Ang Santa Clara Health System ng County ay Nagpapalawak ng Pagbabakuna para sa COVID-19 sa mga Indibidwal Edad 65 at Mas Matanda

PARA SA AGARANG PAGPAPALABAS
Enero 26, 2021

Ang mga Appointments ay Magagamit sa Maraming Lokasyon sa Buong County mula Gilroy hanggang Mountain View; Ang mga Bagong Plano ay may Layunin na Mapataas ang Access sa mga Residente na nasa mga Pinakamapanganib na Komunidad sa County

Santa Clara County, CA – Ang mga opisyal ay nag-anunsyo sa ngayon na ang Santa Clara Health System ng County ay nagpapalawak ng pagbabakuna para sa COVID-19 sa mga indibidwal edad 65 at mas matanda, alinsunod sa kasalukuyang patnubay ng Estado ng California sa paglalaan ng bakuna. Ang mga residente edad 65 at mas matanda ng County ay makapagsimula sa pag-iskedyul na ng mga appointments ngayon sa pagbubukas sa Miyerkules, Enero 27 at sa mga susunod na araw. Ang Health System ng County ay ang pinakamalaking provider ng mga bakuna para sa COVID-19 sa Santa Clara County. Ang sistema ay nakabakuna na nang halos 60,000 na mga paunang dosis at may lingguhang kapasidad na higit sa 30,000 na mga appointments sa bakuna. Ang County ay nakagawa ng makubuluhang hakbang sa pagbibigay ng mga bakuna sa mga manggagawa sa healthcare at sa mga residente ng county edad 75 at mas matanda.

“Sa pagiging available ng bakuna sa mas marami sa ating mga residente, ang County ay nagpapatuloy sa kaniyang pangako sa pagkakapantay-pantay at pagtitiyak nang access sa ating mga komunidad na nasa pinakamapanganib na mahawaan ng COVID-19,” sabi ni Dr. Jennifer Tong, Associate Chief Medical Officer ng County ng Santa Clara Health System. Bilang karagdagan sa maramihang lokasyon ng pagbabakuna sa Santa Clara County Fairgrounds, Berger Drive sa San Jose, at sa Mountain View Community Center, ang County ay may kapasidad na magbakuna ng daan-daang residente kada araw sa ilang Valley Health Center na lokasyon, kabilang ang hanggang sa 600 katao kada araw sa Gilroy.

Ang County ay nagpartner din kasama ang mga community clinics upang matiyak na ang mga residente ay maka-access ng mga bakuna sa mga lokasyon na batay sa komunidad, at naglunsad ng pilot mobile vaccination clinic para matiyak ang pag-access sa bakuna ng mga kwani at residente sa mga pasilidad ng long-term care, kung saan ang mga residente ay ang mga nasa pinakamapanganib na magkaroon ng malubhang sakit at kamatayan mula sa COVID-19. “Ang mga mas matandang residente at mga nakatira sa mga pasilidad ng skilled nursing ay ang populasyon na nagpapatuloy na nasa pinakamapanganib na magkaroon ng malubhang sakit at kamatayan mula sa COVID-19,” sabi ni Monika Roy, Assistant Public Health Officer ng County ng Santa Clara. “Kami ay nakikipag-ugnayan sa mga lokal na fire departments at emergency medical services providers at nagpapadala ng mga nagbabakuna sa iba’t ibang lugar para matiyak na ang mga nasa pinakamapanganib ay mababakunahan sa lalong madaling panahon.”

Ang mga appointments sa pagbabakuna ay maaaring maiskedyul sa sccfreevax.org. Bilang karagdagan, para matulungan ang mga residente na walang access sa internet o computer sa pag-iskedyul ng mga appointment, ang County ay naghost ng appointment sign-up fairs sa mga lokasyon sa komunidad sa East San José, Gilroy, at Cupertino, at nagpaplano ng ilan pa sa paparating na mga linggo.

Ang kakayahan na mabilis na mapalawak ang access sa pagbabakuna sa Santa Clara Counry ay nakadepende sa suplay ng bakuna. Ang County ay nakatanggap lamang ng 20, 125 na karagdagang paunang dosis ng bakuna ngayong linggo para sa paglalaan sa County Health System at ibang pang providers ng bakuna, higit na mas kaunting dosis kaysa sa kapasidad na maibigay ng mga health systems ng County para tayo ay makapagpataas ng bilang ng mga residente na nababakunahan kada araw.

Ang COVID-19 Vaccine Dashboard ng County ay araw-araw nag-a-update ng impormasyon tungkol sa paglalaan at pangangasiwa ng bakuna ng mga healthcare providers sa buong county. Ang pinakabagong updates sa kwalipikasyon sa bakuna at kung paano mag-iskedyul ng appointment ay makikita sa website ng County sa sccfreevax.org.

# # #

Sundan ang aming Twitter para sa mga update:  @HealthySCC
Facebook ng Pampublikong Pangkalusugan:  www.facebook.com/sccpublichealth
Website ng County ng Santa Clara:  www.sccgov.org/coronavirus ​​​

Category

News Releases (Tagalog)

Topic

©2024 County of Santa Clara. All rights reserved.