PARA SA AGARANG PAGPAPALABAS
Hulyo 22, 2021
Sa mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, na nagdudulot ito sa mga hindi pa nabakunahang indibidwal ng panganib para sa malubhang sakit at pagkamatay, ang mga opisyal sa pangkalusugan ng Contra Costa, Santa Clara, at San Franciscoc county ay mariing naghihikayat sa lahat ng employer na isaalang-alang ang pagpapatupad ng mga patakaran sa kaligtasan sa COVID-19 sa lugar ng trabaho na nangangailangan sa kanilang mga manggagawa na ganap na magpabakuna sa lalong madaling panahon.
Para sa sinumang empleyado na hindi pa ganap na nabakunahan, ang mga employer ay dapat mangailangan at magpatupad ng pagmamaskara sa ilalim ng kasalukuyang batas ng estado. Bilang karagdagan, ang mga employer ay hinihikayat na mangailangan ng madalas na pagpapasuri sa COVID-19 ng mga hindi pa nabakunahang empleyado.
"Ang mga manggagawa na hindi pa nabakunahan laban sa COVID-19 ay nagdudulot ng malaking panganib sa kalusugan at sa pinansyal sa lugar ng trabaho," sabi ni Dr. Chris Farnitano, opisyal ng pangkalusugan ng Contra Costa County. "Pinakamahalaga, ang mga pagkakalantad sa lugar ng trabaho ay humantong sa mga matinding karamdaman at pagkamatay."
Ang pagluluwag ng mga proteksyon sa pagkalat sa komunidad at sa lugar ng trabaho mula sa kalagitnaan ng Hunyo sa California at ang mabilis na pagkalat ng Delta variant ng COVID-19, na mas nakakahawa kaysa sa orihinal na mga strain ng virus, ay humantong sa mas mataas na bilang ng kaso at nagresulta sa mas mataas na panganib ng pagkalat sa mga negosyo at lugar ng trabaho.
Ang mga employer ay makakagawa ng kritikal na tungkulin sa pagtitiyak ng isang ligtas na lugar ng trabaho at pagpapataas ng bilang ng pagbabakuna sa mga nagtatrabahong indibidwal na mangailangan ng pagbabakuna bilang kondisyon ng pagkaroon ng trabaho, na may limitadong pagbubukod para sa mga medikal na pagbubukod o matinding paniniwala sa relihiyon.
Nagpapakita ang mga data sa lokal at nasyonal na ang mga ganap na nabakunahang tao ay mas malamang na hindi mahahawaan ng COVID-19 o mangailangan na ma-oospital kaysa sa mga taong hindi pa nabakunahan.
"Maaaring makinabang ang mga negosyo sa isang patakaran sa pangkalahatang pagbabakuna dahil ang mga kinakailangan sa pagkuwarantina ay iba para sa mga nabakunahan at hindi nabakunahan na mga manggagawa," sabi ni Dr. Susan Philip, opisyal ng pangkalusugan ng San Francisco. "Sa kasalukuyan, ang isang empleyado na hindi pa nabakunahan ay dapat na magkuwarantina ng hindi bababa sa 10 araw kung nalantad sa isang taong nasuring positibo, samantalang ang mga ganap na nabakunahang manggagawa ay hindi kailangang magkuwarantina maliban kung mayroon silang mga sintomas."
Ang mangailangan ng dokumentasyon ng pagpapabakuna sa COVID-19 kaysa sa sariling pagpapatunay ay inirerekomenda bilang pinakamahusay na paraan para sa mga employer upang matiyak na ang mga manggagawa ay sumusunod sa mga naaangkop na proteksyon sa lugar ng trabaho
Ang kasalukuyang batas sa trabaho ng estado at pederal ay sumusuporta sa mga employer na mangailangan ng dokumentasyon ng katayuan ng pagbabakuna, na mangailangan ng pagbabakuna bilang kondisyon sa pagkaroon ng trabaho, at mangailangan ng mga karagdagang pag-iingat sa kaligtasan kabilang ang pagmamaskara at madalas na pagpapasuri para sa mga empleyado na hindi pa nabakunahan. Ang mga mapagkukunan ay available sa California Department of Fair Employment and Housing.
"Walong buwan mula noong unang ibinigay ang bakuna sa COVID-19, ang mga bakuna sa COVID-19 ay napatunayan na lubos na epektibo, at napakaligtas, at ang pinakamahalagang kagamitan na mayroon tayo para mapigilan ang sakit, pagpapaospital, at pagkamatay sa COVID-19," sabi ni Dr. Sara Cody, Opisyal ng Pangkalusugan at Direktor ng Pampublikong Pangkalusugan para sa County ng Santa Clara. "Hinihikayat namin ang mga employer na gumawa ng matinding aksyon upang itaguyod ang pagiging ligtas sa COVID-19 sa mga lugar ng trabaho sa pamamagitan ng pagbabakuna at iba pang mga kinakailangan sa kaligtasan sa lugar ng trabaho. "
Para sa impormasyon sa paghahanap ng ligtas, libre at madaling makuha na bakuna sa COVID-19, bumisita sa www.sccfreevax.org.
###