Dashboard ng COVID-19 Variant


Huling update sa nilalaman: 3/20/23

Ulat sa Variant ng COVID-19

Ang dashboard na ito ay nagbibigay ng pinagsamang bilang ng mga variant ng COVID-19 na nakilala at naiulat sa Santa Clara County hanggang sa ngayon.

Mula nang nagsimula ang pandemya, maraming lumitaw na mga variant ng SARS-CoV-2, na karaniwan na ang lahat ng mga virus ay nagbabago at nagmu-mutate sa paglipas ng panahon. Ang karamihan sa mga variant ay walang makabuluhang mga epekto sa kalusugan, ngunit ang ilan ay maaaring makakaapekto sa pagkalat ng COVID-19, kalubhaan ng sakit, pagsusuri, paggamot, o pagiging epektibo ng bakuna, at dapat na regular na sinusubaybayan. Ang pagiging epektibo ng mga bakuna at ang mga variant ay patuloy na sinusubaybayan at pinag-aaralan sa buong bansa at sa buong mundo. Para sa impormasyon tungkol sa mga pagbabakuna sa Santa Clara County, mangyaring bisitahin ang aming  dashboard ng pagbabakuna

Sinusunod ng Santa Clara County ang  mga pag-uuri at kahulugan ng CDC sa SARS-CoV-2, kung saan kasama rito ang mga apat na klase ng SARS-CoV-2 na mga variant:

  • Ang Variant of High Consequence (VOHC) ay ginagamit upang ilarawan ang isang variant na kung saan mayroong malinaw na ebidensiya na ang pagpigil o ang mga medikal na pagsugpo ay nakakabawas ng pagiging epektibo.
  • Ang Variant of Concern (VOC) ay ginagamit upang ilarawan ang isang variant na natagpuan na nagkaroon ng isang makabuluhang epekto sa kalusugan, tulad ng pagiging mas nakakahawa, mas malamang na maging sanhi ng matinding karamdaman, o hindi gaanong tinatablan ng mga bakuna o paggamot.
  • Ang Variant of Interest (VOI) ay ginagamit upang ilarawan ang variant na nauugnay sa mga makabuluhang pagbabago sa genetiko at maaaring mangailangan ng naaayon na pagkilos ng pampublikong pangkalusugan.
  • Ang Variant Being Monitored (VBM) ay ginagamit upang ilarawan ang lahat ng variant na mayroong kapalit na pag-aalala, kasama na rito ang VOIs at VOCs, sa United States na kasalukuyang sinusubaybayan ng CDC upang malaman ang karagdagang epekto sa pampublikong pangkalusugan, ngunit hindi iniisip na magdulot ng isang makabuluhan o nalalapit na panganib sa publiko.

Habang natutuklasan at itinatalaga ng CDC at ng iba pa ang mga bagong variant, sila ay idadagdag sa dashboard na ito. Kapag nalaman pa ang karagdagang impormasyon tungkol sa mga partikular na variant, ang kanilang mga pagtatalaga at ang mga bilang ng pagkakasunod-sunod ng mga variant ay maaaring magbago.

 

Mga Napag-alamang Variant of High Consequence sa Santa Clara County

Wala

 

Mga Napag-alamang Variant of Concern sa Santa Clara County

Variant

Label ng WHO

Bilang ng mga Pagkakasunod-sunod ng Variant

B.1.1.529* Omicron 2,409
BA.1.1 Omicron 10,916
BA.2* Omicron 3,078
BA.2.12.1 Omicron 1,496
BA.2.75 Omicron 117
BA.2.75.2 Omicron 21
BN.1 Omicron 149
CH.1.1 Omicron 39
BA.4 Omicron 362
BA.4.6 Omicron 148
BA.5 Omicron 4,691
BA.5.2.6 Omicron 60
BF.7 Omicron 182
BF.11 Omicron 44
BQ.1 Omicron 626
BQ.1.1 Omicron 1,063
XBB Omicron 128
XBB.1.5 Omicron 313
Recombinant Omicron 45

 *Kabilang ang lahat ng sublineages (BA.1 at BA.3 para sa B.1.1.529, BA.2.12 para sa BA.2)

 

Mga Napag-alamang Variant of Interest sa Santa Clara County

Wala

 

Mga Napag-alamang mga Variant Being Monitored sa Santa Clara County

Variant

Label ng WHO

Bilang ng mga Pagkakasunod-sunod ng Variant

B.1.617.2* Delta 16,343
B.1.1.7* Alpha 763
B.1.351* Beta 21
P.1* Gamma 157
B.1.427/B.1.429 Epsilon 1,463
P.2 Zeta 4
B.1.525 Eta 4
B.1.526 Iota 63
B.1.617.1 Kappa 29
B.1.621* Mu 51

*Kasama ang lahat ng sublineages (AY. for B.1.617.2, Q for B.1.1.7; B.1.351.2/B.1.351.3 for B.1.351; P.1.1/P.1.2 for P.1; B.1.621.1 for B.1.621)

 

Ang dashboard na ito ay ina-update tuwing Lunes. Mangyaring tandaan na mayroong pagkaantala sa data ng hanggang sa isang buwan o mahigit pa dahil sa oras na kinakailangang mag-sequence at mag-ulat ng mga kaso ng variant ng mga laboratoryo sa Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan.

Pinagmulan: California Department of Public Health (CDPH) SARS-CoV-2 dashboard; kabilang sa dashboard ng CDPH ang sequence data mula sa maraming mapagkukunan kabilang ang regular na genomic na pagsubaybay na isinasagawa sa pamamagitan ng Lab ng Pampublikong Pangkalusugan ng County ng Santa Clara, ng Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan ng California, mga partner sa akademiko, at mga komersyal na laboratoryo.

Ang data na kasama sa dashboard na ito ay kumakatawan lamang sa mga pagkakasunod-sunod na kaso na naiulat o alam ng Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan ng County ng Santa Clara. Bilang resulta, ang mga bilang ng mga pagkakasunod-sunod na ipinakita sa dashboard na ito ay hindi kumakatawan sa kabuuang bilang ng mga impeksyon dahil sa mga variant strain na maaaring kumakalat sa Santa Clara County. Ang mga pagkakasunod-sunod na naiulat sa dashboard na ito ay panimula at maaaring magbago sa karagdagang imbestigasyon.

Para sa karagdagang impormasyon kung aling mga variant ang sinusubaybayan ng Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan ng California (CDPH) at para sa bilang ng mga kaso ng bawat variant na naiulat sa buong California, tingnan ang website ng CDPH sa Pagsubaybay ng mga Variant.

Saan makakahanap ng karagdagang impormasyon

Mag-click dito upang bumalik sa pangunahing pahina ng Data at mga Ulat sa COVID-19

©2023 County of Santa Clara. All rights reserved.