PARA SA AGARANG PAGPAPALABAS
Mayo 10, 2021
SANTA CLARA COUNTY – Nilinaw ngayon ng mga high school student mula sa iba’t ibang hanay ng mga paaralan sa buong Santa Clara County kung bakit ang paparating na Mga Gabi sa Pagbabakuna ng Estudyante sa Levi’s Stadium ay mahalaga. Sumabay sa kanila ang Presidente ng San Francisco 49ers, tatlong miyembro ng County of Supervisors, at mga lider mula sa mga operasyon ng pagbabakuna ng County sa agarang pagpapahayag para mabakunahan ang mas maraming teenager.
Ang County ng Santa Clara ay nakisama sa San Francisco 49ers/Levi’s Stadium para sa tatlong Mga Gabi sa Pagbabakuna ng Estudyante sa Levi’s Stadium sa Martes, Mayo 11, Miyerkules, Mayo 12, at Huwebes, Mayo 13 mula 5:30 hanggang 7:30 p.m. sa lokasyon ng Pagbabakuna sa Levi’s Stadium na pinapatakbo ng County Health System. Ang Mga Gabi sa Pagbabakuna ng Estudyante na ito ay magbibigay ng drop-in vaccine availability para sa mga estudyante na may edad 16 hanggang 19 at sa kanilang mga pamilya.
Si Supervisor Cindy Chavez, na mas maagang nag-mobilize ng isang Santa Clara County Youth Ambassador Program para mapalaganap ang tungkol sa mga pagbabakuna, ay nagsabi na mahalaga para sa mga lokal na estudyante mula sa iba’t ibang background na magpalaganap ng tungkol sa Mga Gabi sa Pagbabakuna ng Estudyante sa Levi’s Stadium.
“Ang mga kabataan ay nakikinig sa ibang nagsasalitang kabataan tungkol sa kung bakit mahalaga ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 at iyon ang dahilan kung bakit ginagampanan ng mga teenager ang isang pangunahing papel sa news conference sa pag-anunsyo ng Mga Gabi sa Pagbabakuna ng Estudyante. Lumilikha din sila ng isang mahusay na social media blitz na may hashtag #49ersVaxStagePass,” sabi ni Supervisor Cindy Chavez.
Bilang isang espesyal na oportunidad para sa mga teenager at kanilang mga pamilya na nakikilahok sa kaganapang ito, ang San Francisco 49ers ay papayag sa lahat ng mga kabataan na bumisita sa isang NFL locker room, magbibigay ng mga libreng code para makapaglaro sa 49ers Virtual Escape Room Game, at maipamahagi ang limitadong bilang ng 49ers swag bawat gabi. Bilang karagdagan, magbibigay ng mga $10 gift card mula sa Starbucks o Chipotle sa mga unang isang daang mga teenager na mababakunahan bawat gabi, naging posible sa pamamagitan ng suporta ng Valley Medical Center Foundation. Ang mga kaganapan ay magtatampok din ng isang DJ na magpapatugtog ng musika habang pumipila ang mga kabataan para mabakunahan, kasama ang 49ers mascot Sourdough Sam na gagawa ng socially distanced dance party.
“Mayroong mahigit sa 250,000 na mga pagbabakuna ang nakumpleto na sa Levi’s Stadium hanggang sa ngayon, ang teen vaccination drive sa linggong ito ay kumakatawan sa isang mahalagang yugto para sa Santa Clara County at ang ating pinagsamang pagsisikap sa pagprotekta ng ating komunidad,” sabi ni Al Guido, Presidente ng 49ers. “Ang mga nasa high school na estudyante sa buong Santa Clara County ay may pangunahing papel na ginagampanan sa paghihikayat ng mga pagbabakuna para sa kanilang kapwa teenager kaya kami ay nagagalak na magbibigay ng 49ers swag, isang DJ, at iba pang mga sorpresa upang makatulong na gawing masaya ang karanasang ito para sa maraming mga estudyante hangga’t maaari.”
Ang bilang ng mga pagbabakuna sa mga teenager ay mababa sa Santa Clara County at sa buong California kung ikukumpara sa mga nakakatanda. Habang 73 porsyento ng mga kwalipikadong populasyon na lampas sa edad 16 sa Santa Clara County ay nakatanggap ng hindi bababa sa isang dosis ng bakuna simula Mayo 9, para sa mga residente na nasa edad 16 at 17, ang bilang ay mas malapit sa 40 na porsyento. Ang pagpapataas ng mga bilang na ito hangga’t maaari bago mangyari ang mga pista at graduation ng katapusan ng taon ng pag-aaral ay papayag ng mga mas ligtas na pagdiriwang.
“Tayo ay nakagawa ng mas malaking asenso sa pagbabakuna ng mahigit sa 70 porsyento ng kwalipikadong komunidad,” sabi ni Dr. Marty Fenstersheib, COVID-19 Testing and Vaccine Officer para sa County ng Santa Clara. “Ngayon, sa malaking bilang na ito ng populasyon ng mas nakakatandang adult na nabakunahan na, pagkakataon na para sa mga teenager at mga nakababatang adult na kumilos at magpabakuna. Ginagawa naming available ang mga bakuna sa mga gabi, at weekends, at sa mga espesyal na kaganapan tulad nito ipang makatulong na gawing maginhawa at kasiya-siya hangga’t maaari.”
Si Santa Clara County Supervisor Otto Lee ay nagsalita sa panahon ng news confence bilang isang nag-aalalang ama.
“Ang ating mga kabataan ay hindi ligtas na magkasakit mula sa virus na ito. Bilang isang ama, mahirap na makita natin na ang ating mga kabataan ay nakabukod mula sa isa’t isa,” sabi ni Supervisor Otto Lee. “Ang pagpapabakuna sa ating mga kabataan ay mahalaga para sa kanilang pisikal at emosyonal na kagalingan. Habang papalapit ang tag-init, ako ay nagagalak na marami sa mga community partner ay sumama sa atin sa pagsisikap na ito para mabakunahan ang mas maraming mga teenager.”
Si Santa Clara County Supervisor Susan Ellenberg ay nagsabi na ang mga teenager na nakilahok sa news conference ay magiging mga role model para sa ating mga mas nakababatang bata na magiging kwalipikado para mabakunahan sa lalong madaling panahon.
“Ako ay nagagalak na makita na ang ating mga teenager at mga nakababatang adult ay nangunguna sa pagpapalaganap ng kahalagahan ng pagbabakuna,” sabi ni Santa Clara County Supervisor Susan Ellenberg. “Habang inaasahan natin ang pagpapalawak ng kwalipikasyon para sa 12 hanggang 15 taong gulang sa malapit na hinaharap, ginagampanan ng ating mga kabataan at nakababatang adult ang isang mahalagang papel sa pagtitiyak na ang ating buong komunidad ay protektado at makakabalik sa mga aktibidad na nagpapanatili sa atin na konektado.”
###
Sundin ang aming Twitter para sa mga update: @HealthySCC
Facebook ng Pampublikong Pangkalusugan: www.facebook.com/sccpublichealth
Website ng Pampublikong Pangkalusugan: www.sccgov.org/coronavirus