Sa Pagtaas ng mga Kaso ng COVID-19, Ipinapaalala ng mga Opisyal ng Pangkalusugan ng County ng Santa Clara sa Publiko: Hindi pa Tapos ang Pandemya

 

PARA SA AGARANG PAGPAPALABAS
Mayo 10, 2022

Ang pinakabago at mas nakakahawa na mga subvariant ng Omicron ay naglalagay sa komunidad pabalik sa mga antas ng pagkakahawa na nakita natin noong Pebrero
 

SANTA CLARA COUNTY, Calif. Inaasahang makabuluhang tataas ang mga kaso ng COVID-19 sa lokal at nasyonal sa mga paparating na linggo. Hinihimok ng mga opisyal sa pangkalusugan ng County ng Santa Clara ang mga residente at mga bisita na maging maingat dahil ang virus ay kumakalat sa mataas na antas, at nagpapatuloy ang panganib sa kalusugan mula sa pandemya.

Ang matatag na antas ng pagbabakuna sa Santa Clara County ay nakatulong sa pagpapanatiling mababa ang hospitalisasyon sa COVID-19, ngunit ang 7-araw na magkakasunod na average ng naiulat na mga kaso ng COVID-19 sa County ay tumaas mula 193 noong Abril 3 hanggang 589 noong Mayo 3. Ang mga antas ng SARS-CoV-2 sa wastewater mula sa buong county ay parehong tumataas.

Hinulaan ng Centers for Disease Control and Prevention na ang bilang ng mga pagkamatay sa COVID-19 sa buong bansa ay tataas sa mga papalapit na linggo, na may 1,600 hanggang 4,600 na mga bagong namatay na maaaring maiulat sa pagtatapos ng linggo ng Mayo 28, 2022. Iyon ay 5 hanggang 14 na beses ng pitong-araw na average na 325 na naitala noong Mayo 3 at nagpapahiwatig na ang U.S. ay aabot sa nakakalungkot na yugto na 1 milyong kabuuang pagkamatay sa mga darating na linggo.

Habang ang pinakahuling pagtaas ng mga kaso sa buong bansa ay kasalukuyang mas nakikita sa silangan ng Estados Unidos, ipinapahiwatig ng lokal na metrics na ang makabuluhang pagtaas ng mga kaso ay nag-umpisa na rin dito, bungsod ng pinakabago at mas nakakahawang mga subvariant ng Omicron.

“Nakalabas tayo sa mahirap na bugso ng Omicron sa taglamig at nagkaroon ng maikling katahimikan bago natin nakita ang mga bilang na unti-unting tumataas,” sabi ni Dr. Sara Cody, Health Officer at Director of Public Health ng County ng Santa Clara.” Ang antas ng pagkakahawa sa komunidad ay kasalukuyang tumataas, pinapaalala sa atin na sa kasamaang palad na hindi pa tapos ang pandemya. At inaasahan natin na makakakita ng mga panibagong variant na susulpot at kakalat.”

Idiniin ni Dr. Cody na ang pagbabakuna at mga booster ay patuloy na nag-aalok ng pambihirang antas ng proteksiyon laban sa hospitalisasyon at pagkamatay.

Ang mga pangalawang booster ay available para sa sinumang nasa edad 50 at pataas, at pati na rin sa sinumang nasa edad 18 at pataas na may mga compromised immune system. Ang mga taong 60 taong gulang at pataas o may mga compromised immune system ay mariing hinihikayat na kumuha ng kanilang pangalawang booster shot.

Bilang karagdagan sa pagbabakuna, ang mga maskara ay napaka-epektibo sa pagpipigil ng pagkalat at nananatiling mariing inirerekomenda ng parehong County at ng Estado sa mga pampublikong panloob na espasyo. Ang Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan ay mariing nagrerekomenda ng mga karagdagang layer ng proteksiyon kabilang ang pagpapasuri pagkatapos ng potensiyal na pagkakalantad o sa pagsisimula ng mga sintomas, at hindi nagtitipon sa mga malaking grupo maliban kung mahusay ang bentilasyon ng espasyo o sa labas.

Pinuri ni Dr. Cody ang komunidad para sa mga indibidwal na sakripisyo at pagsisikap na ginampanan ng mga residente sa buong county natin, na nagbigay-daan upang ang ating rehiyon ang nanguna sa pagpigil ng hospitalisasyon at mga pagkamatay mula sa COVID-19. Hinimok niya na magpatuloy sa pangako sa pagsisikap na ito.

“Ang mga tao ng Santa Clara County ay gumawa ng kamangha-manghang trabaho sa pagpapanatiling maging ligtas ang bawat isa sa pandemyang ito,” sabi ni Dr. Cody. “Alam natin na kailangan nating seryosohin ang COVID sa mahabang panahon na darating. Bilang isang komunidad at bilang mga indibidwal, hindi tayo magiging perpekto sa lahat ng oras, ngunit ang bawat layer ng proteksiyon na ating ginagawa ay makakatulong sa kabuuang pagsisikap. Kailangan natin na manatiling matatag at nakatutok sa kalusugan ng ating komunidad.”

#   #   #
 

Sundan ang aming Twitter para sa mga update: @HealthySCC
Website ng County ng Santa Clara: http://www.sccgov.org/coronavirus
Public Health Facebook: https://www.facebook.com/sccpublichealth

Category

News Releases (Tagalog)

Topic

©2023 County of Santa Clara. All rights reserved.