Mga Kagamitan ng Itinalaga (Designee) sa COVID-19

Huling update ng nilalaman: 12/30/22

Ang mga pag-uulat ng kaso ng COVID-19 na kinakailangan para sa mga employer sa non-healthcare na mga lugar ay magbabago sa Enero 1, 2023.

Ang webpage na ito ay mababago upang maipakita ang mga pagbabago sa Cal/OSHA COVID-19 Emergency Temporary Standards (ETS) at California Assembly Bill 685 na magkakabisa sa Enero 1, 2023. Mangyaring bumalik muli para sa mga update.

Para sa kasalukuyang patnubay ng CDPH para sa K-12 na paaralan (na-update 9/30/22) i-click dito.

Para sa patnubay para  sa mga provider at programa sa chilcare ng CDPH (na-update 10/21/22) i-click dito. 

Para sa patnubay para sa paggamit ng mga maskara ng CDPH (na-update 9/20/22) i-click dito

PAUNAWA: Sa lugar ng trabaho, ang mga employer ay napapailalim sa Cal/OSHA COVID-19 Prevention Emergency Temporary Standards (ETS) at dapat kumonsulta sa mga regulasyon na ito para sa karagdagang naaangkop na mga kinakailangan.

 

    Ang mga K-12 na paaralan ay hinihikayat na bumuo ng kinikilalang pamantayan para sa mga nangangasiwang kawani at mga estudyante na nagkakaroon ng mga sintomas ng nakakahawang mga sakit, kabilang ang COVID-19.

    Ang mga sumusunod na patnubay ay nalalapat sa LAHAT ng mga estudyante at kawani, anuman ang katayuan ng pagbabakuna.

    Magpasuri: Magpasuri kaagad. Mas pinipili ang antigen na pagsusuri, lalung-lalo na para sa sinumang nasuring positibo sa nakalipas na 90 araw.

    Magbukod: Huwag pumunta sa paaralan. Manatiling nakabukod habang naghihintay ng mga resulta sa pagsusuri. Kung hindi nasuri, magpatuloy sa pagbubukod ng 10 araw pagkatapos ng araw ng pagsisimula ng sintomas. Kung ang kawani/estudyante ay hindi makapagbukod mula sa iba sa tahanan, dapat silang magsuot ng mahusay na kasyang maskara ng 10 araw kung nasa paligid ng ibang tao.  

    Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Patnubay para sa mga Lokal na Hurisdiksiyon sa Kalusugan sa Pagbubukod at Pagkwarantina ng Masa ng CDPH o kausapin ang inyong distrito ng paaralan.

    PAUNAWA: Inaatasan ng California ang mga employer na magbigay ng COVID-19 na supplemental paid sick leave para sa karamihan ng mga manggagawa hanggang Disyembre 31, 2022. Kabilang na dito ang mga pangyayari kung saan ang mga manggagawa ay nakakaranas ng mga sintomas ng COVID-19 at naghahanap ng medikal na diyagnosis, pagpunta sa appointment sa pagbabakuna para sa kanilang sarili o para sa miyembro ng pamilya, at/o kung ang anak ng manggagawa ay nagbubukod dahil sa impeksiyon sa COVID-19.

    Nakipagsalamuha ng malapitan: Sinumang nakikibahagi ng parehong panloob na lugar, hal., tahanan, clinic waiting room, eroplano, atbp., para sa pinagsama-samang kabuuan ng 15 minuto o mahigit pa sa loob ng 24-oras (gaya halimbawa, tatlong indibidwal na nalantad ng 5-minuto para sa kabuuang 15 minuto) sa panahon ng impeksiyon ng tao (nakumpirma sa laboratoryo o isang klinikal na diyagnosis) sa nakakahawang panahon.

    Ang mga sumusunod na patnubay ay nalalapat sa LAHAT ng mga estudyante at kawani, anuman ang katayuan ng pagbabakuna.

    Magpasuri: Lahat ng asymptomatic na nalantad na mga estudyante at kawani ay dapat magpasuri ng 3-5 araw pagkatapos ng kanilang pagkakalantad, maliban kung nagkaroon sila ng COVID-19 sa huling 30 araw. Ang mga may sintomas na nakipagsalamuha ay dapat magbukod at kaagad magpasuri.

    Subaybayan ang mga sintomas: Kung wala silang mga sintomas ng COVID-19, ang mga estudyante o kawani na nalantad sa COVID-19 ay HINDI na kinakailangang magbukod. Kung nagkakaroon ng sintomas, ang mga estudyante at kawani na nalantad sa COVID-19 ay dapat manatili sa tahanan.

