Programang Pangsuporta sa Pagbubukod at Pagkuwarantina
Simula sa Marso 31, 2022, ang Programang Pangsuporta sa Pagbubukod at Pagkuwarantina sa COVID-19 ay hindi na tumatanggap ng mga aplikasyon para sa grocery, pagdeliver ng mga gamit sa bahay at gamit ng bata o pinansyal na tulong. Kung mayroon kayong katanungan hinggil sa dating isinumiteng aplikasyon, mangyaring mag-email sa [email protected].
Sino ang Tatawagan at Ano ang Aasahan
Kung kayo ay nasuring positibo sa COVID-19 at maaaring mangailangan ng hotel assistance, mangyaring tumawag sa:
Lunes – Biyernes
8:30 AM – 5:30 PM
1 (408) 278-6420
5:30 PM – 8:00 PM
1 (669) 369-1309
Sabado – Linggo
8:30 AM – 8:00 PM
1 (669) 369-1309
Lunes-Linggo pagkatapos ng 8:00 PM, mangyaring mag-iwan ng mensahe, at tatawagan namin kayo sa susunod na umaga.
Mag-iwan ng isang mensahe sa pinaka-kumportableng wika na sinasalita ninyo.
Suportahan ang Pananatiling Ligtas Habang Nagbubukod at Nagkukuwarantina
Kung nasuri kayong positibo sa COVID-19 o nalantad sa COVID-19, makakatulong kami sa inyo at sa inyong pamilya na manatiling ligtas at mabawasan at matanggal ang pagkalat ng COVID-19. Ang Programang Pangsuporta sa Pagbubukod at Pagkuwarantina ng County ng Santa Clara ay nagbibigay ng:
- Isang silid sa motel na may malinis na mga kumot at serbisyo sa paglalaba
Ang motel na may mga pangsuportang serbisyo para sa mga kaso at nakipagsalamuha na hindi ligtas na makapagbukod o makapagkuwarantina sa bahay o ang mga walang bahay. Sa hotel na ito, nag-aalok ang County ng mga limitadong serbisyo sa pamamahala ng kaso, tatlong pagkain bawat araw at mga serbisyong paglalaba.
Mga Mapagkukunan
- Iba pang mga mapagkukunan ng komunidad
- Ang Emergency Financial Assistance Network (EAN) ng Santa Clara County
Tingnan ang kalakip na PDF para sa listahan ng mga numero ng telepono.
Nagbibigay ang network ng iba't ibang mga serbisyo upang mapigilan ang kawalan ng tirahan, mga pagdiskonekta sa utility, at pagkagutom. Ang tulong ay batay sa Zip Code ng tirahan. (PDF): | English | Chinese | Spanish | Vietnamese | Tagalog | - Homelessness Prevention System (HPS)
Ang Homelessness Prevention System (HPS) program ay nagbibigay ng pansamantalang pinansyal na tulong (hal., renta, deposito, o bayad sa utilities sa mga pamilya o indibidwal na may mababang-kita na nahihirapang magpanatili ng kanilang tirahan. Ang HPS ay available sa mga sambahayan na may mababang-kita (80% ng Area Median Income) sa Santa Clara County na nasa napipintong panganib na mawalan ng kanilang tirahan. Isang pre-screening na panayam at questionnaire ang ginagamit para matukoy ang kwalipikasyon. - General Assistance or General Relief (GA/GR) Program
1 (408) 792-1600
Idinisenyo para magbigay ng tulong at suporta sa mga mahihirap na adult na hindi nasusuportahan ng kanilang sariling pagsisikap, iba pang pampublikong pondo, o tulong - Meals on Wheels
1 (408) 961-9870 o toll-free sa 1 (800) 505-3367
Para mag-apply sa Meals on Wheels, kayo ay dapat residente ng Santa Clara County na hindi makaalis sa bahay at nahihirapang makakuha ng sarili ninyong pagkain dahil sa medikal na kondisyon o pagbubukod. -
Second Harvest Food Bank
1 (800) 984-3663Ang aming tauhan ay nagsasalita ng Ingles, Espanyol, Vietnamese, Cantonese, Mandarin at Tagalog. Ang three-way na interpretasyon ay available para sa iba pang mga wika. Pagkatapos ng normal na oras ng opisina – Tumawag sa 211. Ito ay libre, kumpidensyal at available 24/7 sa maraming wika. Pinapatakbo ng United Way Bay Area.
-
CalFresh
1 (877) 847-3663Ang Supplemental Nutrition Assistance Program (SNAP) ay ang CalFresh program na nagbibigay sa kwalipikadong aplikante ng isang Electronic Benefit Transfer (EBT) card.
-
CalWORKs
1 (408) 758-3800Ang CalWORKs ay tumutulong gamit ang pera sa pagbayad ng renta, pabahay, pagkain, damit, mga medikal na kabayaran, at utilities para sa mga pamilya na may hindi bababa sa isang bata sa bahay.
-
Immigration Legal Services
1 (408) 944-0691Ang Immigration and Legal Services (ILS) ng Catholic Charities ng Santa Clara County ay itinatag noong 1976 para tugunan ang lumalaking bilang ng mga imigrante na lumilipat sa Bay Area. Ang mga tauhan ng Programa ay nakatuon sa pagtulong sa mga indibidwal na unawain ang batas sa imigrasyon at para malaman ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng batas. Ang programa ay nagbibigay ng malawakang hanay ng pagpayo sa imigrasyon at representasyon sa mga imigrante at kanilang mga pamilya.
-
Landlord/Tenant Legal Aid at Law Foundation of Silicon Valley
1 (408) 280-2424Ang aming Housing Program ay nagbibigay ng libreng ligal na payo at representasyon sa mga bagay na nauugnay sa pabahay sa mga pamilya at indibidwal na may mababang-kita sa Santa Clara County.
- Direktorya ng Mapagkukunan sa COVID-19
Para sa isang listahan ng mga available na karagdagang mapagkukunan sa mga naapektuhan ng COVID-19
- Ang Emergency Financial Assistance Network (EAN) ng Santa Clara County
Mga Mabilis na Link
Bakuna sa COVID-19 Mga Lokasyon ng Pagpapasuri sa COVID-19 Directory ng Mapagkukunan sa COVID-19 Data ng Bakuna sa COVID-19 COVID-19 at Mga Paaralan/Edukasyon Patnubay sa Pagbubukod at Pagkuwarantina sa Bahay Mga Madalas na Katanungan sa Kautusan ng Pampublikong Pangkalusugan Impormasyon para sa Healthcare Provider Form ng Pag-ulat ng Kaso ng Provider Library ng Flyer at Poster sa COVID-19 Impormasyon sa Moratoryo ng Pagpapaalis American Rescue Plan Mag subscribe sa Aming Public Health Newsletter Magbahagi ng Inaalala