Kasunod ng Pag-apruba ng CDC, ang County ng Santa Clara ay Magsisimula ng mga Pagbabakuna sa COVID-19 para sa mga Batang Hindi pa 5 Taong Gulang Magsisimula sa Martes, Hunyo 21

PARA SA AGARANG PAGPAPALABAS
Hunyo 17, 2022

Ang pag-iiskedyul para sa appointment lamang na mga pagbabakuna ay magsisimula sa susunod na linggo

SANTA CLARA COUNTY, Calif. – Ang County ng Santa Clara ay magsisimulang magbigay ng mga pagbabakuna sa COVID-19 para sa mga batang nasa edad na 6 na buwan hanggang 5 taong gulang simula sa Martes, Hunyo 21, ipagpalagay na ang Centers for Disease Control and Prevention ay magbibigay ng pinal na pag-apruba at ang mga suplay ng bakuna ay darating ayon sa naiskedyul.

Ang CDC Advisory Committee on Immunization Practices ay naka-iskedyul na magrepaso ng mga pagbabakuna sa COVID-19 para sa mga batang nasa edad na 6 na buwan hanggang 5 taong gulang sa mga pagpupulong nito ngayon at bukas, kasunod ng pag-apruba ng Food and Drug Administration nang mas maaga ng linggong ito. Ang County ay naka-iskedyul na tumanggap ng kanyang unang alokasyon ng special early childhood formulation vaccines sa Lunes, Hunyo 20, at ipapamahagi ito sa mga itinalagang lokasyon.

Ang mga pamilya ay makakagawa ng mga appointment para sa mga pagbabakuna sa COVID-19 para sa grupo ng edad na ito sa www.sccfreevax.org. Ang mga link ay ibinibigay para sa mga lokasyon ng pagbabakuna ng County, pati na rin ang mga healthcare providers at parmasya. Ang mga appointment sa pagbabakuna sa online ay hindi magbubukas hanggang nasigurado ang mga suplay, na hindi inaasahan hanggang sa hapon ng Hunyo 20 ang pinakamaaga.

“Alam namin kung gaano katagal ang paghihintay ng mga pamilya sa sandaling ito. Ito ang aming magiging huling hakbang sa pagbabakuna ng lahat ng tao sa ating komunidad, ng lahat ng edad,” sabi ni Dr. Sara Cody, Health Officer at Director of Public Health ng County ng Santa Clara. “Alam namin na maraming pamilya ang nakakaramdam ng matinding kaluwagan nang malaman na ang bakuna sa COVID-19 ay magiging available para panatilhing ligtas ang mga nakababatang bata hangga’t maaari.”

Mayroong humigit-kumulang na 100,000 na mga bata na mas bata kaysa sa 5 taong gulang na nakatira sa Santa Clara County. Bilang karagdagan sa mga bakuna na darating sa County sa pamamagitan ng Estado ng Californa at sa federal Health Resources and Services Administration, may mga multijurisdictional entities sa ating county, tulad ng Kaiser Permanente at ng Palo Alto Medical Foundation, na direktang tatanggap ng mga dosis mula sa mga mapagkukunan ng gobyerno.

“Kami ay nahihikayat sa mga bilang ng dosis na inaasahan na dadating sa mga maagang pamamahagi,” sabi ni Dr. Jennifer Tong, Associate Chief Medical Officer ng Santa Clara Valley Medical Center. “Ito ay magbibigay ng magandang simula sa pagbabakuna ng pinakabata sa grupo ng edad na ito. Ang aming tauhan ay nakahanda sa pagtanggap ng mga bakuna at, nakabinbin na pag-apruba ng CDC, sa pagbibigay ng mga ito.”

Dahil sa mga regulasyon na nauugnay sa mga kinakailangan sa edad para sa mga pagbabakuna na ibinibigay ng mga pharmacist, ang mga pagbabakuna para sa mga mas nakababatang mga bata ay maaaring hindi available para sa lahat ng lumalahok na parmasya.

Bilang karagdagan sa mga kasalukuyang lokasyon ng klinika na available sa www.sccfreevax.org, ang bagong lokasyon na pinapatakbo ng County ay magbubukas sa Mountain View sa susunod na linggo.

# # #

Sundan ang aming Twitter para sa mga update: @HealthySCC
Website ng County ng Santa Clara: http://www.sccgov.org/coronavirus
Public Health Facebook: https://www.facebook.com/sccpublichealth

 

Category

News Releases (Tagalog)

Topic

©2023 County of Santa Clara. All rights reserved.