Nag-anunsyo ang County ng mga Raffle para sa Pagbabakuna sa COVID-19

PARA SA AGARANG PAGPAPALABAS
Hunyo 16, 2021


Ang County ng Santa Clara, SAP Center, Golden State Warriors, at Lungsod ng San José ay nagpartner upang mag-alok ng mga libreng ticket sa mga area event at iba pang mga premyo

 

Santa Clara County, CA Ang County ng Santa Clara, SAP Center, Golden State Warriors, at Lungsod ng San José ay nagsama-sama para magpa-raffle ng mahigit sa 100 tickets sa papalapit na mga kaganapan at iba pang premyo sa sinuman na kukuha ng bakuna sa COVID-19 sa mga napiling lokasyon ng pagbabakuna na pinapatakbo ng County sa susunod na ilang linggo. Ang mga ticket sa Golden State Warriors, Harry Styles, the Weeknd, Bad Bunny, Justin Bieber at iba pang mga artista ay ipamimigay. Iba’t ibang mga premyo ang ira-raffle kada linggo. Kada Miyerkules, 8 hanggang 10 winners ang ia-anunsyo.

Sinuman ay makakapasok sa raffle sa pamamagitan ng pagpapabakuna sa mga sumusunod na mga lokasyon na pinapatakbo ng County: Overfelt High School, County Fairgrounds Expo Hall, Emmanuel Baptist Church, Valley Specialty Center, Levi’s Stadium (hanggang ika-24 ng Hunyo), Mountain View Community Center, o Gilroy High School. Mga Pop-up clinic ay hindi kasali sa raffle.

“Kami ay lubos na nasasabik na makipagpartner sa SAP Center, Warriors, at Lungsod ng San José sa mga raffle na ito,” sabi ni Santa Clara County Supervisor Cindy Chavez. “Sa puntong ito ng pandemya, ang pagkuha ng bakuna ay dapat masaya at madali para sa sinumang kwalipikado. Umaasa kami na ang raffle na ito ay maghikayat sa mga taong hindi pa nakakuha ng kanilang bakuna na magpabakuna na.”

Ang mga indibidwal na nakapabakuna na ay maging kwalipikado para sa raffle kung magdadala sila ng patunay ng pagbabakuna at sumama sa isang taong hindi pa nabakunahan sa isang klinika na pinapatakbo ng County para sa bakuna.

“Kahit na sa yugto na ito ng pandemya, kung saan marami ang umaasa ng mas magandang hinaharap, mahalaga na mananatili tayong mapagbantay tungkol sa mga pagbabakuna,” sabi ni San José Mayor Sam Liccardo. “Habang tayo ay nakagawa ng malaking progreso, dapat tayong magpatuloy sa paghikayat at magbakuna ng lahat ng ating mga pinakabatang mga residente. Ako ay nagpapasalamat sa ating mga community partner para sa paghihikayat ng lahat ng mga taga-San Jose na kumuha ng kanilang bakuna.”

“Ang mga taong hindi nabakunahan ay madali pa ring mahawaan ng malubhang sakit mula sa COVID-19,” sabi ni Dr. Marty Fenstersheib, COVID-19 Vaccine Officer para sa County ng Santa Clara. “Mahalaga na ang lahat sa county na kwalipikado ay mabakunahan. Umaasa kami ang oportunidad na ito ay maghihikayat sa mga tao na gawin ang tama at magpabakuna para sa kanilang kaligtasan at para sa kaligtasan ng ating buong komunidad.”

Ang raffle ay gaganapin kada Miyerkules sa 2 p.m. mula Hunyo 23 hanggang Hulyo 28 sa Instagram Live (@scc_publichealth) feed ng Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan ng County ng Santa Clara. Ang buong iskedyul para sa petsa ng pagbunot at mga ticket ay nasa ibaba. Ang iskedyul ay maaaring magbago.

Mga Petsa ng Pagbabakuna

Concert Tickets (at iba pang raffle prizes)

Petsa ng Pagbunot ng Raffle

Hunyo 16 – Hunyo 22

·         Bad Bunny (3/3/22)

·         Harry Styles (8/20/21)

·         Enrique Iglesias & Ricky Martin (11/14/21)

Ika-23 ng Hunyo

Hunyo 23 – Hunyo 29

·         Alejandro Fernandez (10/15/21)

·         Marc Anthony (12/17/21)

·         Golden State Warriors tickets (petsa ay maaaring palitan)

·         Steph Curry autographed ball

·         Klay Thompson autographed jersey

·         Trevor Noah: Back to Abnormal World Tour (12/10/21)

Ika-30 ng Hunyo

Hunyo 30 – Hulyo 6

·         Bad Bunny (3/3/22)

·         The Weeknd (3/9/22)

·         Justin Bieber (2/28/22)

Ika-7 ng Hulyo

Hulyo 7 – Hulyo 13

·         Harry Styles (8/20/21)

·         Marc Anthony (12/17/21)

·         Evanescence & Halestorm (11/9/21)

Ika-14 ng Hulyo

Hulyo 14 – Hulyo 20

·         Alejandro Fernandez (10/15/21)

·         Enrique Iglesias & Ricky Martin (11/14/21)

·         Justin Bieber (2/28/22)

Ika-21 ng Hulyo

Hulyo 21 – Hulyo 27

·         Bad Bunny (3/3/22)

·         The Weeknd (3/9/22)

·         Evanescence & Halestorm (11/9/21)

Ika-28 ng Hulyo

Ang lahat ng ticket ay para sa SAP Center sa San Jose maliban sa mga ticket ng Golden State Warriors at kay Trevor Noah, na mga event na gaganapin sa Chase Center sa San Francisco.

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga bakuna sa COVID-19 sa Santa Clara County, mangyaring bumisita sa sccfreevax.org.

 


# # #

Sundan ang aming Twitter para sa mga update: @HealthySCC
Website ng County ng Santa Clara: http://www.sccgov.org/coronavirus
Facebook ng Public Health: https://www.facebook.com/sccpublichealth

Category

News Releases (Tagalog)

Topic

©2021 County of Santa Clara. All rights reserved.