Pahayag ng County ng Santa Clara Hinggil sa Naupdate na Data ng Pagbabakuna

PARA SA AGARANG PAGPAPALABAS
Abril 26, 2021

Ang Data ay Nagpapakita ng Mas Mataas na Bilang ng Pagbabakuna para sa Populasyon ng Hispanic/Latino

Kamakailan natukoy ng County ng Santa Clara na ang data sa lahi/etnisidad ng karamihan sa mga Latino na nakatanggap ng bakuna sa COVID-19 mula sa Kaiser Permanente ay awtomatikong pinalitan ng “other” (“iba”) o “non-Hispanic” (hindi Hispanic) kapag nililipat sa California Immunization Registry (CAIR). Sa pakikipagtulungan sa Kaiser, iniwasto ng County ang impormasyon sa lahi/etnisidad para sa mga pasyente ng Kaiser na ito sa mga dashboard ng bakuna ng County, na nagresulta ng mahigit sa 22,000 na mga karagdagang Hispanic/Latino na mga miyembro ng komunidad ang nakatanggap ng hindi bababa sa isang dosis sa Dashboard ng Pagbabakuna ng County simula ngayon.

Upang matiyak na ang lahat ng mga miyembro ng komunidad ng Hispanic/Latino na nabakunahan na ay natukoy, kinumpara ng County ang data mula sa California Immunization Registry (CAIR) sa mga data na direktang natanggap mula sa Kaiser. Ang system ng Kaiser para sa pagkokolekta ng data sa lahi/etnisidad ay nagbibigay kakayahan sa mga pasyente na mag-ulat ng mas maraming impormasyon sa lahi/etnisidad, kabilang ang bansa ng kanilang pinagmulan. Sa pagkakaiba, inuuri lamang ng CAIR database ng Estado ang Hispanic/Latino bilang etnisidad at hindi lahi at hindi tumatanggap ng bansa ng pinagmulan sa patlang ng etnisidad.

Ang matinding pagpapatunay ng data at pagsusuri ng data gaya ng tumukoy sa isyung ito ay ang mga pangunahing kagamitan para maunawaan at matugunan ang magkakaibang epekto ng pandemyang COVID-19 sa komunidad. Ang mas mabuting pag-unawa sa mga bilang ng pagbabakuna sa komunidad ng Hispanic/latino ay mahalaga upang ipaalam sa mga estratehiya na nagtitiyak ng pantay-pantay na pagbabakuna at iba pang mga pagtugon sa pandemya.

# # #​​​​​​

Sundan ang aming Twitter para sa updates: @HealthySCC
Facebook ng Pampublikong Pangkalusugan: www.facebook.com/sccpublichealth
Website ng Pampublikong Pangkalusugan: www.sccgov.org/coronavirus

Category

News Releases (Tagalog)

Topic

©2023 County of Santa Clara. All rights reserved.