Ang County ng Santa Clara ay Lilipat na sa Pulang Antas ng Plano para sa Mas Ligtas na Ekonomiya ng Estado

PARA SA AGARANG PAGHAHAYAG
Marso 2, 2021

Nakihanay ang County sa Balangkas ng Estado, Tinanggal ang Karamihan sa mga Lokal na Direktiba

Santa Clara County, Calif. – Alinsunod sa pahayag ng Estado ng California na ang County ng Santa Clara ay nakatugon sa mga kinakailangan upang lumipat sa Pulang Antas ng Plano para sa Mas Ligtas na Ekonomiya, inihayag ngayon ng Opisyal ng Pangkalusugan ng County ng Santa Clara na ang County ay ihahanay sa balangkas ng Estado at pinapayagan na magpatuloy ang mga aktibidad na bukas sa mga county na nasa Pulang Antas, epektibo sa Miyerkules, Marso 3. Bilang resulta, karamihan sa mga lokal na direktiba na partikular sa industriya/aktibidad ay tatanggalin, kasama na rito ang Mahigpit na Ipinapatupad na Direktiba sa Pagbiyahe ng Opisyal ng Pangkalusugan. Gayunpaman, ang pagkwarantina pagkatapos ng pagbiyahe ay mariing inirerekomenda, alinsunod sa Travel Advisory ng Estado.

Ang Oktubre 5 na Kautusan sa Pagbabawas ng Panganib ng County, na nangangailangan sa lahat na sumunod sa lahat ng kautusan at gabay ng Estado, ang pagpapanatili ng distansiya, at pagsuot ng panakip sa mukha hangga’t maaari, ay mananatiling epektibo pa rin. Ang Kautusan ay nangangailangan din sa lahat ng mga negosyo at ibang entidad na imaximize ang teleworking, magpost ng Protokol sa Pagdistansiya sa Iba na binabalangkas ang partikular na mga plano sa kaligtasan sa COVID-19, at kaagad ireport ang anumang kaso sa Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan.

“Kami po ay natutuwa na makitang bumababa ang mga bilang ng mga kaso, ang mga bilang ng pagbabakuna ay tumataas, at patuloy ang pagsunod ng ating mga residente sa pagsuot ng maskara, pagdistansiya sa iba, at pananatili sa labas hangga’t maaari kapag nakikipaghalubilo sa mga tao na nasa labas ng kanilang sambahayan,” sabi ni Dr. Sara Cody, Opisyal ng Pangkalusugan ng County at Direktor ng Pampublikong Pangkalusugan. “Mga mahahalagang sandali ito: kung ang ating mga komunidad ay magpapatuloy na maging maingat at sumunod sa mga pampublikong gabay sa pangkalusugan, ang mga bagay ay magpapatuloy na maging mabuti. Kung ang mga tao ay hindi maging maingat at mag-uumpisang gumawa ng mga mapanganib na aktibidad, magkakaroon ulit tayo ng pagdami ng kaso. Dahil lamang na mas maraming aktibidad ngayon ang papayagan na magpatuloy, hindi ibig sabihin na ito ay ligtas.”

Bagaman mas maraming aktibidad ang pinapayagan sa ilalim ng Pulang Antas, ang Opisyal ng Pangkalusugan ng County ay naghihikayat sa lahat na alalahanin na ang mga panloob na aktibidad ay mas mapanganib kaysa sa mga panlabas na aktibidad at gumawa ng bawat hakbang upang mabawasan ang inyong panganib hangga’t maaaari. Upang panatilihin na ligtas ang inyong sarili, inyong pamilya, inyong mga kaibigan at kapitbahay, at ang ating komunidad, sundin ang mga mahalagang hakbang na ito:

  1. Manatili sa labas. Ang mga panabas na aktibidad ay mas ligtas kaysa sa loob.
  2. Palaging magmaskara. Ang patuloy na pagsuot ng mga panakip sa mukha sa loob at labas, lalo na ang dobleng pagmamaskara, ay napaka-epektibo sa pagpigil sa pagkalat ng coronavirus.
  3. Panatilihin ang hindi bababa sa 6 na talampakan na layo sa iba. Ang pagdistansya sa iba na hindi nakatira sa inyo ay epektibo sa pag-iwas sa coronavirus.
  4. Iwasan ang maraming tao. Ang mas kakaunting tao na inyong nakakasalubong at mas kaunting interaksyon na mayroon ka, mas mababa ang pagkakataon na ang virus ay kakalat. 
  5. Magpabakuna kapag pagkakataon mo na. Lahat ng mga pederal na inaprubahang bakuna ay gagana ng maayos at makakatulong sa inyo, inyong pamilya, at inyong mga kaibigan na maging ligtas.

Ang mga sumusunod na pagbabago ay magkakabisa sa Miyerkules, Marso 3:

  • Lahat ng mga aktibidad na pinapayagan sa ilalim ng Pulang Antas ng Estado, kabilang ang mga panloob na kainan, ay makapagpatuloy alinsunod sa mga limitasyon sa kapasidad ng Estado at mga protokol sa kaligtasan, kabilang ang:
    • Panloob na kainan na may hanggang sa 25% na kapasidad o 100 katao, alinman ang mas kaunti
    • Retail stores na may hanggang sa 50% na kapasidad;
    • Mga gym at fitness center na may hanggang sa 10% na kapasidad;
    • Mga sinehan na may hanggang sa 25% na kapasidad o 100 katao, alinman ang mas kaunti; at
    • Mga zoo, museyo, at aquarium na may hanggang sa 25% na panloob na kapasidad;
  • Mga lokal na direktiba sa sektor at partikular sa aktibidad ay hindi na magkakabisa.
  • Ang Mahigpit na Ipinapatupad na Direktiba sa Pagbiyahe ay hindi na magkakabisa.

Para sa karagdagang impormasyon sa kung ano ang pinapayagan ng Estado sa Pulang Antas, bumisita sa covid19.ca.gov

# # #

Sundan ang aming Twitter para sa mga update:  @HealthySCC 
Website ng County ng Santa Clara: http://www.sccgov.org/coronavirus 
Facebook ng Pampublikong Pangkalusugan: https://www.facebook.com/sccpublichealth

Category

News Releases (Tagalog)

Topic

©2024 County of Santa Clara. All rights reserved.