PARA SA AGARANG PAGPAPALABAS
Aug. 2, 2022
SANTA CLARA COUNTY, Calif. – Ang County ng Santa Clara ay nag-anunsiyo ngayon na nakakuha na ng bagong bakuna sa Novavax COVID-19 at mag-uumpisa ang pagbibigay ng bakuna sa lahat ng County Health System na mga lugar ng pagbabakuna sa Martes, Agosto 2.
Hindi kagaya ng kasalukuyang available na mga bakuna sa Pfizer at Moderna na gumamit ng mRNA-based upang bumuo ng immunity, gumamit ang Novavax ng traditional protein-based technology. Parehong uri ng mga bakuna ay napakaligtas at epektibo sa pagpigil sa matinding sakit at pagkamatay mula sa COVID-19.
Tulad ng mga nauna nito, ang mga bakuna sa Pfizer at Moderna, ang bakuna sa Novavax COVID-19 ay ibinibigay ng 2 dosis na nasa 3-8 na linggong pagitan. Ang bagong bakunang naaprubahan ng CDC ay naaangkop na unang serye ng pagpipilian ng mga adult na nasa 18 at pataas sa Santa Clara County. Hindi inaprubahan ng FDA ang bakuna na gamitin bilang isang booster. Ang bakuna sa Novavax COVID-19 ay maaaring magsilbing alternatibo para sa maliit na porsiyento ng mga taong hindi makatanggap ng bakunang mRNA dahil sa kasaysayan ng mga allergic na reaksiyon.
Ang bakuna sa Novavax COVID-19 ay hindi nagtataglay ng mga preservatives, latex, metals, antibiotics, tissues kagaya ng aborted fetal cells, gelatin, o anumang mga materyal mula sa alinmang hayop, o mga protina sa pagkain kagaya ng itlog o mga produkto ng itlog, gluten, peanuts, tree nuts, nut products, o anumang nut byproducts.
“Natanggap ng County ang ating inisyal na shipment ng bakuna ng Novavax COVID-19 at available para sa mga kwalipikado,” sabi ni Dr. Jennifer Tong, Associate Chief Medical Officer ng Santa Clara Valley Medical Center. “Ang pagdagdag ng bakuna sa Novavax COVID-19 para sa ating imbentaryo ay nakakadagdag ng iba pang pagpipilian para matulungan kaming maabot ang mga residente ng Santa Clara County na nananatiling hindi pa nababakunahan.”
Hinihikayat ang lahat na makipag-ugnayan sa inyong primary physician tungkol sa pagtanggap ng inisyal na mga serye ng pagbabakuna sa Novavax COVID-19. Sa mga walang primary healthcare provider o nagkakaroon ng problema sa paghahanap ng appointment, maaaring tingnan ang www.sccfreevax.org para sa appointment.
# # #
Sundan ang aming Twitter para sa mga update: @HealthySCC
Website ng County ng Santa Clara: https://covid19.sccgov.org/home-tagalog
Public Health Facebook: https://www.facebook.com/sccpublichealth