Pahayag ng County ng Santa Clara Hinggil sa Desisyon ng Ninth Circuit sa mga Panloob na Pagtitipon

PARA SA AGARANG PAGLABAS
Pebrero 13, 2021 

Kagabi, ang U.S. Court of Appeals para sa Ninth Circuit ay nagpasya na ang County ng Santa Clara ay maaaring magpatuloy sa pagbabawal ng lahat ng mga panloob na pagtitipon at tumanggi ng kahilingan mula sa ilang mga simbahan na payagan ang mga panloob na serbisyo sa pagsamba sa Santa Clara County.

"Ang desisyon ng Ninth Circuit ay nagpapatunay na walang kinakampihan at para sa lahat ang mga panuntunan ng mga kautusan na pangkalusugan ng County na nakatuon sa pagpigil ng pagkalat ng COVID-19," sabi ni James R. Williams, Tagapayo ng County. "Marami sa ating komunidad ang nasasabik na magtipon sa loob, kasama na ang panloob na pagsamba, ngunit napakahalaga na patuloy nating panatilihing ligtas ang ating komunidad at gawin ang lahat na maaari nating gawin para makontrol ang pandemya. Kami ay nagpapasalamat sa patuloy na pamumuno ng ating komunidad ng pananampalataya sa pagtugon sa COVID-19. Ang karamihan sa ating komunidad ng pananampalataya ay nagtitipon sa labas o sa online upang sila ay ligtas na makapagsamba at maprotektahan ang mas malawak na komunidad mula sa malubhang karamdaman at kamatayan. At ang ating komunidad ng pananampalataya ay patuloy na nakikisama sa County upang suportahan ang pagbabakuna, pagpapasuri, at iba pang kritikal na pagsisikap upang makaabot tayong lahat sa kabilang dako ng pandemyang ito."

Ang desisyon ng Ninth Circuit ay partikular na pumuna na ang plano ng County "ay hindi ‘tumutukoy sa mga bahay ng pagsamba’ para mas itrato ng masama kaysa sa mga sekular na aktibidad. Hindi rin nakakaapekto ang Direktiba kung ang [mga simbahan] ay maaaring magpatuloy na manatiling bukas para sa mga layunin na hindi nagsasangkot ng 'mga pagtitipon'.”

Ang COVID-19 ay patuloy na nagdudulot ng seryosong panganib sa ating komunidad, lalo na dahil sa mga U.K. at South African variants na ngayon ay nasa ating rehiyon. Patuloy na napagpasyahan ng mga opisyal ng pampublikong pangkalusugan na ang mga panloob na pagtitipon ay kabilang sa mga pinakamapanganib na aktibidad at nagkakaroon ng mga potensyal na mabilisang pagkalat na kaganapan. Sa ngayon, patuloy na ipinagbabawal ng mga kasalukuyang direktiba ng pampublikong pangkalusugan ng County ang anumang uri ng mga panloob na pagtitipon.

# # #

Subaybayan ang aming Twitter para sa mga update: @HealthySCC
Website ng County ng Santa Clara: www.sccgov.org/coronavirus
Facebook ng Pampublikong Kalusugan: https://www.facebook.com/sccpublichealth​​​

Category

News Releases (Tagalog)

Topic

©2024 County of Santa Clara. All rights reserved.