ay nagbibigay ng pagsusuri sa COVID-19; at (3) tauhan sa lugar ng healthcare ay kailangan mabakunahan laban sa influenza o magsuot ng maskara. Ang bagong Kautusan sa Pangkalusugan ay naglalagay ng lokal na kinakailangan—katulad ng kinakailangan ng Estado—na gumamit ng panakip sa mukha sa lugar na mataas ang panganib.

“Bagaman pinawalang-bisa natin ang mas malawak na mga kautusan sa pangkalusugan sa ating komunidad noong Marso 2021, pinapawalang-bisa ng aksyon ngayon ang nananatiling mga utos sa lokal na pangkalusugan,” sabi ni Dr. Cody. “Nananatiling seryosong banta sa ating komunidad ang COVID-19, at hinihikayat ko ang lahat na patuloy na protektahan ang bawat isa at ang mga mahihina sa atin sa pamamagitan ng pananatili na napapanahon ang kanilang mga bakuna kabilang ang pinakabagong bivalent booster.”

Kabilang sa kautusan ngayon ang mga importanteng rekomendasyon mula sa Opisyal ng Pangkalusugan na magpatuloy na panatilihing ligtas ang komunidad mula sa COVID-19: (1) lahat ay dapat magpabakuna at manatiling napapanahon kasama ang pinakabagong inirerekomendang booster, kabilang ang bagong bivalent COVID-19 booster; (2) lahat ay dapat magsuot ng panakip sa mukha kung nasa panloob na lugar at sa paligid ng iba; (3) ang mga entidad ng negosyo at gobyerno ay dapat magpatuloy ng mandatoryang kinakailangan sa pagpapabakuna para sa kanilang mga manggagawa; at(4) lahat, anuman ang katayuan ng pagbabakuna, ay dapat agad magpasuri at iwasan ang pakikipagsalamuha sa iba kung mayroon silang mga sintomas ng COVID-19. 

# # #

Tungkol sa County ng Santa Clara Public Health Department
Ang County ng Santa Clara Public Health Department ay nakatutok sa pagprotekta at pagpapabuti ng kalusugan ng mga komunidad sa pamamagitan ng edukasyon, pagtataguyod ng malusog na pamumuhay, pag-iwas sa sakit at pinsala, at ang pagtataguyod sa kautusan sa kalusugan.
Upang matuto ng higit pa kung paano naglilingkod ang Public Health Department sa mga tao na nakatira, nagtatrabaho, nag-aaral at naglalaro sa Santa Clara County, mangyaring bisitahin ang aming website: www.sccphd.org.

Sundan ang aming Twitter para sa mga update: @HealthySCC
Website ng County ng Santa Clara: http://www.sccgov.org/coronavirus
Public Health Facebook: https://www.facebook.com/sccpublichealth
 

Category

News Releases (Tagalog)

Topic

©2023 County of Santa Clara. All rights reserved.