    Pagbabalik: Sumangguni sa COVID-19 Decision Tree para sa TK-12 at Childcare (Na-update 11/15/22 - | English | Spanish | Vietnamese |) para sa patnubay sa pagbabalik sa paaralan. Sa karagdagan, ang mga estudyante ay dapat sumunod sa mga patakaran ng distrito ng paaralan para sa pangangasiwa ng pagkakalantad sa paaralan. Ang mga kawani ay dapat sumangguni sa Cal/OSHA COVID-19 Prevention Emergency Temporary Standards (ETS) para sa mga karagdagang kinakailangan.

    Maskara: Ang mga kawani ay DAPAT at ang mga estudyante ay KAILANGAN na magmaskara kung malapit sa iba para sa kabuuang 10 araw pagkatapos ng kanilang pagkakalantad.

    Ipaalam: Matinding inirerekomenda ang mga paaralan na gamitin ang Group Tracing Approach para sa pagpapaalam sa mga estudyante sa pagkakalantad sa COVID-19.

    Para sa iba pang impormasyon, sumangguni sa Patnubay para sa mga Lokal na Hurisdikdiyon ng Kalusugan sa Pagbubukod at Pagkwarantina ng Masa ng CDPH o kausapin ang inyong distrito ng paaralan.   


    Ang mga sumusunod na patnubay ay nalalapat sa LAHAT ng mga estudyante at kawani, anuman ang katayuan ng pagbabakuna.

    Magbukod: Manatili sa tahanan ng hindi bababa ng 5 araw pagkatapos ng umpisa ng mga sintomas (o pagkatapos ng petsa ng unang positibong pagsusuri kung walang sintomas).

    Magpasuri: Ang isang negatibong pagsusuri na nakolekta sa o pagkatapos ng 5 Araw ay kinakailangan para matapos ang pagbubukod. Kung ang estudyante/kawani ay hindi makapagpasuri o piniling hindi magpasuri, o kung nasuri silang positibo sa 5-10 Araw, ang pagbubukod ay maaaring matapos PAGKATAPOS ng 10 Araw kung walang lagnat ng 24 na oras na walang iniinom na gamot para sa lagnat.

    Subaybayan ang mga sintomas: Kung may lagnat, ipagpatuloy ang pagbubukod hanggang 24 na oras pagkatapos mawala ang lagnat na walang iniinom na gamot para sa lagnat. Kung hindi nawawala ang ibang sintomas, ipagpatuloy ang pagbubukod hanggang ang mga sintomas ay nawawala hanggang 11 Araw.

    Maskara: Ang mga kawani ay DAPAT at ang mga estudyante ay KAILANGAN na magmaskara kung malapit sa iba para sa kabuuang 10 araw pagkatapos ng kanilang pagkakalantad.

    Gamutin: Kung malala ang mga sintomas, o kung ang nakakahawang tao ay nasa mataas na panganib ng malalang sakit, o kung mayroon silang mga tanong tungkol sa pangangalaga, ang mga taong nahawaan ay dapat kontakin ang kanilang healthcare provider para sa available na paggamot.

    Tingnan ang Patnubay para sa mga Lokal na Hurisdiksiyon sa Kalusugan sa Pagbubukod at Pagkwarantina ng Masa ng CDPH o kausapin ang inyong distrito ng paaralan para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano tumugon sa estudyante o miyembro ng kawani na nasuring positibo.

    PAUNAWA: Inaatasan ng California ang mga employer na magbigay ng COVID-19 na supplemental paid sick leave para sa karamihan ng mga manggagawa hanggang Disyembre 31, 2022. Kabilang na dito ang mga pangyayari kung saan ang mga manggagawa ay nakakaranas ng mga sintomas ng COVID-19 at naghahanap ng medikal na diyagnosis, pagpunta sa appointment sa pagbabakuna para sa kanilang sarili o para sa miyembro ng pamilya, at/o kung ang anak ng manggagawa ay nagbubukod dahil sa impeksiyon sa COVID-19.

     

    Mga Karagdagang Mapagkukunan

    • Bisitahin ang COVID-19 at mga Paaralan/Childcare page ng County para sa mga mapagkukunan ng magulang at mga detalye sa screening, pagsusuri, pag-uulat, at pagbubukod sa maagang edukasyon at mga TK-12 na lugar.
    • Sumangguni sa Safe Schools for All Hub ng CDPH para sa mga pangunahing mapagkukunan at impormasyon upang suportahan ang personal na pag-aaral sa mga K-12 na paaraalan.
    • Tingnan ang COVID-19 Decision Tree para sa TK-12 at Childcare (Na-update 11/15/22English | Spanish | Vietnamese |)
    COVID-19 Decision Tree Tagalog

    Pag-uulat ng SPOT:

     

    ©2023 County of Santa Clara. All rights reserved.